PINAGBIGKIS NA BIGKIS
🕛 12:00 AM
Huminto ang dalawang kamay ng isang antigong wall clock na nakalapat sa itaas kung saan sa ibaba nito nakasentro ang white board--ang harapang bahagi ng function room ng Light and Shadows: The Mystery Club.
Umihip ang banayad na hangin at sa isang iglap lumitaw ang nakamamanghang pabilog na liwanag--ang Portal.
Inuluwal ng mahiwagang lagusan ang magkapatid na sina Alaric at James na bahagyang nagulat at nagkatinginan sa kanilang kinatatayuan. Kasabay nito ang tuluyang paglaho ng Portal sa kanilang likuran at bumalik sa normal ang lahat.
Nanumbalik sa dati ang katawan ng magkapatid. Makatawag ng pansin ang mumunting liwanag ang patuloy na kumikislap sa mga lente ng Largabistang nakasabit sa leeg ni James.
Ibinukas ni James ang kanang palad at lumikha ito ng isang bilog na liwanag. Sapat upang mailawan ang kanilang kinalalagyan. Dali-daling tinungo ni Alaric ang mga switch ng florescent lights, at binuksan ang mga ito.
Ikinuyom ni James ang kanyang palad. Kasabay nito ang paglaho nang nilikha niyang bilog na liwanag.
Napansin ni James ang mugtong mga mata ni Alaric. Nababanaag niya ang nakakubling kalungkutang nadarama sa kaibuturan ng kalooban ng kanyang kapatid.
"Are you alright!" Sabay inakbayan ni James si Alaric.
"I'm fine, Kuya. Don't worry, I can handle everything. Kinakailangan nating magpakatatatag, kinakailangan nating sundin ang mga bilin sa atin ni Papa Zandrino. I don't want to disappoint Him."
"Tama ka, Alaric. Nagpapasalamat ako na ikaw ang naging kapatid ko, at hinding hindi magmamaliw ang pagmamahal ko sa iyo... pangako!"
"Thank you, Kuya! Hindi rin ako magiging matapang na harapin ang mga pagsubok kung hindi rin lang ikaw ang aking naging matibay na sandalan."
Mahigpit na niyakap ni James si Alaric. Batid niyang maraming gumugulo ngayon sa isipan nito.
Narito lang ako, Alaric. Gaano man kasakit ang katotohanan... hinding hindi kita bibitawan!
"What an emotional journey that we been through, Kuya. Nakakainis lang ang process, dahil nagiging iyakin na ako. Sabi nga ni Papa Zandrino; nababawasan daw ang pagiging guwapo ko kapag tumutulo na ang aking sipon!" sabay bulanghit ng tawa ni Alaric habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Hey, sira ulo ka talaga!" hindi na rin napigilan ni James ang sarili, at sinabayan na rin ang pagtawa ni Alaric.
"Anyway, gigisingin pa ba natin sila?"
"Hmm...bukas na lang siguro? It's better kung sorpresahin natin sila."
"That's a good idea, Kuya. Inaantok ka na ba?"
"Sa tingin mo makakatulog pa ba ako?"
"So, dating gawi...Scoth on the Rock!"
"OK! Scoth on the Rock, Alaric!"
Tumango si Alaric, at inihanda ang Imported na Alak na kanilang pagsasaluhan ni James. At kanilang pinag-uusapan ang naging paglalakbay nila sa nakaraan.
"Tama ba ang iniisip at nararamadaman natin ngayon, Kuya James?" Sabay tungga ni Alaric sa tangang shot glass.
"What do you mean?" Bumilis ang tahip sa dibdib ni James, at tinitigan ang mukha ni Alaric.
"Na hindi si Gonzalo ang pumatay kay Papa Zandrino."
"Well, maliwanag ang plano ng mga sugo ng dilim noon, na nais nilang mawala sa landas nila si Papa."
BINABASA MO ANG
LARGABISTA
Mystery / Thriller💀LARGABISTA Largabistang nagmula sa nakaraan, nagpasalin-salin sa mga nakalipas na henerasyon at pilit na tumawid sa modernong panahon. Nagbukas ang isang lagusan nang sinilip ng magkapatid na sina Isagani at Gabriel, na nagmula sa panahong 1897...