Chapter 10

578 20 0
                                        

Alexandra POV

Nandito na kami ngayon sa mall at talagang sumama pa yung apat dahil pinag pilitan nilang sumama para naman daw makapag libang sila kahit sandali dahil ilang araw na din silang tutok sa pag rereview.

nasa likod namin yung apat at aakalain ng iba na body guard namin sila dahil sa mga suot nilang pang body guard mismo na all black at sila yung mga gwapong body guard kaya na papatingin sa amin yung mga na dadaanan namin.

hindi pa din ma ipinta ang mukha ni blaze hanggang ngayon kahit ng umalis kami sa apartment ay hindi pa din maipinta ang mukha niya.

pumunta kami sa isang jewellery shop dito sa loob ng mall dahil balak daw bumili ni blaze ng necklace.

nag paalam na yung tatlo na pupunta muna sila sa arcade dito sa loob ng mall para mag laro kaya pumasok na kami sa loob samantalang si blaze ay hindi sumama sa tatlo dahil ayaw daw niya iwan kaming dalawa dahil baka mawala daw kami sa paningin niya.

tumingin tingin ako ng mga kuwintas dito sa loob at may isang kwintas ang na kaagaw ng atensyon ko kaya na patitig ako doon.

isang crescent moon ang kwintas at sobrang ganda niya. hindi ko alam kung bakit na pahawak ako sa kuwintas na binigay sa akin ni blaze saka na pangiti.

na pangiti na lang ako ng maalala ang araw kung saan ay ibinigay sa akin ito ni blaze.

"alex!" na palingon ako ng tawagin ako ni blazer kaya lumapit ako sa kaniya.

"ano yun?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako saka tumingin sa mga kuwintas sa harap ko.

"pwede bang isuot mo ito? gusto ko lang malaman kung bagay ba?" sagot niya saka tinuro ang kuwintas na tinitignan ko lang kani-kanina lang.

"para kanino ba yan?" tanong ko sa kaniya habang na katingin sa kuwintas na nasa harap ko na kinuha pa ng babae kanina para dalhin sa amin.

"basta! isuot mo na lang at saka tanggalin mo muna ang kuwintas na suot mo ang panget eh" sagot niya kaya na patingin ako sa kaniya saka sinamaan siya ng tingin.

"kung sipain kaya kita lalabas dito?!" sigaw ko sa kaniya saka inirapan siya at na rinig ko ang pag tawag ng babae.

"biro lang! hindi ka naman mabiro eh! saka saglit lang naman" sabi niya kaya na patingin ako sa hugis crescent na kuwintas at hula ko para kay angela itong kuwintas.

tinanggal ko na ang kuwintas na suot ko saka maingat na ilinapag sa maliit na unan na nasa harapab ko.

itinaas ko ang buhok ko para maisuot sa akin ni blazer ang kuwintas. ng maisuot na niya ang kuwintas ay binaba ko na ang buhok saka tumapat sa salamin sa harap ko.

"maganda, bagay sayo" papuri ni blazer kaya na pahawak ako sa kuwintas na isinuot niya sa akin.

na pangiti na lang ako dahil sobrang ganda nito pero mas maganda pa din para sa akin yung binigay ni blaze.

"naku ma'am bagay na bagay ho sa inyo ang kuwintas na iyan!" papuri ng babae sa harap ko kaya na patingin ako sa kaniya saka tipid na ngumiti at tumango, "para ho ba iyan sa anniversary niyong mag asawa?" tanong niya kaya na tigilan ako sa tanong niya.

"miss hindi po kami mag asawa, soon to be husband and wife palang" sagot ni blazer saka tumawa kaya na paiwas ako ng tingin.

"blazer" may pag babanta sa tono ni blaze ng marinig ang sinabi ni blazer at akmang lalapit siya dito ng harangan ko siya dahil baka masapak niya ng wala sa oras si blazer.

"biro lang! hindi kami mag asawa miss, sa kapatid ko kasi yan ikakasal eh" pag bawi niya sa sinabi niya kaya na hihiyang tumawa yung babae dahil sa sinabi ni blazer.

The Twin Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon