Chapter 18: Confused

344 18 16
                                    

Sorry for the foul words....

(Raffie's POV)

I run mindlessly, ignoring the throbbing on my shoulder. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa bahay nang hindi nababangga gayong hilam na hilam sa luha ang mga mata ko at hindi ko na nga halos makita 'yung nilalakaran ko. Basta ang tanging gusto ko lang ay makalayo na sa lugar na ito, ang takasan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, ang makaiwas sa taong nagbibigay sa akin ngayon ng sobrang sakit - kay Grey.

Agad akong nagtatakbo sa kwarto ko at kinuha ko ang maleta ko na nasa isang tabi. Pagkatapos ay binuksan ang cabinet para kunin ang mga damit ko. Hindi ko na nagawang maayos na itiklop ang mga ito. Basta pabalumbon ko na lang inilagay ang mga ito sa loob. The fastest way that I could get out from this house, the better.

Isinasara ko na lamang ang maleta ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at mula doon ay pumasok ang humahangos na si Grey.

Madilim na madilim ang kaniyang mukha at halatang galit kaya hindi ko tuloy mapigilang kabahan. Pero ano ba ang ikinakagalit niya e eto nga't paalis na 'ko, di ba? Iyon naman ang gusto niya 'di ba?

Pabalabag niyang isinara ang pintuan saka lumapit sa akin. Bahagya akong napaatras nang halos isang dipa na lamang ang pagitan naming dalawa.

"What the h*ll are you doing?" galit niyang tanong.

I decided to ignore him and just continued closing my bag.

"Ano ba? Hindi mo ba ko naririnig? Ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo?" malakas niyang sigaw.

"I'm leaving," saad ko habang binubuhat ang bag ko.

Saglit na naghari ang katahimikan sa aming dalawa matapos kong sabihin iyon.

Ngunit nang magsimula na akong humakbang ay pagalit siyang nagwika.

"Hindi ka pwedeng umalis!" matigas niyang wika.

Nagulat naman ako sa narinig ko mula kay Grey. I tried to comprehend kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya o baka nakaringgan ko lang. Pero maubos ko mang isipin ay iyon talaga ang salitang binitawan niya.

Hindi mapigilang kumunot ang noo ko. Ano na naman ba itong laro ni Grey? Bakit pinipigilan niya 'kong umalis. Malinaw naman na sa akin na hindi na niya ako mapapatawad 'di ba? Na wala na siyang pakialam kung ano pa man ang mangyari sa akin? Ni hindi nga siya nagpakita kahit na konting pag-aalala kung hindi ba ako nasaktan kanina samantalang kay Crizelda, lapit agad siya.

Muli na namang nagsikip ang dibdib ko sa alaalang iyon. Muli kong kinagat nang madiin ang labi ko para hindi ako umiyak.

Kaya mo 'yan, Raffie... Kaya mo 'yan... Tama na ang pag-iyak mo... Wala naman siyang pakiaalam kung maglupasay ka pa sa harap niya o kahit na mamatay ka pa kaya pigilin mong umiyak... Hindi ikaw ito... Tama na ang pagpapakita ng kahinaan mo kay Grey... Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.

Pero ano pa man itong laro ngayon ni Grey, wala na 'kong pakiaalam pa. All I wanted right now is to leave this place.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad palabas na wari bang walang narinig.

Nagulat na lang ako nang may malakas na dumaklot sa braso ko at pahiklat akong pinigil.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko hindi ka pwedeng umalis!" namumula ang mukha sa galit na wika ni Grey habang pigil-pigil ako.

Galit ko ring pilit hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya iyon binitawan. Pilit akong nagpumiglas pero balewala lamang ang lakas ko sa kaniya. I could not help but sighed in frustration.

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon