Alexandra POV
pinatawag ang mga magulang namin dahil sa nangyari kanina at paniguradong pupunta sila sa apartment namin.
hindi ko alam kung ilang beses na ba kami na patawag sa dean's office dahil sa mga gulong na pasukan namin.
nandito na kami ngayon sa apartment at hinihintay ang mga magulang namin dahil na kausap namin sila kanina sa telepono ng dean's office.
"patay na naman ako kay dad nito!" sigaw ni charles kaya na patingin ako sa kaniya. may na kalagay na yelo sa mata niya ngayon dahil sa sinapak ko siya kanina pero nag tataka ako dahil may bakas ng sampal sa kaliwang pisngi niya?
"baka na hihiya ka pa charles baka kulang pa yung mga babaeng sumugod kanina? ilabas mo na ng matapos na" may pag kasarkastikong pag kakasabi ni john kay charles.
"yan ang na papala sa pagiging play boy mo!" sermon ko sa kaniya.
"sis tama na yan, malapit na sina mom and dad" pag aawat ni angela sa akin kaya na pairap na lang ako. paniguradong sermon ang aabutin na naman namin nito kapag nandito na sila.
ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto kaya nag katinginan kaming lahat kung sino ang mag bubukas ng pinto.
"oh buksan mo ba charles tutal ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit nangyari ito" seryoso kong utos sa kaniya kaya gulat siyang na patingin sa akin.
"ayaw! baka si dad ang na sa pinto at masapak pa ako!" angal niya at parang bata siya na nag mamaktol kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"ako ang sasapak sayo kapag hindi mo pa binuksan ang pinto" pag babanta ko sa kaniya at akmang tatayo siya ng unahan siya ni blaze.
na patingin ako kay blaze na ngayon ay nag lalakad na palapit sa pinto. si blaze ang nag bukas ng pinto na sana dapat ay si charles ang gagawa.
pinapasok na ni blaze ang mga magulang namin pero na patigil ako ng makita ang sumunod na pumasok dahil mga magulang lang naman ng apat at kasama na din ang kay fiona.
"dad bakit sila nandito?" bungad kong tanong sa kaniya dahil wala naman siyang sinabi sa akin kanina na kasama niya ang lahat ng magulang ng kasama namin. hindi ako sinagot ni dad.
"umupo po muna kayo" pag aya ni angela saka pinag tabuyan paalis yung apat na nakaupo sa sofa kaya umupo na sila.
yung mga babae ang na kaupo sa sofa samantalang ang mga lalake ay na sa likod lang nila at na katayo.
"na balitaan namin ang nangyari" seryosong pag kakasabi ni dad.
"si Charles po ang dapat sisihib niyo dahil siya ang nag dala ng mga babae!" pangangatwiran ko kay dad kaya na patingin siya sa akin ng seryoso.
"bakit siya ba ang bumugbog sa mga babae? diba hindi at kailan ba kayo mag titino!" sermon ni dad sa amin at kulang na lang ay kainin na niya kami ngayon dahil sobrang sama na ng awra ng buong paligid. sa kanilang dalawa ni mom ay siya ang mas strikto sa amin.
"na pag-desisyunan na namin na tatanggalin na namin ang mga credit card ninyo" pag anunsyo ni mom sa amin kaya na pairap na lang ako.
"dad pati po ba sa amin?" pasimpleng tanong ni charles sa dad niya.
"oo!" sigaw nito kaya para siyang tuta ngayon.
"kayong lahat ay tatanggalan namin ng credit card plus tatanggalin na din namin ang allowance niyo" dugtong ni mom kaya na pasandal na lang sa upuan na inuupuan ko ngayon.
na rinig ko pa ang pag angal ng tatlo dahil sa sinabi ng magulang namin pero yung isa nilang kasama ay hindi umangal.
"pero dad! paano na kami niyan!" angal ni john kaya na patingin sa kaniya ang dad niya ng masama.
BINABASA MO ANG
The Twin Gangster (COMPLETED)
FanfictionNa biyayaan ang pamilya Echavez ng kambal na anak na babae at isang lalake na siyang bunso. na tahimik na din sa wakas ang pamilya nila kasama ang mga anak nila. Pero paano kung may bumalik mula sa na karaan? Handa ba nilang harapin ito? Paano kun...