Chapter 2: Fighting back

340 18 18
                                    

(Raffie's POV)

"Patrick?" Wala akong pakialam kahit bahagya pang nakaawang ang bibig ko at nandilat ang aking mga mata. Bakit ba naman kasi sa lawak ng San Francisco ay ang kaibigan pa ni Grey ang makikita ko?

"So ikaw nga pala talaga iyan. At first I thought na kahawig lang kaya nag-alanganin akong lapitan ka. But then again, I knew it was you from the start. Only a person like you could emit such aura," loathing is visible in his voice.

"And what do you mean by that?" nakataas ang kilay kong tanong. I believe that he had just insulted me.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay umiling-iling. "Isa kang bored at walang magawang tagapagmana. Isang tao na walang pakialam makasakit man siya ng iba. You are a person who played with others feelings and throw them at the corner like rugs after you're tired playing with them. A leech that could sucked the happiness from others without a single thought. Napakamalas ng kaibigan ko dahil nakilala niya ang isang walang pusong katulad mo," he even smirked at me, as if enjoying every words of insult that he threw on my face.

I could not helped but winced. Hindi ako makapaniwalang magagawa akong pagsabihan ng masasakit na salita ng taong kaharap ko ngayon. Nasaan na ang malambing at sweet na Patrick na naging kaibigan ko noon sa Rancho. Tila isang estranghero ang kaharap ko.

I tried to hide the pain that I am feeling right now by showing some anger. "Excuse me! Wala kang alam sa nangyari sa amin ni Grey. Kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan." Laking pasalamat ko na hindi ako pumiyok.

I don't want to cry in front of him pero parang tinutusok ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Isa nga lamang bang kamalasan sa parte ni Grey na nakilala niya ako noon?

"Puwes sapat na ang lahat nang nakita ko noong gabing iyon para sabihin ko sa 'yo ang lahat ng ito! Sapat nang makita ko ang kaibigan ko na bugbog sarado at hindi na halos makagalaw sa ilalim ng ulan." Napapikit siya nang mariin sa isiping iyon. Ngunit nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay halos maglabas na ito ng apoy sa sobrang tindi ng galit na nakikita ko mula sa mga ito.

"And you know what's worse? Hindi ang pisikal na sakit ang iniinda niya. Mas masakit para sa kaniya ang katotohanan na hindi mo siya minahal. Na laro lang ang lahat para sa 'yo. That the woman who made him to trust people again had betrayed him. You are worse than Cielo. You're nothing but a heartless brat! How could you do that to my friend? Wala siyang kasalanan kundi mahalin ka. Paano mo siya nagawang saktan ng ganoon?" hinihingal pa niyang wika. Bahgyang tumaas din ang kaniyang boses
kaya hindi napigilang mapalingon ang ibang namimili sa convenient store.

I could not helped but gasped. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako apektado. But hearing how I destroyed Grey also destroys every bit of resolves that I have within me.

"Kamusta na siya?" Sa pagkakataong iyon ay trinaydor na ako ng aking sarili at bahagya akong pumiyok. Nararamdaman ko rin ang panunubig ng aking mga mata.

Bahagya siyang natigilan ng nakita ang reaksiyon ko. May naaninag akong guilt sa kaniyang mga mata. Ngunit saglit na saglit lamang iyon kaya marahil ay dinaya lamang ako ng aking paningin.

"Why do you care?" pasinghal niyang tanong.

"Gusto ko lang matiyak na okay na siya ngayon," mahina kong wika na halos pabulong na lamang.

"Stop pretending that you care because we both know that you don't. You only used him to show how much you despised your father," galit niyang wika.

"Kalahati lang ng istorya ang alam mo. Bawat kwento, may dalawang mukha. Maaring nasaktan ng gabing iyon si Grey." Parang may bumikig na kung ano sa lalamunan ko nang mabanggit ko ang pangalan niya. Kailangan ko pang kagatin ang aking mga labi para hindi ako mapaiyak. Pagkatapos ay saka ako nagpatuloy.

"Pero hindi n'yo man lang ba naisip na baka ganoon din pala ang naramdaman ko? Na baka doble o triple pa nang naramdaman niyang sakit ang dinanas ko ng gabing iyon? Hindi n'yo alam kung anong nasa loob ko kaya wala kayong karapatang husgahan ako." Hindi ko na siya dapat pinatulan pero ang sakit-sakit na kasi.

Bago pa ko maiyak sa harap niya ay agad ko nang inilapag ang pinamili ko sa isang tabi at umalis. Nawalan na ako nang ganang mamili.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa convenience store ay naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng kung sino sa braso ko. Nagulat pa ako nang makita kong si Patrick pala ito.

"Bitiwan mo nga ako! Hindi ka ba tapos sa pangiinsulto sa akin? Utang na loob, tama na." Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ko nang umagos ang luha mula sa mga mata ko.

"I'm sorry. I shouldn't have said those things without hearing you out first. It's just that nasaktan talaga ako para kay Grey," he apologetically said, wala na ang galit na kanina ay nakabalatay sa mukha niya.

Dahil dito ay lalong lumakas ang pag-iyak ko. Marahan niya 'kong kinabig sa kaniyang balikat at doon ay hinayaan akong umiyak nang umiyak.

"Hush now, Raffie. Hindi ako sanay na ganyan ka. 'Di ba maton ka? Huwag ka nang umiyak o." Pinahid pa niya ang luha sa mga mata ko.

"Ano ba kasi ang nangyari nang gabing iyon at kailangan mong iwan si Grey?" marahan niyang tanong pagkaraan." Sa lakas ng pag-iyak mo ngayon at sakit na nakita ko kanina sa mga mata mo nang mabanggit ko si Grey, alam kong may nararamdaman ka talaga para sa kaniya. So bakit, Raf? What went wrong?"

And with that, inilahad kong lahat kay Patrick ang mga pangyayari limang taon na ang nakararaan. How my father had found out our relationship and how I was forced to break up with him and created some lies so that he could live.

Tigmak pa rin sa luha ang aking mga mata hanggang sa matapos ang kwento ko sa kaniya.

"I'm sorry, nabasa ko ang t-shirt mo," hingi ko ng paumanhin sa kaniya ngunit umiling lamang siya.

"Walang problema. Kahit basain mo lahat, hindi ako magrereklamo," aniya na pilit na pinapagaan ang sitwasyon. Pagkatapos ay agad itong nagwika. "Bakit hindi ka bumalik kay Grey para magpaliwanag? He deserves to know the truth."

Ngunit mabilis akong umiling. "Heaven knows kung anong posibleng gawin sa kaniya ni Papa kung pinili kong bumalik kay Grey. Besides, after all the things that my father and I've been said and done, sa tingin mo ba tatanggapin pa niya akong muli?"

Muling pumikit nang mariin si Patrick bago siya tumugon. "Kung tinanong mo ang bagay na iyan sa akin five years ago, I would have gave you a positive response," he paused for a while. Sa wari ko'y tinatantiya pa niya kung dapat ba niyang sabihin sa akin ang nangyari dahil bahagya itong natigilan.

Ngunit mayamaya'y nagsalita na rin. "Kaso ang laki nang naging pagbabago ni Grey. He became heartless and ruthless. Every wrong doings, no matter how petty it is, will be enough for him to bestow some cruel punishment. Ibang-iba na siya sa Grey na nakilala mo noon. He's like a wild and wounded animal that we could no longer control"

Parang hinang-hina akong napasandal sa hood ng isang nakaparadang sasakyan sa aking narinig. Ano itong nagawa ko kay Grey?

Pinutol ang aking pag-iisip ng muling magsalita si Patrick. "Raffie, you have to help Grey bago niya lubusang wasakin ang sarili niya, please."

Naguguluhan akong napatingin sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"

Ngunit hindi ko inakalang parang bombang sasabog sa pandinig ko ang susunod na sasabihin ni Patrick.

"Nakatakda nang magpakasal si Grey sa babaeng hindi naman niya mahal next month," aniya.

Ano na ang gagawin ko?

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon