ANG LIHIM NI SOLANA BAUTISTA
Kinabukasan, lulan ng Dark Nissan Sentra sina James at Ruth patungong Mathilda's Restaurant, along NLEX: San Rafael.
Malakas ang tahip sa dibdid ni Ruth nang mga sandaling iyon. Maraming mga bagay ang gumugulo pa rin sa kanyang isipan na gusto niyang mabigyan ng konkretong kasugutan.
Napansin ni James na may hawak ng manibela ang kanyang kabiyak na napapatulala sa kanyang tabi.
"Hon, are you Ok?" pag-aalala ni James, at napapasulyap kay Ruth.
"Nothing to worry Hon. I'm fine."
Ilang saglit lang, narating na nila ang pakay nilang lugar. "Narito na tayo, Hon." Naghanap si James ng puwesto, at inihimpil ang kotse sa maaliwalas na parking lot ng Mathilda.
"Gusto mo bang samahan kita sa loob?" wika ni James.
"Hon, I can handle this..."
"Ok, take your time."
Sabay naglapat ang mga labi nina James at Ruth.
"I'll go ahead, Hon. Thank you." Binuksan ni Ruth ang pinto ng passenger's seat, at tinungo ang main entrance nang nasabing restaurant.
Sinalubong si Ruth ng isang female attendant.
"Welcome to Mathilda's, Ma'am!" magiliw na bati ng attendant kay Ruth, at pinaupo sa single table.
"Thank you." At um-order si Ruth ng Blueberry Cake, at Juice.
Makalipas ang ilang saglit, inihain sa harapan ni Ruth ang slice ng cake at maiinom. Nagpahanda rin siya ng take-out orders.
"Hija, itatanong ko sana kung nariyan ba si Mallory Fernandez?"
"Nasa loob po si Ma'am Mallory. Gusto n'yo po ba siyang kausapin?"
"Please, pakisabi narito ang mother ni Morgana na kanyang kaibigan. I'm Ruth Montano."
"Sige po, pupuntahan ko si Ma'am Mallory."
"Thanks, Hija."
"You're welcome, Ma'am Ruth." Agad nang tinungo ng attendant ang kahabaan ng pasilyo, at pumasok sa isang pintuan.
Ilang saglit lang, kasama na ng attendant si Mallory. Abot tainga ang pagkakangiti nito nang masilayan niya si Ruth.
"Hi, Tita! Maraming salamat sa pagbisita muli dito sa Mathilda."
Tumindig si Ruth, at mainit na tinugunan ang mainit na yakap ng dalagang si Mallory na nagawa pang humalik sa kanyang kaliwang pisngi.
"My pleasure to see you again, Mallory. Hindi ba kita naistorbo, Hija?"
"It's Ok, Tita. Patapos na rin po ako sa encoding. Umupo na po tayo at sasamahan ko po kayo."
Humingi si Mallory ng isang basong Ice Tea sa attendant.
"Hindi n'yo po ba kasama si Morgana?"
"May inayos si Morgana sa kanilang school. I'm with my husband, at nagpa-drop by ako dito."
"Palagi po kaming nag-cha-chat ni Morgana, at inaabot po kami ng midnight."
"Really! Hayaan mo, Hija. Kung mayroon kaming freetime nang buo kong pamilya ay bibisita kami rito."
"Salamat po, Tita. I'm looking forward to meet everyone in your family."
"Hija, may itatanong sana ako? Kasama mo ba ngayon ang Mommy mo?"
"Yes, Tita, nariyan po siya sa loob. Puntahan po natin siya sa kanyang room, at ipapakilala ko siya sa inyo." Sabay tindig ni Mallory, at nakaramdam ng excitement. Hinawakan ang kanang kamay ni Ruth na bahagyang nagulat.
BINABASA MO ANG
LARGABISTA
Mystery / Thriller💀LARGABISTA Largabistang nagmula sa nakaraan, nagpasalin-salin sa mga nakalipas na henerasyon at pilit na tumawid sa modernong panahon. Nagbukas ang isang lagusan nang sinilip ng magkapatid na sina Isagani at Gabriel, na nagmula sa panahong 1897...