Alexandra POV
ng makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin ay kinuha na namin agad ang mga maleta namin.
ng makuha na namin ay hila hila na namin ito ngayon saka lumabas na.
ang alam ko ay susunduin kami ni tita kim ngayon dahil na una siyang bumalik dito kesa sa amin dahil may ilan pa akong tinapos.
ng makalabas na kami ng airport ay agad namin nakita si tita kim. parang tunay na anak ang turing niya sa akin at siya din ang tumulong sa akin ng panahon na kailangan ko ng tulong.
agad na inutusan ni tita kim ang dalawa niyang body guard na kunin ang mga dala naming maleta at agad naman nila iyon kinuha saka isinakay sa van.
nag lakad na ako palapit kay tita kim saka humalik sa pisngi niya.
"how's your flight?" tanong niya sa amin saka sumakay na sa loob kaya sumakay na din kami ni kiara.
"it's okay mom" sagot ni kiara saka ilinagay sa slim bag niya ang cellphone niya. hindi na ako sumagot dahil pagod din ako at madami pa akong dapat gawin. isa na akong ganap na abogado sa tulong ni tita kim.
"ate?" na palingon ako ng tawagin ako ni kiara. ate ang tawag niya sa akin dahil mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon.
"bakit?" tanong ko sa kaniya at na papagitnaan nila akong dalawa.
"pwede ba tayo mag mall?" tugon niya kaya na pakunot ang noo ko sa kaniya.
"sure kailan ba?" tanong ko sa kaniya saka na patingin kay tita kim at alam naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumango na lang siya.
"ngayon sana?" sagot niya saka na pakamot sa batok niya.
"sige" maikli kong tugon at pumalakpak pa siya.
walang ka paguran sa pag mamall si kiara dahil kahit nasa ibang bansa kami ay lagi siyang nag aaya na mag mall kami kahit pa na kagagaling lang namin doon.
pumayag naman si tita kim dahil maaga pa naman. na patingin ako sa suot kong relo at 1:28 p.m palang ng hapon at may oras pa kami para mamasyal sa mall.
mamaya pa namang 8:00 p.m ng gabi ang oras ng dinner namin at mahaba pa ang oras namin para bumili ng kahit ano.
isa na akong magaling na abogado sa ibang bansa at madami na din akong na panalo na mga kaso in short ay wala pa akong na tatalong kaso dahil lahat ng hinahawakan kong kaso ay na papanalo ko.
kaya may sarili na din akong kumpanya sa iba't ibang sulok ng mundo.
kilalang kilala ang pangalan ko sa ibang bansa at kahit sa pilipinas ay ganoon din pero ibang pangalan ang ginamit ko dito sa pilipinas at hindi din ako pumayag na ipakita ang mukha ko sa kahit anong new's paper or sa t.v at sa mga social media dahil pinanindigan ko ang pagiging patay para sa kanila.
tumigil na ang van sa tapat ng entrance kaya na una ng bumaba si kiara kaya sumunod na ako.
"make sure that both of you will come home before our dinner" bilin ni tita kim sa amin kaya tumango na lang ako kay tita kim.
"yes mom!" sagot ni kiara saka isinara na ang pinto ng van kaya umandar na ito paalis.
agad na kumapit sa braso ko si kiara saka hinila ako papasok sa loob ng mall.
akala mo ngayon lang siya na ka punta ng mall eh halos araw araw nga kaming nasa mall pero hindi pa din siya nag sasawa.
suot ko ngayon ang paborito kong dress na may design na butterfly at bulaklak.
BINABASA MO ANG
The Twin Gangster (COMPLETED)
Fiksi PenggemarNa biyayaan ang pamilya Echavez ng kambal na anak na babae at isang lalake na siyang bunso. na tahimik na din sa wakas ang pamilya nila kasama ang mga anak nila. Pero paano kung may bumalik mula sa na karaan? Handa ba nilang harapin ito? Paano kun...
