MODERNONG PANAHON
🕣 8:30 PM
Parking LotKanina pa pinagmamasdan ni Dunhill Montano ang dalawang binatilyong sina Isagani at Gabriel, mula sa loob ng kanyang kotse na nakahimpil at katapat ng kulay asul na Sports Car ni Amhed sa kubling bahagi ng parking lot.
Maraming katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan. Tinanggal niya ang kanyang salamin sa mga mata, at saglit na binalikan ang mga pangyayari kanina... hinding hindi na niya malilimutan.
___
🕠6:30 PM
Ang oras buhat nang dumating sina Dunhill at Charlotte sa Crimson Mountain Shopping Mall. Sila'y mga professional Private Investigators na nagtratrabaho sa isang Agency: Ang Black Arrow Detective Company.
Kanilang sinusundan ang isang puting kotse, kung saan nakasakay ang isang businessman na si Mr. Palomar--ang kanilang prime subject. Binigyan sila nang sapat na araw at oras upang makakalap ng impormasyon at ebidensya buhat sa subject.
Bumaba si Mr. Palomar mula sa backseat ng puting Revo at pumasok sa main entrance ng shopping mall. Mabilis din na lumabas si Charlotte sa kotseng gamit nila ni Dunhill, at sinundan si Mr. Palomar.
Makalipas ang labing limang minuto, tumunog ang Radio Phone ni Dunhill.
[Agent-29, two zero?] ang bungad na tanong ni Charlotte. Inaalam kung nasaan ang kasamang si Dunhill.
[Agent-40, narito pa ako sa parking lot. Hindi ko na sinundan ang white Revo. Hawak mo pa ba ang subject?] tugon ni Dunhill kay Charlotte.
[Copy. Pumasok ang subject sa isang Coffee Shop, at parang may hinihintay? Nandito ako ngayon at naghahanap ng magandang angle, para ma-video ang activities nitong subject,] paliwanag ni Charlotte.
[Copy. Stand by lang ako rito. Sana positive ang lakad nating ito. I'm still hoping na lumitaw ngayon ang allegedly 'mistress' ni Mr. Palomar,] saad ni Dunhill, at umaasang matapos na ang kanilang mahirap na trabaho.
[Copy. Magdilang anghel ka sana, Agent-29. Good luck!] ani Charlotte, buhat sa kanyang radio device na tangan.
Binuksan ni Dunhill ang pinto ng kotse, at nagsindi ng sigarilyo.
Nakatawag sa kanyang pansin ang magarang asul na Sports Car, at pumarada sa tapat ng kotseng gamit niya. "Wow, Sports Car! Astig!" kanyang nasambit.
Lumabas ang dalawang matangkad na lalaki sa loob ng Sports Car. Naglalaro ang mga edad nito sa twenty-one, hanggang twenty-three; ayon sa pagkakatantiya ni Dunhill. Mababakas sa kanilang mga tindig at porma na nagmula sila sa may kayang pamilya. May kaputian ang kanilang mga kompleksyon, at mapagkakamalang mga commercial model o lumalabas sa mga palabas sa telebisyon at social media.
Pagkababa nila sa kanilang sasakyan ay may lumapit na isang binatilyo, at pumukaw sa kanilang atensiyon. Binatilyong kayumanggi ang kompleksyon, at nakasuot ng kulay puting makalumang kasuotang kamisa de chino at pantalon.
Napansin ni Dunhill ang mga luhang dumaloy noon sa mga mata ng binatilyo at kahit siya'y nakaramdam ng habag; ngunit dali- daling itong nagpaalam sa dalawang binata.
Isang bagay ang inalis ng binatilyo sa kanyang leeg, at inabot sa isang lalaking may pagkasingkit ang mga mata na lumabas sa driver seat ng asul na Sports Car.
Isang lumang Binoculars ang iniwan ng binatilyo sa dalawang binata, at kanilang sinilip ang mga lente nito.
Wala pang labing limang minuto ang lumipas nang may kakaibang nangyari sa binatang pinag-abutan ng Binoculars na unang sumilip sa mga lente; bigla na lamang itong naglahong parang bula sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
LARGABISTA
Mystery / Thriller💀LARGABISTA Largabistang nagmula sa nakaraan, nagpasalin-salin sa mga nakalipas na henerasyon at pilit na tumawid sa modernong panahon. Nagbukas ang isang lagusan nang sinilip ng magkapatid na sina Isagani at Gabriel, na nagmula sa panahong 1897...