Chapter 15

464 14 1
                                    

Alexandra POV

Isinalang na namin ni mom ang kawali dahil mag luluto kami ng isda, manok, at iba pa.

"mom may balita na po ba kayo kung sino ang nag ambush sa amin noon ni angela at kay ashley?" tanong ko habang nag huhugas ng kamay dahil nag alis kami ng hasang ng isda.

"wala pa akong balita tungkol diyan" sagot niya saka umiwas ng tingin.

ramdam kong may tinatago siya sa akin kasi kung hindi niya pa talaga alam ay bakit siya paging kinakabahan kapag tinatanong ko ang tungkol sa bagay na ito?

"mom yung totoo? wala po ba talaga kayong alam o may tinatago na naman kayo sa akin?" seryoso kong tanong saka nag punas na ng kamay dahil tapos na akong mag hugas.

"gusto mo talagang malaman?" tanong niya kaya bahagya akong tumango bilang sagot.

"si kim. na katakas siya ng kulungan ng mangyari iyon at na laman naming si kim ang may pakana ng pag ambush sa inyong mag kakapatid na agad namang na huli dahil sa sumuko siya pero malakas ang kutob ko na may balak siyang gawin pero hindi ko alam kung ano iyon" dugtong ni mom dahilan para matigilan ako.

si tita kim? pero pinag bayaran na niya ang kasalanan niya.

"si tita kim? pero mom nag bayad na siya sa mga ginawa niya!" kuwestiyon dahil alam kong nag bago na siya at nag sisisi sa mga ginawa niya.

"nag bayad? paano? dahil ba sa na kulong siya ng ilang taon kaya nag bayad na siya sa mga kasalanan niya? kulang pa nga 20 year's niyang pag kakakulong para mag bayad siya! dahil walang katumbas ang sakit na ginawa niya alex! dahil, ng dahil sa kaniya kaya hindi natin kasama ngayon si angela at Ashley!" sigaw niya mom at nakita kong may pumatak na luha sa mata niya na agad naman niyang pinunasan.

"nag bago na siya mom, pinag sisishan na niya ang ginawa niya. mabuting tao si tita kim" kontra ko kay mom at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"paano mo na gagawang protektahan ang babaeng iyon? ang babaeng dahilan ng pag kamatay ng dalawa mong kapatid?!" galit na tanong sa akin ni mom.

"dahil katulad niya pinag kait mo din na makasama at makilala siya ni kaylee!" na pataas ang tono ng boses ko at alam kong may kabutihan padin sa puso niya.

"alex na ririnig mo ba yang mga sinasabi mo? hindi ko ipinag kait sa kaniya na makasama at makilala niya si kaylee!" kuwestiyon sa akin ni mom.

"anong hindi? mom ilinayo mo si kaylee sa kaniya ng mahabang panahon!" kontra ko. alam kong na ririnig na kami ni dad pero hindi niya lang pinapansin.

"hindi ko siya ilinayo kay kim! kaya ko siya ilinayo sa ina niya dahil maging ang sarili niyang anak gusto niyang patayin! ng makatakas siya ay na abutan namin siya sa bahay bakasyunan nila at na abutan namin na sinasakal niya si kaylee at puro pasa ang buong katawan niya at may mga paso pa ito.....muntikan ng mamatay si kaylee dahil sa kabaliwan ng sarili niyang ina na maski siya na anak niya ay gusto niyang patayin! sa tingin mo ba hindi ko ilalayo sa kaniya si kaylee? kung iyon ang sasapitin niya sa kaniyang ina? ina din ako alex! hindi ko kayang makita ang isang bata na walang kalaban laban pero na gawang patayin ng sarili niyang ina" tugon ni mom at akmang hahawakan niya ako ng umatras ako.

"na bilog na ba talaga ni kim ang ulo mo? na niniwala ka talaga sa kaniya? kesa sa akin na ina mo?!" iritadong tanong ni mom.

"mom alam kong nag kasala si tita kim pero tao lang siya nag kakamali" kuwestiyon ko kaya na pahinga na lang siya ng malalim.

"alam ko iyon alex pero ayokong sa tuwing nag uusap tayo ay nag tatalo tayo at siya ang dahilan ng pag tatalo natin and please alex wag na natin siyang pag usapan" pakiusap ni mom saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

The Twin Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon