Chapter 22: Bingit

328 13 3
                                    

RAFFIE'S POV

I could not helped but cry after hearing his confession. Parang may kamay na pumipiga ngayon sa puso ko at mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga. I never thought how broken Grey had become when I left him to the point that he had sank to depression.

May mga pagkakataon noong nagkahiwalay kami na sobrang lungkot ko. I really missed Grey and his family. How I long to see them again. Nami-miss ko rin ang kakulitan ni Gaston, pati na rin iyong mga trabahador sa rancho.

Sa sobrang pagka-miss ko kay Grey, parang minsan nga, ayoko na siyang sumagi sa isip ko e. Kasi ang sakit-sakit na. Miss na miss ko na siya, 'yung pagngiti niya... 'yung pagtingin niya sa akin na punong-puno ng pagmamahal... 'yung pagsasabi niya sa akin na mahal niya 'ko sa lahat ng lengwahe na alam niya. I missed him so much back then. May ilang pagkakataong nagtangka akong tumakas para makabalik muli rito kasama niya. Pero bantay-sarado ako ni Papa.

Dahil dito'y ilang beses kaming muling nagtalong mag-ama. Masama mang sabihin ngunit nagalit ako kay papa. Gusto kong magwala noon at saktan ang sarili ko. Gusto kong magrebelde sa mundo. Naisip ko kung mapapariwara ako, siguradong magsisisi si Papa dahil sa paghadlang niya sa pag-iibigan namin ni Grey.

Pero ang lahat ng anumang balakin ay hindi ko maituloy. May kung anong pumipigil sa akin para hindi iyon gawin. O mas tamang sabihing na may kung sinong pumipigil sa akin. Si Grey.

Ayokong tuluyang magpakasira dahil gusto kong ingatan ang sarili ko para sa kaniya.  Tanga na nga siguro sa tanga,  gaga na sa mga pinakagaga, umaasa man sa wala o waring sumusuntok na lang sa buwan, pero ang isiping magkikita kami ni Grey ang tanging nagbigay ng lakas sa akin sa nakalipas na taon. Iyong maliit na pag-asang  baka sa dakong huli, pwede pa lang maging kami pa rin.

Patuloy akong umaasa... Patuloy akong lumalaban... Pero ang malungkot lang dito, hindi naman alam iyon ni Grey... Ang natanim sa isip niya, pinaglaruan at pinaasa ko lang siya. Na nagmahal siya ng isang walang kwentang tao. Wala akong iniwang anumang iniwan para panghawakan niya, para patuloy rin siyang umasa. I left him with nothing but painful memories. I've realized now how wrong I was when I left him that night. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan... Pero huli na ang lahat. Nandito na kami sa punto na hindi namin maiwasang masaktan ang isa't isa just by our mere presence...

Pilit ko siyang hinagilap ng tingin mula sa kadiliman. Pero hindi ko siya talaga makita.  Magkagayunman ay nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.

Gustong-gusto ko nang bumaba doon para makausap siya ng personal pero pinili kong igalang ang kagustuhan niya. All I could do is sobbed. I hate myself right now for being so helpless. Parang bumalik na naman ako noong gabing iyon... Noong gabing napilitan akong iwan siya.

But what he said next brings chill to my whole being.

"Pero ngayong established na si Blue, I think kayang-kaya na niya ang sarili niya pati na rin si Manang. They no longer need me. Siguro, it's about time na gawin ko na ang matagal ko ng plano."

Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig. Pero sobrang kaba ang naramdaman ko sa mga salitang iyon.

"Anong plano? Grey, anong plano 'yan?" bahagya pang nanginig ang boses ko. Ngunit sa halip na sumagot ay malungkot lamang siyang nagpatuloy.

"Goodbye Raffie," saad niya. Sa pagkakataong ito ay lumantad na siya sa liwanag kaya malayang nagkatagpo ang aming mga mata.

This time ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagmamadali akong nagtatakbo pababa. Hindi ko pa rin ibinanaba ang cp ko at patuloy ko siyang kinakausap.

"Grey, please. Kung anuman 'yang pinaplano mo, huwag mo ng ituloy."

Oh my! Huwag naman sana. Huwag naman niya sanang gawin kung ano iyong iniisip ko ngayon. Bakit ba parang namamaalam na siya?

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon