Chapter 10: Kaya mo pa ba?

325 12 16
                                    

RAFFIE'S POV

Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ko sila. Parang may kamay na pumiga sa puso ko habang hinahalikan ni Crizelda si Grey. Akala ko'y nawalan na nga ako ng hangin sa katawan dahil saglit akong hindi nakahinga. Hindi ko na namalayang natutop ko na pala ang dibdib ko at nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto ko silang sigawan na tama na... Ang sakit-sakit na... Pero walang anumang salitang namutawi sa bibig ko. Gusto kong magmakaawa na tigilan na nila iyon kaso alam ko namang wala na akong karapatan. Tinanggalan ko ng karapatan ang sarili kong magselos dahil ako naman ang nang-iwan.

Realization hits me. And it scared the h*ll out of me. Walang nabago sa nararamdaman ko para kay Grey. Kung tutuusin nga, parang mas lalo pa itong lumala. Mahal na mahal ko si Grey. Noon, ngayon and I doubt kung darating ang panahon na mawawala rin ang kung anumang nararamdaman ko para sa kaniya. But seeing him right now with other woman, well, akala ko bago ako pumunta rito e kaya ko. Na okay lang basta masaya siya. Pero hindi pala. Hindi ko pala kaya.

I swallowed the imaginary lump on my throat. Well, too bad for myself. I already lost him. I already lost the love of my life when I broke his heart that night.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. I wanted to retain some dignity for myself. Ayokong magmukhang kawawa sa harapan ng babaeng umagaw kay Grey. Pinilit kong mag-poker face para isipin nilang wala akong pakialam kung anuman ang gawin nila. Iyon naman ang tama, hindi ba?

Mabilis namang lumayo si Grey kay Crizelda at pinalis ang mga braso nitong nakakapit sa kaniya.

"What are you doing?" paasik niyang tanong rito sabay sulyap sa akin. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang iyon pero parang may bumadhang guilt sa mga mata niya. Ngunit napalitan din naman agad iyon nang pangungunot ng noo at waring pagka-irita. Marahil ay naiinis lamang siya dahil inabala ko ang sweet moment nila ng finacee niya.

"Well, I'm kissing my fiance. May masama ba doon?" nakangisi namang sagot ni Crizelda na waring 'di alintana ang inis na nakabadha sa mukha ng kaharap.

"May mga tao. Hindi ka na ba nahihiya?" singhal dito ni Grey.

"Ah... So kung walang tao, okay lang? Oh my! Hindi ko alam na napakamaluma pala ng lalakeng pakakasalan ko. O baka naman kaya ka lang nagkakaganyan e dahil..."

Ngunit hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil maagap itong pinigilan ni Grey. "Mag-usap tayo," mariin niyang pahayag sabay hila kay Crizelda.

"Oh sure. Pero mas mabuti kung sa kwarto mo na lang tayo mag-usap," aniya sabay tingin sa kinatatayuan ko. "Para walang istorbo," saka niya sinabayan ito ng ngisi na nakakaloko.

Pinilit kong huwag magpakita ng anumang emosyon sa mga huling sinabi niya kahit parang may kumukurot ng pinong-pino sa dibdib ko.

Hindi naman sumagot si Grey at hinila lamang paalis si Crizelda.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay parang hinang-hina naman akong napaupo. Sinapo ko ang aking mukha at hinayaang lumaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko na lamang ang marahang paghaplos sa likod ko. "Anak, okay ka lang ba?" punong-puno ng pag-aalala niyang tanong.

"Oo naman po," saad ko sa pilit na pinasiglang tinig. "Bakit naman po hindi ako magiging okay?"

Sa halip na sumagot ay pinahid ng matanda ang luha sa mga mata ko.

"A, ito po ba? Wala po ito. Bigla lang pong sumakit ang ulo ko. Siguro po dahil sa sobrang init. Iba po kasi talaga ang klima rito sa Pilipinas. Nanibago lang po ako," nakangiti kong sagot sabay kunwaring paypay ko sa aking sarili gamit ang mga kamay ko.

