Chapter 16: Pain on My Shoulder.... Pain on my Heart

291 16 11
                                    

(Raffie's POV)

Parang binabarena ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ko sa salamin, natitiyak ko nang nangingitim ang gilid ng mga mata ko at nanlalaki na naman ang mga eyebags ko. I had never been vain all my life pero paano ba naman ako haharap nito kay Grey kung mukha akong taong-panda?

I gave up a heavy sigh. Hindi kasi ako halos nakatulog kahit isang saglit. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang nagdaang usapan namin ni Grey kagabi.

"Why?" Tumawa siya ng mapakla bago nagpatuloy. "I'm asking myself that very same thing. Why? Bakit ka pa bumalik? Bakit pumasok ka na naman sa buhay ko. Okay na 'ko e. Okay na 'ko sa ganito. Tapos bumalik ka lang, nagulo na naman ang mundo ko. So bakit Raffie? Bakit?"

Lalong sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko makakalimutan ang pait sa boses ni Grey habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon. For a few second, parang nakita ko uli ang dating si Grey.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Ayoko nang maalala pa iyon. The guilt in my chest is slowly killing me. Isa na nga lang bang pabigat ang presensiya ko kay Grey? Dapat ko na bang tanggapin na kahit na anong mangyari e hindi naman na niya 'ko mapapatawad? Dapat na ba talaga 'kong sumuko?

Mabigat ang loob na bumangon na ko at naligo. Tutal mukha namang hindi na talaga ako makakatulog so might as well tumulong na lang ako sa mga gawain.

I quickly grabbed a cup of coffee and decided to go to the ranch. Titingnan ko na lang kung okey na 'yung mag-inang baka na pinaanak ko.

Sa halip na magpahanap ng masasakyan ay nagpasiya akong maglakad na lang papunta roon. Maybe the fresh air and warmth from the sun will help me clean my mind. I sighed heavily with the thought, as I put on my running shoes and started to go outside.

Matagal-tagal na rin akong naglalakad, hindi ko alintana ang medyo pawisan ko ng damit. Ngunit bigla akong natigilan at parang itinulos sa pagkakatayo nang makita ko ang isang itim na land cruiser na aktong hinarang ang isang pulang range rover.

Mula sa pulang sasakyan ay bumaba ang isang pigura na kilalang-kilala ko. How could I forget the woman who is causing me so much pain right now?

"Crizelda..." ang mahina kong nasambit nang makita ko siyang galit na sumugod sa land cruiser at malakas na kinatok ang bintana nito.

"You jerk! Bumaba ka r'yan ngayon! Anong problema mo? Bakit ka paharang-harang sa daan ko?" sumisingasing sa galit na tanong niya habang patuloy na pinaghahampas ang pintuan ng land cruiser.

Saglit pa'y bumaba rito ang isang lalakeng nakangisi.

If I am the type of woman who get easily attracted with bad boys, I'll definitely fall for this man. With his well defined muscles na halatang-halata sa kaniyang suot na hapit na tshirt at jeans, his long hair in a man bun, and tattoes in his arms, as well as on his neck, this man simply spells trouble, in a capital T. Oh my, he exudes dark aura that I could not helped but winced with just a simple smirked from him.

Luckily, I am not that kind. I rather preferred mine to have a boyish grin and teasing eyes like Gr....

Stop it Raffie! Agad kong sansala sa aking sarili. Paano ako makaka-move on sa kaniya kung laging siya ang laman ng isip ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang magsalita si bad boy.

"Stop right there tigress. Ang init naman ng ulo mo," he said with a smirked.

"Don't call me that! At ang kapal ng mukha mo na magpakita pagkatapos ng ginawa mo," malakas na sigaw ni Crizelda.

Sa halip na matigatig ay nakita ko na lalo pang lumaki ang pagkakangisi ng lalakeng kaharap ni Crizelda.

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon