(Crizelda's POV)
Sa halip na sumagot ay dali-dali lamang na tumalikod si Grey at lumabas ng silid.
I sighed heavily. Bihira ang pagkakataong nagtatalo kami ni Grey. Not because we agreed to each other's point of view but because of a silent consensus na wala kaming pakialam kung anuman ang gawin ng isa't isa.
When I first met Grey, his aura emits anger and pain. Bihira siyang kumibo at hindi ko pa nakitang ngumiti. I tried many tricks back then so that I could see some emotion from this ice man but to no avail. I showed him may maldita side just to irritate him, pero hindi niya ako pinapansin. Sa huli, ako pa nga ang naiinis sa kaniya. I tried to change tactics and flirt with him or show him my bitchy side, but I haven't received any reactions from him.
He got me curious for a while. Kung bakit ganoon ang attitude niya o bakit siya pumayag na magpakasal sa akin, knowing my wayward reputation. I know it's not for the money, nor for the connection that my father could give him. Sapat na ang sandaling pagkakakilala ko sa kaniya para malamang he could make it on his own, without any help from my father. So why would he agree to marry me in the first place? As if he's already resigned from his fate and no longer cares what would happen tomorrow?
So I started to ask the people around him. And all my questions led to one answer, " Rafaella Hidalgo or Raffie" the bitch (or so I first thought) who broke him
The moment that I mentioned her name, all hell bent loose. I finally got some reaction from him. I could never forget how his eyes seems ablaze as he held my arms tightly with a strong warning to never ever mentioned her name again.
Simula noon ay naging malapit na kami sa isa't isa, not in a romantic way but in a mutual co-existence way (If such thing exist). We are both broken, siya mula sa babaeng minahal niya pero niloko at iniwan lang siya sa huli, at ako naman, bilang isang anak na hindi nakaranas ng pagmamahal sa kaniyang mga magulang kaya natutong magrebelde.
Kaya inisip ko na rin sa huli na hindi naman siguro masama ang ideyang pagpapakasal kay Grey. Wala namang mawawala sa amin dahil parehas kaming wala ng kakayahang magmahal. Broken and miserable people loves company. So the two of us would really makes a great couple.
Pero nagbago iyon ng makita ko uli si Grey sa paborito naming tambayan. Mukha siyang problemado. Nakakunot ang kaniyang noo, madilim ang kaniyang aura at kay aga-aga e umiinom ng alak. Pabiro ko siyang nilapitan at tinapik sa braso.
"Ang aga-aga e alak ang kasama mo," I said with a grin.
"She's back," he grimly said while holding the glass tightly.
Sapat na ang dalawang salitang iyon para malaman ko kung saan nagmumula ang galit niya.
"O e ano ngayon kung bumalik na siya? Halata namang affected ka masiyado" I teasingly said.
"Bitch," he said while throwing eye dagger at me.
"Heh!" saad ko sabay irap. "Ako na lang ang kakampi mo kaya huwag mo 'kong awayin."
Sa halip na sumagot ay inisang lagok na lamang niya ang hawak na alak.
Hindi maiwasang makaramdam ako ng awa sa kaniya. Grey is such a ruthless man. A jerk personified. Pero pagdating sa babaeng iyon, he looks like a lost child.
Kinuha ko ang hawak niyang alak at uminom na rin myla rito. "Huwag kang mag-alala my friend. I happened to have the perfect plan para pasakitan 'yang ex-girlfriend mo. After I'm through with her, she would wished that she never had a chance to know you."
Kaya doon nabuo ang planong magiging sweet kami ni Grey. But who would ever thought na magba-back fire ito? At ngayon ay nakakaramdam ako ng guilt dahil nasaktan ko si Raffie.
I once again sighed heavily at tuluyan na rin akong lumabas ng pinto.
.
(Raffie's POV)Habang tumatakbo ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Gusto ko na ngang batukan ang sarili ko e. Bakit ba kasi ako nasasaktan gayung wala na naman akong karapatan? Bakit pakiramdam ko e pinagtaksilan ako ni Grey gayung in the first place, wala na kami? Ako ang may kasalanan noon di ba. Ako ang nang-iwan. Ako ang kunwaring nanloko. Sinaktan ko ng labis si Grey. Kaya kung masaya na siya ngayon sa piling ni Crizelda, wala na akong magagawa. I deserve all this pain.
Pero bakit ganon? Hindi pa rin maampat-ampat ang luha ko?
I'm still busy crying na hindi ko namalayang may tao na pala sa harap ko at huli nang makaiwas dahil nabangga ko na siya.
Mabuti na lang at maagap niya akong naalalayan sa beywang kaya hindi ako nabuwal.
"Raffie, okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" pagkatapos ay napalitan ang kaniyang tinig ng pag-aalala nang marahil ay napagmasdan niya ako. "Bakit ka umiiyak?"
Noon lamang ako nag-angat ng mukha at nakilala kung sino ang lalakeng nakaalalalay ngayon sa akin.
"Patrick!" saad ko kasabay nang paghagulgol ko sa kaniyang dibdib.
"Tahan na," saad niya sa malamyos na tinig habang tinatapik ang balikat ko. "Bakit ka ba umiiyak?"
Pero bago pa ako nakasagot ay isang dumadagundong na boses ang narinig ko mula sa aking likuran kasabay nang malakas na paghila sa akin mula kay Patrick.
"What the hell are you doing?" aniya ni Grey habang nakatingin sa amin sa naglalagablab na titig.
BINABASA MO ANG
Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)
Aktuelle LiteraturMy heart was broken twice in the past but I had been able to rebuild myself. But what you did is unforgivable for you had destroyed every pieces of me 'till I could no longer recognized myself. You had broken not only my heart, but had also shattere...