Chapter 6

701 24 0
                                        

Alexandra POV

Ngayon na ang araw ng birthday namin ng kapatid kong si angela at na tapos na din ang foundation day ng school.

na kakapagod din ang araw na iyon dahil buong araw ay bukas ang mga booth at walang pahinga dahil dumadami ang mga pumapasok sa booth kaya wala ng oras para mag pahinga pa.

ang mga magulang namin ang nag handa para doon at sa mansion naming mga reyes gaganapin ang birthday namin.

bumukod kasi ang magulang namin ng mansion ng maging mag asawa na sila at sa akin gustong ipamana ni mom ang mansion naming iyon.

pinaayos na din ang palaruan kung saan ay dati kaming nag lalaro doon ng kapatid kong si angela kapag umaga at na kuwento din sa amin ni mom na doon din daw siya dati madalas na mag laro kasama ang mga tito namin kaya sobrang halaga ng palaruang iyon sa magulang namin.

sinuot ko ngayon ang binili ni angela na blue gown na bagay naman sa akin.

ang kay angela naman ay red gown na ikinaganda niya lalo ngayong gabi.

ng tumigil na ang van na sinasakyan namin sa tapat mismo ng pinto ay bumaba na kami.

pinasundo kami ng magulang namin sa apartment kaninang hapon at sa likod ng mansion namin gaganapin iyon kung saan may swimming pool at sa malawak naming garden.

ang tali ko ngayon ay bun with curly hair na inayos pa talaga ni fiona kanina at si fiona din ang nag lagay sa akin ng make up.

ang kay angela naman ay bulaklak ang kaniya na si fiona pa ang gumawa at mahilig sa mga ganitong bagay ang pinsa naming iyon.

mga reyes at echavez lang ang bisita namin kasama na din ang kaibigan ng mga magulang namin.

bumukas na ang malaking pinto kaya humakbang na kami papasok at sa likod ng mansiong ito gaganapin ang birthday namin at kasya naman ang nasa ilang libo ding mga bisita ang dadalo ngayong gabi.

ng makapasok kami ay unang bumungad sa amin ang magulang namin na katabi si aiden. sinalubong kami ng yakap ng mga magulang namin.

"happy birthday" bati sa amin ni mom.

"na sa garden na ang mga kaibigan niyo" seryosong usal ni dad kaya tumango na lang kami kay dad saka nag tungo na sa garden.

ng nasa garden na kami ay bumungad sa amin ang madaming bisita na inimbitahan pa mismo ng magulang namin at buong angkan ata ng dalawang pamilya ang nandito?

nakita naman namin ang apat sa di kalayuan kaya nag lakad na kami doon papalapit at gumilid ang mga tita at tito namin ng makita kami para makadaanan kami kahit naman na maluwag pa ang dadaanan namin. habang papalapit kami ay siya namang ikinaseryoso ng mukha ni blaze habang na katingin sa akin.

"woah! alex ikaw ba yan?!" na mamanghang tanong ni kyle habang na katingin sa akin.

"ay hindi hologram ako! hologram!" sarkastiko kong sagot sa kaniya.

"ang sungit mo na naman!" parang bata niyang pag kakasabi saka na panguso pa.

"happy birthday alex and angela" bati sa amin ni charles kaya na patingin ako sa kaniya.

"thank you!" sagot ni angela at tipid na tango na lang ang sinagot ko dahil hindi naman ako mahilig na mag sabi ng thank you sa mga bumabati sa akin at si angela lang ang mahilig sumagot sa mga ganyan.

binati kami ng tatlo at ramdam ko ang titig sa akin ni blaze na kung makatitig ay akala mo may ginawa akong mali.

lumapit na kami sa nga tito at tita namin, ng makalapit kami sa kanila ay binati nila kami at kapag may babati sa akin ay tipid na tango at ngiti lang ang sinasagot ko samantalang si angela ay na kikipag kuwentuhan pa.

The Twin Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon