(Raffie's POV)
"Raffie!" aniya ng malakas na tinig ng taong pilit akong hinahatak pataas.
Nahihilam man sa luha at sa malakas na buhos ng ulan ay pilit ko pa rin siyang inaninag.
"Grey!" hindi ko mapigilang sigaw nang makilala ko siya. Hope started to rise from my chest.
"Just hold on, Babe. Maiaalis din kita r'yan," aniya.
Kung hindi lang siguro ako nasa life and death situation, baka kinilig na ako nang marinig kong tinawag niya uli akong 'Babe'
I could see how he struggle just to pull me up. The veins in his arms is showing. Ilang beses na rin mismong muntik nang madulas si Grey at maging siya ay muntik nang mahulog kasama ko sa bangin. Hindi ko mapigilang mapatili kapag nararamdaman ko ang pagdausdos ko pababa. But he remained calm the whole ordeal. He never uttered again a single word, as if he's really concentrating on what he's doing.
Ramdam na ramdam ko ang mas papalakas na buhos ng ulan kaya mas nahihirapan na si Grey na hilahin ako pataas. Nang muli kong maramdaman ang pagdausdos ko at nang makita ko ang pag-igting ng mga ugat sa braso niya, ay alam kong hirap na siya.
"Grey, I could no longer hold on. Bitawan mo na 'ko, okay. Tapos humingi ka na lang ng tulong," aniya ko sa tinig na pilit na nagpapakatatag.
"Never," he darkly said.
"Please. Bitiwan mo na lang ako, okay. Parehas pa tayong mapapahamak nito e," patuloy kong pangungulit.
Pero nagpatuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa na para bang hindi niya ako narinig.
"Grey, please," muli kong saad.
"Sinabi ko naman sa 'yong hindi, di ba? So just shut up! Ang kulit mo," angil niya.
Pinili ko na lamang na huwag kumibo nang makita ko ang determinasyon sa kaniyang mukha. I just closed my eyes ang uttered a prayer para sa aming dalawa.
Ilang saglit pa nga'y naramdaman ko na rin ang unti-unting pag-akyat ko. Nang halos mai-angat na niya ang kalahati ng katawan ko ay inalis niya ang isang kamay niya na humihila sa braso ko at inihawak sa beywang ko para mas masuportahan niya ang bigat ko.
Isang malakas na hatak kasabay ng isang sigaw na para bang ibinubuhos niya roon ang lahat ng lakas niya at nagawa na niya akong hilahin pataas.
Dahil sa sobrang pagod ay napahiga siya habang hila ako. Ang nangyari tuloy ay nadaganan ko siya. Mukha namang hindi niya iyon alintana dahil hindi niya rin naman inaalis ang mga kamay niya mula sa pagkakayapos sa beywang ko.
Dahil nakatapat ang mukha ko sa dibdib niya ay dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Nang bahagya akong mag-angat ng paningin ay malaya kong napagmasdan ang mukha ni Grey. Nakapikit siya pero hindi naman mukhang galit. Mukha pa nga siyang payapa sa kabila ng hirap na pinagdaanan namin kanina.
"Grey..." marahan kong tawag. Tinangka ko rin tumayo dahil baka nabibigatan na siya sa pagkakadagan ko sa kaniya. Ngunit sa halip na sumagot ay naramdaman ko ang mas paghigpit na hawak niya sa baywang ko, as if never wanting to let me go.
So I just contentedly rested my head on his chest, listening to every beat of his heart and silently praying that the time would stop so that we could stay like this forever.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Hindi namin alintana ang bagamat marahan ay patuloy pa rin namang pagpatak ng ulan.
Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na boses.
"Ms. Raffie!," anito habang patakbong lumalapit sa amin. "Ano pong nangyari sa inyo?" Pagkaraan ay napasinghap ito, marahil ay nakilala na ang lalakeng nakayakap sa akin. "Grey?"
As if on cue, marahan nang tumayo si Grey habang alalay ako. Pagkatapos ay bumaling sa bagong dating. "Gaston, pare, pakihatid si Raffie sa bahay. Kailangan na niyang magpahinga. Muntik na naman siyang mapahamak dahil sa bangin na 'yan."
"E ikaw? Saan ka naman pupunta? Bakit hindi ka pa sumabay sa amin?" tanong rito ni Gaston.
Sa halip na sumagot ay hinubad ni Grey ang suot niyang jacket at ibinalabal sa akin. Pagkaraan ay tumalikod na siya at nagsimulang lumakad paalis.
"Saan ka ba kasi pupunta? Ang lakas ng ulan o," makulit pa ring patuloy na usisa ni Gaston.
He shrugged his shoulder. "Gusto ko lang maglakad-lakad," he said nonchalantly.
Hindi na ko nakapagpigil at marahan kong tinawag ang binata. "Grey..."
Bagamat hindi niya kami nilingon ay huminto naman siya sa ginagawang paglalakad kaya alam kong naririnig niya ako.
"Salamat ha..." aniya ko sa nanginginig na tinig.
Ngunit sa halip na sumagot ay nagpatuloy lamang siya sa pag-alis.
_______
Pagkadating sa bahay ay agad akong naligo ng maligamgam na tubig. Ngunit sa halip na matulog ay tumayo ako sa may terasa para antayin ang pagdating ni Grey.
Bagamat antok na antok na ay mas pinili ko pa ring maghintay. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung bakit kahit supposedly ay galit na galit siya sa akin ay hindi niya ako nagawang iwanan kanina.
Halos nadudukdok na ako sa mesa dahil sa sobrang antok nang makita kong paakyat si Grey.
Saglit na nagtama ang aming paningin ngunit una rin siyang umiwas at akmang papasok na sa loob.
Maagap akong tumayo at hinawakan siya sa braso para mapigilan.
"Grey, mag-usap naman tayo. Kahit sandali lang... Kahit sampung minuto lang.. Kahit segundo lang. Please, hear me out," naiiyak kong sinabi.
Gusto ko nang magalit sa sarili ko. I had never been this weak. Hindi ako iyakin. Pero bakit pagdating sa lalakeng ito, parang laging ang hina-hina ko?
"Matulog ka na. Masyadong naging mahaba ang araw na 'to para sa 'yo," sa halip ay malamig niyang itinugon.
"Why?" Ang tanging salitang namutawi sa bibig ko. Isang salita na nilalaman ang lahat ng katanungang gumugulo ngayon sa isip ko.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa salitang iyon. Pero biglang tumigas ang mukha ni Grey na para bang may ikinagagalit. At bago pa ko nakapag-react ay nahila na niya ako papalapit at ginawaran nang mapagparusang halik.
I can feel all the emotions with the kiss his giving me right now... I can feel his anger, his resentment... His pain... Pagkaraan ay nabago ito at napalitan ng tenderness. Pero bago pa ako nakatugon ay mabilis siyang lumayo sa akin. His eyes bewildered as if he could not believe what he had done.
Saglit muling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang tanging maririnig ay ang marahas niyang buntung-hininga at ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Nagulat na lang ako nang muli siyang nagsalita.
"Why?" Tumawa siya ng mapakla bago nagpatuloy. "I'm asking myself that very same thing. Why? Bakit ka pa bumalik? Bakit pumasok ka na naman sa buhay ko. Okay na 'ko e. Okay na 'ko sa ganito. Tapos bumalik ka lang, nagulo na naman ang mundo ko. So bakit Raffie? Bakit?" aniya saka mabilis siyang tumalikod.
BINABASA MO ANG
Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)
General FictionMy heart was broken twice in the past but I had been able to rebuild myself. But what you did is unforgivable for you had destroyed every pieces of me 'till I could no longer recognized myself. You had broken not only my heart, but had also shattere...