(Raffie's POV)
Saglit akong nawalan ng kibo matapos kong marinig ang sinabi ni Grey. Para itong sirang plaka na umuukilkil sa utak ko.
Basura...
Basura...
Basura...
Akala ko nga matapos ng lahat ng sinabi niya sa akin kagabi, manhid na ako. Pero hindi pala pwedeng makasanayan ang sakit. Pakiramdam ko'y agad nagtubig ang mga mata ko.
Ang galit na tinig ni Manang Rosario ang nagpabalik sa huwisyo ko.
"Grey! Hinayupak kang bata ka! Bumalik ka nga rito!" inis na tawag sa kaniya ni Manang.
Pero parang walang-anumang narinig ang huli na nagpatuloy sa paglabas.
Humahangos ko naman nilapitan si Manang.
"Manang, okay lang po iyon. Huwag na po kayong magalit kay Grey," saad ko habang hinahaplos ang braso niya.
"Hindi e," mariin pa ring salita ni manang. "Sumosobra na ang batang iyan."
"Huwag na po kayong magalit sa kaniya, please. Ayoko naman pong pati kayo e madamay sa away naming dalawa," saad ko sa nakikiusap na tinig.
Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Alam kong may pinagdadaanan siya. Alam kong nasaktan siya sa nangyari sa inyo noon. Pero maryosep naman, hindi dahilan iyon para umarte siya ng gano'n. Hindi ko siya pinalaking bastos."
"Okay lang po iyon. Galit lang po sa ngayon si Grey. Kapag lumamig po iyon, marerealize rin po niya tiyak 'yung mga ginagawa niya," saad ko kasabay nang pilit na pagngiti. "O kaya naman po, kapag napikon na ko sa attitude niya, bibigwasan ko na lang po siya nang malakas. Ewan ko lang kung hindi siya magising." Pilit ko pang biro para gumaan ang sitwasyon.
Napangiti na rin si Manang sa sinabi ko. "Mabuti pa nga, suntukin mo na nang malakas ang sutil na iyon," sakay niya sa biro ko. "Kung maliit lang na bata iyon e pinadapa ko na at pinalo sa puwit para madala e. Kaso mas malaki pa sa akin ang hinayupak. Baka ako pa ang isako kapag napikon siya sa akin," aniya na sinabayan pa nang malakas na tawa.
Natuwa naman ako nang makita kong tumatawa na si manang. Ayoko namang may madamay pa sa gulo namin ni Grey. Isa pa, ako lang naman ang may kasalanan sa kaniya kaya hindi na dapat maapektuhan ang mga tao sa paligid namin.
"Tara na po, kain na tayo," aya ko kay Manang. "Sayang naman po 'yung niluto ko kung itatapon lang," biro ko.
"Mabuti pa nga, kumain na tayo. Ubusan natin siya at nang manghinayang kung ano ang nawala sa kaniya sa sobrang katigasan ng ulo niya," saad ni Manang sa makahulugan na tinig.
________________
."Raffie, bata ka! Huwag ka nga rito. Madudumihan ang mga kamay mo e," saway sa akin ni Manang habang tinutulungan ko siyang maglipat ng halaman sa paso.
"Hayaan n'yo na po. Hindi na po kasi ako sanay na walang ginagawa e," nakangiti kong saad sa kaniya habang patuloy sa ginagawa.
"Naku, ang tigas talaga ng ulo mo. Kapag nakita ni Grey na nahihirapan ka..."
Hindi na tinapos ni Manang ang kaniyang sasabihin. Sa halip ay yumuko siya at kunwari'y naging busy sa pagbubungkal ng lupa sa paso.
Saglit na namayani ang katahimikan. Para maalis ang tensyon ay nagawa ko pang magbiro.
"Kapag nakita ni Grey na nahihirapan ako e baka po mas matuwa pa iyon. Baka sabihin pa na bakit 'yung paso lang ang binubungkal ko. Bakit hindi 'yung bukid." nakalabi kong saad.