Tiningnan naman ako ni Manang ng isang nakakaunawang-tingin. "Huwag ka na ngang magkunwari sa aking bata ka. Alam kong mahal mo pa rin si Grey. Kitang-kita ko iyon sa mga mata mo. At nasasaktan ka ngayon dahil may kasama na siyang iba. Hindi mo na kailangang itago pa sa akin iyon."

Sapat na ang mga salitang iyon para hayaan kong lumabas ang lahat ng kinikimkim kong emosyon. Niyakap ko si manang at lumuha ako sa mga balikat niya. Marahan naman niyang hinaplos ang buhok ko.

"Kung sobrang sakit na, lumayo ka na. Hindi mo deserve ang lahat ng 'to."

Pero umiling-iling ako bago sumagot. "Kaya ko pa po, Manang. Wala pa po ito sa kalingkingan nang naramdaman ni Grey noon."

"Gusto ko nang magalit sa batang iyon dahil sa mga pinaggagagawa niya sa 'yo," malungkot na saad niya.

"Huwag po, Manang. Higit kaninuman, kayo ang nakakakilala kay Grey. Alam ninyong kaya lang siya nagkakaganito ngayon ay dahil sa kasalanan ko sa kaniya. Sa akin po kayo dapat magalit, hindi po kay Grey."

Bumuntunghininga nang malalim si Manang bago malungkot na nagsalita. "Hanggang kailan mo naman kaya kakayanin ang lahat, anak?"

__________

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko matapos naming mag-usap ni Manang kanina o anong oras ako nakatulog. Basta nang maalimpungatan ako ay madilim na sa labas.

Nang tumingin ako sa orasan ay halos ala-syete na pala ng gabi. Masakit man ang mga mata ko marahil sa sobrang pag-iyak ay pilit akong bumangon. Kailangan kong tulungan si manang na mag-ayos ng hapunan. Baka sabihin pa ni Grey ay ginagawa kong bakasyunan ang bahay niya.

Ngunit dahil nasa dulo ang kwarto ko ay hindi maiiwasang madaanan ko ang kwarto ni Grey. I sighed heavily. Marahil naman ay wala na ito rito at bumalik na uli sa Rancho. I know how workahilic Grey is. Minsan ay inaabot pa ito ng hating-gabi sa Rancho.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Grey ay bumukas naman iyon kasabay nang paglabas ni Crizelda mula rito. Hindi mapigilang kumunot ang noo ko. Anong ginawa niya sa kwarto ni Grey at mula pala kanina ay ngayon lang ito lalabas?

Lalong kumunot ang noo ko nang mapansin kong iba na ang suot niya. Isang loose tshirt na ito. Tshirt ni Grey.

Pagkakita sa akin ay lumapad ang pagkakangiti sa mukha niya.
"Oh Raffie, ngayon ka lang din ba lalabas? Napasarap ba ang tulog mo? Namumugto pa ang mga mata mo e. Buti ka pa, nakatulog," aniya sabay hagikhik.

Tumungo lamang ako. Wala akong panahon na makipag-plastikan sa kaniya.

Ngunit ng akma ko siyang lalampasan ay hinawakan niya ang braso ko sanhi para mapatigil ako sa harapan ng kwarto ni Grey. "Nagmamadali ka namang masyado."

"Maghahanda pa kasi ako ng hapunan," saad ko sa kaniya sa malamig na tinig.

"Oh, there's no need to rush," she said with a smirked. "Mukha namang mamaya pa ang gising ni Grey," aniya sabay luwang sa pinto.

At mula doon ay nakita ko si Grey na tulog na tulog habang nakadapa sa kama niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong nakahubad siya at tanging kumot lang ang nakatakip sa kaniya.

"Pinagod ko kasi masyado si Grey. You know..." kasabay nang pagkindat niya sa akin at muling pagtawa nang nakakaloko.

Gusto kong umiyak right there and then. Pride, be damned! At bumalik sa isip ko ang tanong ni Manang kanina. "Hanggang kailan mo naman kaya kakayanin ang lahat, anak?"

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, kakayanin ko pa ba talaga?

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon