Continuation of Grey's Flashbacks:
Kahit hindi ko pa halos maidilat ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko pa ang sakit ng buo kong katawan ay pilit akong nagmulat. Noong una'y blurred pa ang paningin ko pero unti-unti'y nasanay rin ang mga mata ko sa liwanag.
Puro puti ang paligid at sa gilid ng kama ko'y may oxygen tank at IV stand. Noon ko lang napansin na may nakakabit pala sa aking dextrose. Patuloy pa sana ako sa pagmamasid ngunit nakuha nang biglang pagbukas ng pinto ang atensyon ko. Mula doon ay pumasok sina Blue, Patrick at Manang Rosario. Nagtatatakbong lumapit sa akin ang kapatid ko.
"Kuya!" parang bata siyang yumakap sa akin habang umiiyak.
"Aray!" Hindi ko mapigilang dumaing dahil nadaganan niya ang sugat ko. Agad naman siyang lumayo at parang batang sumigok-sigok. Hindi maiwasang makadama ako ng awa sa kapatid ko. Napakadalang kong makitang umiiyak si Blue. Sa amin kasing dalawa, siya ang laging nakangiti at masayahin. Para makita ko siyang umiyak ngayon, siguro'y natakot talaga siya sa nangyari sa akin.
Pinili kong magbiro para pagaanin ang sitwasyon. "Hindi nga ako napatay nung mga lalakeng iyon, ikaw naman ata ang papatay sa akin e," pabiro kong reklamo sa kaniya.
Marahan naman akong hinampas ni Manang para sawayin. "Huwag ka ngang magbibiro ng ganyang bata ka. Hindi mo alam kung gaano ako natakot kanina nung nakita kitang walang-malay,"aniya habang umiiyak na rin.
"Ano ba kasi ang nangyari? Saka nasaan na si Raffie?" patuloy ni Manang.
I chose not to answer. Ayokong mabahiran ang pagtingin nila kay Raffie. An awkward silence filled the room. Mabuti na lamang at binasag ito ni Patrick.
"Blue, baka nagugutom na kayo ni Manang. Sige na, samahan mo muna siyang bumili ng pagkain sa cafeteria sa baba."
Pero umiling lamang si Blue. "Hindi naman ako nagugutom e. Ayokong kumain. Ayokong iwan si Kuya," reklamo niya.
Mukha namang naintindihan ni Manang ang gustong mangyari ni Patrick kaya hinawakan niya at braso ni Blue at inaya ito palabas. "Halika na anak. Samahan mo muna akong kumain sa baba."
Atubili man ay napilitan na ring sumunod ang kapatid ko.
Nang makaalis sila ay agad akong kinorner ni Patrick. "Ano ba talagang nangyari? Muntik na akong magka-heart attack nang makita kita sa ulanan na ganoon ang ayos a. Akala ko nga noong una, hindi ka na humihinga. Tapos tinatawag mo pa nang paulit-ulit si Raffie. Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya. Mabuti na lang at nasabi ni Manang na pinuntahan siya ng papa niya kanina. So ano ba talaga ang nangyari sa 'yo?"
Pinilit kong umupo habang sapo-sapo ang sumasakit kong tagiliran. Akma namang tutulungan ako ni Patrick pero sumenyas ako nang pagtanggi. I'll rather welcome the physical pain than the throbbing pain in my heart. Kung pwede nga lang sanang mamanhid na ako ngayon.
"Raffie's Dad came with some men. Things turned out ugly, so here I am," I said with a humourless laugh.
"Anong ginawa ni Raffie? I'm sure, nagalit iyon sa ginawa ng Papa niya."
Saglit akong natigilan sa narinig ko. Naalala kong muli kung paano ako ipinagtabuyan ni Raffie, kung paano niya sinabing hindi niya ako minahal at isang kasinungalingan lang ang lahat.
Hindi ko namalayang tumutulo na rin pala ang luha ko. I don't want to cry infront of anyone. Pero hindi ko na kayang magpigil ng emosyon.
"Iniwan niya ako, brod," umiiyak kong wika. "Ang sabi niya, laro lang daw ang lahat. Hindi niya daw ako talagang minahal. Puro lang daw kasinungalingan ang sinabi niya. Ang sakit pare. Ang sakit. Siya lang ang babaeng minahal ko nang ganito e, siya lang. Handa kong iwanan ang lahat para sa kaniya. Handa kong baguhin ang sarili ko para sa kaniya. Tapos sasabihin niya sa akin na lokohan lang 'yung nangyari? Na naggagaguhan lang kami?"
Wala ng nasabing anupaman si Patrick. Marahan na lamang niyang tinapik ang balikat ko habang parang bata akong umiiyak.q
Nang makalabas ako ng ospital ay agad akong pumunta sa mansyon nina Raffie sa kabila nang mariing pagtutol ng kaibigan ko. Gusto ko sana siyang makausap. Baka naman naguguluhan lang siya ng gabing iyon kaya niya nasabi ang lahat. Hindi naman ako nagmamadali. Handa kong tanggapin ang kahit na anong kondisyon na hihingin niya. Huwag lang siyang tuluyang mawawala sa buhay ko.
Pero nang sabihin ng mga kasambahay nina Raffie na wala na ang mag-ama at tuluyan nang nag-migrate sa America ay para na akong pinatay ng paulit-ulit. Nawalan ng lakas ang mga binti ko at para akong batang napaupo sa harapan ng kanilang gate. Hindi ko na alintana ang tingin ng mga taong dumadaan.
Noon ko napagtanto na talagang hindi ako minahal ni Raffie at isang laro lang ang lahat sa kaniya dahil napakadali sa kaniyang iwan ako.
Naikuyom ko nang mariin ang aking kamao dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. I felt hurt, betrayed and angry. And from then on I promised myself never fall in love to the likes of her again. I had made a silent vow that I'll make my heart numb and will only used my head.
___________
Sa loob ng ilang taon, naniwala akong hindi ako minahal ni Raffie at niloko lamang niya ako. Na ginawa lamang niya akong palipasan ng oras at isang malaking gago. I had been successful because of the anger that I felt for her.
Pero ngayong narinig ko mula sa kaniya na ginawa lang niya iyon para iligtas ako, dapat ba akong maniwala? Dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi niya na all these years, minahal niya ako.
I was still having those thought when I heard that my phone rang. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay dali-dali ko iyong sinagot."Sir," acknowleding the man on the other line.
I heard a humorless laugh before he speak. "Napaka-humble mo talaga, hijo. How many times do I have to tell you to call me Dad instead of addressing me as Sir? After all, magiging ama mo na rin naman ako once na magpakasal kayo ng anak ko."
I chose not to answer Crizelda's father
"Anyway, I heard what that jerk did to my daughter. Ang hayop na iyon, hindi talaga titigilan ang anak ko," galit niyang wika.
"He'll be in prison for a long time so you need not to worry about Crizelda, sir."
"No. We know for a fact that attempted Rape or sexual harrasment has bail. Kahit dagdagan ko pa iyon ng assault, magagawa pa rin tiyak ng hayop na iyon na makapag-pyansa. And the hearing of his case will take some time. I want an assurance na kahit na makalabas na siya sa kulungan ay hindi na niya lalapitan pa ang anak ko?"
I laughed sarcastically with his words. "And what do you want me to do sir? I am telling you, I may be ruthless but I will not commit a murder."
Akala ko'y hindi na ako maaring magulat pa sa sasabihin ng ama ni Crizelda. Pero parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga sumunod niyang sinabi.
"Silly, I'm not asking you to kill that bastard. What I'm trying to say ay mas agahan natin ang kasal ninyo ng anak ko."
BINABASA MO ANG
Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)
General FictionMy heart was broken twice in the past but I had been able to rebuild myself. But what you did is unforgivable for you had destroyed every pieces of me 'till I could no longer recognized myself. You had broken not only my heart, but had also shattere...