LARGABISTA : CHAPTER 41

29 6 0
                                    

KASAGUTAN SA MGA TANONG NG KAHAPON

Sumapit ang itinakdang araw kung saan babalikan muli nina Alaric at James ang kaganapan sa nakaraan.

"James, mag-iingat kayo," buong pag-aalalang wika ni Ruth.

"Huwag kayong mag-alala, patuloy tayong manalangin na maghahari ang liwanag laban sa dilim."

Mahigpit na niyakap ni James si Ruth. Lumapit na rin sina Dunhill, Anilov at Morgana; mahigpit din nilang niyakap ang pinakamamal nilang Ama.

"We love you, Papa." Sabay halik ni Morgana sa pinsngi ng Ama na tinugunan ni James.

Hinalikan ang noo ng bunso niyang Anak. "Mahal na mahal ko rin kayo, mga Anak."

"Uncle, Alaric..." Lumapit sina Dunhill, Anilov at Morgana kay Alaric; mahigpit din nilang pinabaunan ng mainit na yakap ang kanilang tiyuhin.

"Mag-iingat din kayong lahat dito," tinig ni Alaric.

Tanging tango na lamang ang naging ganting tugon ng lahat, at patuloy na nananalangin ang bawat isa sa kaligtasan nina James at Alaric sa napipintong laban upang masukol ang mga kampon ng dilim.

Sa muling pagkakataon, nagbigay ng hudyat ang Largabista. Kumislap ang mumunting liwanag sa magkabilang lente nito, tuluyan nang sinilip ni James at nagluwal ng pabilog na liwanag ang Largabista. Tumambad ang malaking portal sa unahang bahagi ng function room.

Kapit-kamay ang magkapatid na sina Alaric at James; mabilis silang hinigop ng mahiwagang portal.

Kapit-kamay ang magkapatid na sina Alaric at James; mabilis silang hinigop ng mahiwagang portal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katulad ng dati, bumalik ang katawan ng magkapatid sa kanilang kabataan. Tumambad sa kanilang paningin ang mataas na tarangkahang bakal sa labas ng magarang dalawang palapag na bahay ni Professor Dimitri.

"Anong panahon ito, Kuya James?"

"Narito tayo ngayon sa harapan ng tahanan ni Professor Dimitri--dito sa Intramuros Manila. Hintayin natin si Papa Zandrino."

"James, Alaric..."

Sabay na napalingon ang magkapatid, at buong galak nilang niyakap ang nakatindig na si Zandrino sa kanilang likuran.

"Kumusta kayo, mga Anak?"

"Pa, handa na kami sa lahat nang mangyayari," tugon ni James.

"Alaric?"

"Ok na ako, Papa. Salamat sa iyong pagtanggap. Kahit hindi ikaw ang totoo kong Ama, ipinaramdam mo sa akin ang higit pang pagmamahal!"

"Walang mababago, Alaric. Ikaw ang aking bunsong Anak. Kahit hindi tayo nabigyan ng pagkakataon noon, still; gumawa ang tadhana na tayo'y magkasama ngayon. Makilala ka, at mayakap ka, Anak."

"I love you, Papa Zandrino!" Mahigpit na yumakap si Alaric.

"Mahal na mahal ko kayo, mga Anak. Kahit magkaiba ang ating mundong ginagalawan--mananatili kayo sa aking puso."

LARGABISTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon