Chapter 5

742 26 0
                                        

Alexandra POV

Ang sabi ay may gaganapin daw na pag hahanda ng foundation day ngayon kaya pinatawag kami sa gymnasium.

nandito na kami ngayon at by section ang pag kakaupo. na sa higher ang section naming pito kaya sa unahan kami na upo.

katabi ko si angela ngayon at sa kaliwa ko naman ay si fiona na panay ang pakikipag asaran sa apat.

hinihintay namin ngayon na lumabas ang H.A ng school para sabihin na kung ano man ang gagawin.

maya maya pa ay umakyat na ang H.A sa stage na ginawa nila mismo kaya nag sitayuan na kaming lahat.

"mag siupo na kayo" seryosong pag kakasabi ng H.A kaya umupo na kaming lahat.

"alam niyo naman na malapit na ang foundation day ng school na ito at gusto namin ay by section dapat may booth na gagawin at pag hahandaan bago ang foundation day ng school at na kadepende sa dami ng section ang dami ng mga booth" paliwanag ng H.A kaya na pairap na lang ako, may sinabi pa yung H.A pero hindi na ako na kinig dahil paniguradong horror booth na naman ang mapupunta sa amin. lagi namang ganon at wala ng pinag bago.

king'inang horror booth na yan!

ng natapos na ay umalis na kami doon at wala na kaming klase dahil may pag uusapan na naman daw ang lahat ng prof kaya maaga kaming pinauwi.

day off naman namin ngayon sa trabaho kaya may pahinga naman kami kahit papaano.

"tara na umuwi na tayo" pag aya ko sa kanilang lahat saka sumakay na sa motor ko pero nag taka ako ng hindi sila gumagalaw lahat na parang may gustong gawin.

"hehehe diba day naman natin ngayon?" tanong ni kyle habang na papakamot sa ulo niya kaya na pataas ang kilay ko.

"kaya nga alex" pag sang-ayon naman ni john at mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito.

"sige, pero wag kayong masyadong gumastos ng malaki" paalala ko sa kanila kaya na pa yes na lang sila.

sumakay na sila sa mga kaniya kaniya nilang mga kotse at na kisabay na naman sa akin si blaze.

mabilis naman kaming na kapunta sa mall dahil hindi naman gaano traffic papunta sa mall.

ng maipark na namin ay pumasok na agad kami sa loob.

pumunta kaming tatlo sa bilihin ng dress dito sa loob ng mall dahil balak nilang bumili na naman ng dress.

madami na silang mga dress sa mga kwarto nila pero hindi pa din sila kuntento sa mga iyon.

abala sa pag titingin ng mga dress ang dalawa ngayon samantalang ako ay sinusundan ko lang sila kung saan sila pumupunta.

"alex hindi ka ba bibili na iyo?" tanong ni fiona habang tinitignan ang isang kulay violet na dress kung bagay ba sa kaniya.

"at kailan pa ako na hilig sa dress?" may halong sarkastiko kong tanong sa kaniya saka na pairap na lang.

"sis isukat mo ito oh" na patingin ako kay angela at sa hawak niyang kulay bughaw na gown na sobrang ganda.

"ayoko" pag tanggi ko dahil hindi naman bagay sa akin ang mag suot ng mga dresss dahil mas gusto ko pa mag pantalon kesa mag suot ng mga dress.

"wag na mag inarte isukat mo na!" pag susungit ni fiona saka hinila ako ni fiona papunta sa fitting room habang dala niya yung gown na binigay ni angela. ng makatating kami sa fitting room ay agad niya ako tinulak sa loob.

wala na akong ibang pag pipilian pa kundi ang isukat dahil hindi din naman ako papayagan ng pinsan kong iyon na lumabas hangga't hindi ko sinusukat at mukhang kasya naman sa akin?

The Twin Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon