Chapter 18

412 15 0
                                    

Alexandra POV

Ngayon na ang araw ng batch reunion naming mag kaklase at sinama ko dito si kiara.

sa lahat ng event kasi ay lagi kong kasama si kiara.

binuksan na ng driver namin ang pinto kaya na una akong lumabas at sunod ay si kiara.

suot ko ngayon ang paborito kong dress at ito ang sinusuot ko kapag may event dahil na babagay ang dress na ito sa kahit anong event na puntahan ko.

si kiara naman ay suot niya ang paborito niyang dress na siyang lagi niyang suot tuwing may event.

agad na kumapit si kiara sa braso ko habang nag lalakad kami at hilig niya talaga kumapit sa braso ko.

nag tungo kami kung saan gaganapin ang reunion namin.

sa school lang naman yun gaganapin at ng nasa tapat na kami ng pinto ay tinulak ko na yun pabukas.

humakbang na ako papasok at pag pasok ko ay siya namang pag tigil ng lahat sa mga ginagawa nila at na patingin sa akin.

para silang na kakita ng multo ng makita ako.

humakbang ako papunta sa gawi ni fiona at todo ang pag ngisi niya.

"oh my!"

"diba patay na siya?!"

"is she a ghost"

"akala ko ba patay na siya?"

"buhay pa siya"

yan ang ilan na narinig kong bulungan ng mga kaklase ko habang nag lalakad ako papunta sa gawi ni fiona.

kasama ni fiona si kyle ang asawa niya at hindi naman maipinta ang mukha ni kyle habang nag lalakad ako papalapit.

ganon din yung iba ngayon at ng na kalapit ako ay sinalubong ako ng yakap ni fiona saka halik sa pisngi at ganon din ang ginawa niya kay kiara.

"kung hindi lang talaga kayo mag kaiba ng magulang mapag kakamalan kayong mag kapatid" komento ni fiona saka tumawa dahil totoo naman kasi kahit saang event ay na pag kamalan kaming mag kapatid.

"oh guys! para kayong mga tanga sa reaksyon niyo!" sigaw ni fiona sa apat kaya na tauhan sila.

akmang mag sasalita ako ng dambahin nila ako ng yakap kaya na pabitaw si kiara sa akin at na tumba ako.

damn!

"punyemas!" sigaw ko sa kanila kaya na pahiwalay sila ng yakap.

"buhay ka! akala ko hindi totoo ang sinabi ng ibanv investor namin tungkol sayo!" hindi makapaniwalang pag kakasabi ni john.

"akala namin patay ka na?" may halong pang hihinayang sa tono ng boses ni charles kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"kung ikaw kaya ang ibaon sa kinatatayuan mo ngayon?" masungit kong tugon sa kaniya.

"kaya siguro biglang na wala ang asawa ko dahil nag kita kayo noh?" tanong ni kyle kaya siniko siya ni fiona.

"kung tulungan niyo kaya akong tumayo?! hindi yung ang dami niyong sinasabi!" pag susungit ko dahil putang'na masakit!

ilinahad ni blazer ang kamay niya sa akin at siya lang ang hindi nag salita bukod sa iba.

tinanggap ko ang kamay ni blazer saka tumayo na at pinag pagan ang suot ko.

"kamusta na kayo?" tanong ko saka na upo na.

"maayos naman" sagot ni kyle na katabi ang asawa niya.

"balita ko abogado ka na?" tanong naman ni charles habanv tinataas taas pa ang kilay niya.

"yes" maikli kong tugon saka sumandal sa upuan at katabi ko si kiara na tahimik na nakikinig sa usapan namin.

The Twin Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon