Alexandra POV
Na gising ako ng marinig ang sunod na sunod na malakas na katok kaya na patakip ako ng unan sa tenga ko pero sadyang walang balak na tumigil kaya inis akong na paupo.
yung katok niya na galit! inis akong tayo saka pumunta sa pinto at binuksan iyon.
"oh ano na naman yun?" iritado kong tanong kay fiona habang na kasandal sa gilid ng pinto at na patingin ako sa orasan sa gilid at 9:36 p.m na ng gabi.
"sina charles masakit ang tiyan!" masungit niyang sagot kaya na tigilan ako saka na paangat ng tingin sa kaniya.
"oh ano naman ngayon?" masungit kong tanong sa kaniya at anong gusto niya alagaan ko pa yung mga yun?
"may gamot ka ba para sa sakit ng tiyan?" tanong niya.
"meron" maikli kong sagot sa kaniya saka pumunta sa drawer at binuksan iyon. kinuha ko na ang gamot saka lumapit na kay fiona.
"oh!" pag abot ko sa kaniya at kinuha naman niya iyon.
"siya nga pala yung lalake mo may sakit" pahabol niya bago tuluyang umalis.
may pangalan siya! at makasabi siya ng lalake mo akala mo kung sino lang na lalake.
lumabas na ako ng kuwarto ko saka nag tungo sa kuwarto ni blaze para tignan siya.
ang kuwarto kasi namin dito ay mag kakaharap at may mga na kalagay pa na pangalan namin sa labas ng pinto ng kuwarto namin at na sa dulo pa ang kuwarto ni blaze.
ng na sa tapat na ako ay kumatok muna ako bago pumasok sa loob, ng makapasok ako sa loob ay agad kong sinara ang pinto.
"blaze?" pag tawag ko sa kaniya at na kahiga siya ngayon habang balot na balot ng kumot niya.
"sinabi sa akin ni fiona na may sakit ka daw?" tanong ko sa kaniya ng makalapit saka umupo sa gilid ng kama niya.
"anong ginagawa mo dito?" masungit niyang tanong at hindi niya ako hinaharap.
"nag seselos ka pa din ba hanggang ngayon? ano bang gusto mong gawin ko para mawala yang selos mo?" tanong ko sa kaniya saka kinapa ang noo niya.
mainit nga siya at na kapatay din ang aircon ng kuwarto niya maging ang ilaw ay na kapatay din at tanging liwanag lang ng buwan ang nag sisilbing liwanag.
"layuan mo siya" sagot niya kaya na pahinga na lang ako ng malalim.
"blaze alam mo namang ngayon kailangan ng tulong ng kakambal mo at gusto niya lang na maibalik sa kaniya ang kapatid ko" paliwanag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at na katalikod pa din siya sa akin.
"diyan ka lang at kukuha ako ng makakain mo" paalam ko saka inayos ang pag kakahiga niya at lumabas na ng kuwarto niya.
pumunta muna ako sa kuwarto ng mga kasama namin ang una kong pinuntahan ay kay blazer dahil katapat lang naman ng kuwarto ni blaze ang kuwarto ni blazer.
"masakit pa ba ang tiyan mo?" tanong ko kay blazer habang na kadungaw sa pintuan kaya na patingin siya sa akin.
"masakit pa pero na wawala na din ang sakit" sagot niya saka ngumiti sa akin at na kahawak pa siya sa tiyan niya.
"sige may bibilhin lang ako saglit para mawala kahit papaano ang sakit ng tiyan niyo" paalam ko sa kaniya saka isinara na ang pinto saka nag tungo sa kuwarto ni fiona na katabi lang ng kuwarto ko. kumatok muna ako bago pumasok sa loob.
"fiona?" pag tawag ko sa kaniya kaya na palingon siya sa akin. na kahiga siya sa kama niya ngayon.
"lalabas lang ako saglit para bumili ng gamot para sa sakit ng tiyan" paalam ko, "ikaw na muna ang bahala kay blaze at sa iba habang wala pa ako" dugtong ko kaya na patango tango na lang siya.
BINABASA MO ANG
The Twin Gangster (COMPLETED)
FanficNa biyayaan ang pamilya Echavez ng kambal na anak na babae at isang lalake na siyang bunso. na tahimik na din sa wakas ang pamilya nila kasama ang mga anak nila. Pero paano kung may bumalik mula sa na karaan? Handa ba nilang harapin ito? Paano kun...