Natawa na rin si manang sa sinabi ko. Ngunit bigla siyang natigilan nang wari'y may nakita sa likuran ko. Hindi ko na rin napigilang napalingon, at doo ay nakita ko ang isang napakagandang babae.
Mas mataas siya sa akin kaya sa tantiya ko ay halos 5'7" ang kaniyang taas. Pixie hair ang tabas ng kaniyang buhok na kulay pula na bumagay sa mestisa niyang kutis. Mahaba ang kaniyang pilik-mata, matangos ang maliit na ilong at pulang-pula ang mga labi. She's wearing a skimpy jeans and sleeveless blouse na nakabuhol pa sa bandang tiyan kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan.
Isang pilyang ngiti ang lumabas sa kaniyang labi pagkakita kay Manang.
"Mommy Charry! Gandang hapon!" bati niya sabay yakap kay Manang Rosario.
"Heh!" pairap namang bati rito ni Manang. "Napakulit mo talagang bata ka! Sinabi nang 'wag mo kong tatawaging Charry e!"
"But Rosario is so makaluma kaya. Feeling ko nasa simbahan ako 'pag tinatawag ko kayo," aniya sabay bungisngis.
Pagkatapos ay nabaling ang atensyon niya sa akin.
"Uy! May bisita pala kayo. Sino po siya?" nakangiti niyang tanong.
"Crizelda, siya si Raffie. Raffie, si Crizelda..." muli na namang hindi natapos ni manang ang sasabihin. Marahil ay hindi niya alam kung paano ipapakilala sa akin ang kaharap nang hindi ako masasaktan.
Nawala ang kanina'y palabirong aura ni Crizelda at napalitan nang pagdidilim ng mukha. Kasabay nito ang kaniyang paghalukipkip at pagtataas ng kilay.
"So, I finally got the chance to meet Rafaella Loiuse Hidalgo. So the queen bitch is back, huh," sarkastiko nitong saad.
"Crizelda!" gulat na gulat na wika ni Manang.
Nag-init naman ang ulo ko sa narinig. Anong karapatan ng babaeng ito na sabihan ako nang kung ano-ano?
Waring nabasa naman niya ang laman ng utak ko. "Well, Ms. Hidalgo, you must be wondering who I am? Well, I'm Crizelda Camille Gustavo. And in a few months time, I'll become Mrs. Greyson Anthony Madrigal," she proudly said.
Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib sa aking narinig. Kahit alam ko nang ikakasal na sa iba si Grey, iba pa rin pala kapag nakilala ko ang babaeng pakakasalan niya. Pilit ko na lang pinakalma ang aking sarili kahit na ang tanging gusto ko ngayon ay sabunutan si Crizelda. Walang maidudulot na maganda kung aawayin ko ang fiancee ni Grey.
"I know. Sinabi na nga nila sa akin na may fiancee na si Grey," saad ko sa mababang tinig.
"Really? Alam mo nang ikakasal siya pero nagawa mo pa ring pumunta rito? After all that you've done and made him experience, nagawa mo pa ring makipagkita sa kaniya?" aniya sa tinig na punong-puno ng disgusto.
"Look," I sighed deeply. "Huwag ka sanang magalit. Wala akong balak na manggulo. Gusto ko lang sanang kausapin si Grey. Pagkatapos noon, aalis na rin ako," mahinahon kong pahayag.
"Oh really?" she sarcastically laughed. Pero bago pa nito nadugtungan ang sasabihin ay may kumuha sa atensyon nito. Agad na napalitan ng masayang ngiti ang ekspresyon sa mukha nito at pagkatapos ay patakbong nilagpasan ako. Iyon pala ay upang salubungin si...
"Grey!" masaya nitong tawag sabay yakap nang mahigpit kay Grey. At marahil upang ipakitang pag-aari na niya ang binata, hinalikan pa niya si Grey sa harao ko.
And Right there and then, I finally know what dying really means.
BINABASA MO ANG
Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)
General FictionMy heart was broken twice in the past but I had been able to rebuild myself. But what you did is unforgivable for you had destroyed every pieces of me 'till I could no longer recognized myself. You had broken not only my heart, but had also shattere...