Prologue

874 29 18
                                    

Finally, pagkaraan ng limang taon, muling nakita ni Raffie ang gwapong mukha ni Grey. How she longed to see him. Napakatagal niyang nagtiis na hindi ito makita. Ngunit ang anumang sayang nararamdaman niya ay napalitan ng lungkot nang magtama ang kanilang mga mata. Wala na ang pagmamahal na dati niyang nakikita sa mga ito. All she could see is hatred. Bahagya pa siyang kinilabutan dahil sa tindi ng pagkasuklam na nababanaag niya sa mga mata ni Grey. But before she could utter a word, he had already said his piece.

"Bakit ka pa bumalik?" matigas nitong tanong.

"I just wanted us to talk..."

"Talk?" He sarcastically laughed. "Pinapatawa mo ba 'ko, Ms. Hidalgo? Umalis ka na. Hindi lugar ang rancho ko para mag-entertain ng mga spoiled brat at walang magawang tagapagmana."

Agad niyang hinawakan ang braso ng binata nang akma itong tatalikod. "Grey, hindi naman sa gano'n..." Ngunit hindi na niya na natapos ang anumang sasabihin dahil agad siya nitong sinansala.

"Bitaw," he said in a dangerous tone. Pero nanatili siyang nakahawak dito.

"Hindi ko alam kung bakit bumalik ka pa. But if you wanted a piece of me, pwede naman kitang pagbigyan," anito sabay kabig sa beywang ni Raffie upang magkalapit sila at pagsiil dito ng marahas na halik.

Ramdam na ramdam niya ang galit ng binata sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Mariin iyon at mapagparusa. Tinangka ni Raffie na iiwas ang kaniyang labi at lumayo ngunit lalo lang hinigpitan ni Grey ang pagkakayakap sa kanya. Pakiramdam ni Raffie ay nadurog na ang kaniyang labi at halos nalasahan na niya ang dugo mula rito.

Ngunit maya-maya'y naging masuyo na ang kaniyang mga halik. She wanted to cry because of happiness. Ganito ang halik ni Grey noong hindi pa nangyayari ang bagay na iyon.

Ngunit bago pa siya nakatugon dito ay bigla nito iyong pinutol at para bang napapasong lumayo ito mula sa kaniya.

"Wala ka ng lugar sa buhay ko kaya mas mabuti pang bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo." And with that, he quickly left, leaving her dumbfounded.

Tama bang bumalik pa siya dito sa Rancho Madrigal? Will he give her another chance to prove her love and worth or is she just asking for ANOTHER SHOT OF PAIN?

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon