Chapter 6: Under the Rain

274 16 6
                                    

(RAFFIE'S POV)

Para akong pinagbasakan ng langit at lupa sa aking narinig. I was expecting Grey's anger and rejection pero mas masakit pala kung maririnig ko mismo ng harapan ito mula sa kaniya.

The anger and resentment that I've seen in his eyes are like a knife that cuts me deeply. Masakit isiping ang mga tingin niya sa akin dati na puno ng pagnamahal ay wala na at tanging pagkasuklam na lamang ang natira.

Pero marahil ay sapat na ang harap-harapan niyang pagtataboy sa akin ngayon para mabatid kong naiwala ko na nga nang tuluyan ang Grey na nagmahal sa akin noon.

Lulugo-lugo akong lumabas ng silid at nagtungo na sa pintuan ng bahay upang umalis.

"Anak, 'wag ka nang umalis. Pagod lang siguro 'yun. Hindi niya sinasadya kung anuman 'yung mga nasabi niya," ani Manang habang hawak-hawak ang braso ko.

Kahit ang sakit-sakit ng dibdib ko ay pinilit kong ngumiti.

"Okay lang po, Manang. Kasalanan ko naman po 'to."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Nakita ko rin ang pagbakas ng awa sa kaniyang mga mata. "Pero hindi naman tamang pagsalitaan ka niya ng ganoon." Hindi pa rin kumbinsidong wika ni Manang.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at naramdaman ko ang ambang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kaya bago ko pa mas lalong ipahiya ang sarili ko'y dinampot ko na ang mga maleta ko.

"Mauuna na po ako, Manang. Pakisabi na lang po kay Grey na umalis na po ako." Pagkatapos ay hinalikan ko si Manang sa pisngi at nagmamadali na akong lumabas. Marahil ay nararamdam niya ang bigat nang pinipigilan kong emosyon kaya hindi na niya ako pinigilan pa.

Bago pa ako tuluyang nakalayo ay saglit pa akong lumingon. Hoping against hope na baka pigilan niya akong umalis. Pero wala. Nanatili lamang nakapinid ang pintuan ng kanyang bahay at patay ang ilaw sa loob ng silid ni Grey, tanda na hindi man lang niya sinilip ang aking pag-alis.

Pinilit kong lumakad nang mabilis. Hindi ko na inalintana pa ang mabigat na maletang hila-hila ko. Ang tanging gusto ko ngayon ay makalayo at makakita ng lugar kung saan ko maaring ilabas ang kinikimkim kong emosyon.

Pero sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang isang nakahalang na bato, sanhi para madapa ako.

"Aray!" Hindi ko mapigilang mapadaing. Pinilit kong tumayo pero lalo lamag tumindi ang sakit mula sa aking nasugatang tuhod.

Frustrations started to build up from my chest. Ang lampa-lampa ko talaga! Wala na 'kong ginawang tama. Mula noon hanggang ngayon, lahat na lang ng gawin ko mali.

And to make matter worse, naramdaman ko ang marahang pagpatak ng ulan sa aking balat. Kaya kahit napakasakit pa ng tuhod ko ay pinilit kong lumakad. Kailangan kong makalabas ng rancho bago pa lumakas ang ulan.

Ngunit ang maliliit na ambon ay naging malakas na ulan. Gustuhin ko man na tumakbo para sumilong ay hindi ko magawa. Kaya ang tangi ko na lamang na ginawa ay itaas ang aking mukha sa langit at kasabay nang pagpatak ng ulan ay ang pagpatak nang masagang luha mula sa aking mga mata.

Mayamaya pa'y hindi ko na napigilang mapahagulgol. At para akong bata na napaupo sa lapag habang nakayukyok at yakap ang mga tuhod.

I felt alone and unwanted. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Grey ng iwan ko siya sa ilalim ng ulanan ng gabing iyon?

Marahil ay mas grabe pa rito ang naramdaman niya. Sinaktan ko siya. Pinaniwala ko siyang hindi ko na siya minahal at tanging laro lang ang lahat nang ipinakita ko sa kaniya. I left him in pain, when he is almost bleeding to death literally.

Sinaktan ko nang sobra si Grey. So yeah, tama lang 'to sa akin. I deserve his hatred and resentment. I deserve all the pain I'm experiencing right now. Parusa sa napakalaking kasalanan na nagawa ko sa taong mahal ko.

Nagulat pa ako nang isang sasakyan ang huminto sa harap ko. Mula doon ay bumaba ang isang lalakeng hindi ko kilala bagamat medyo pamilyar ang mukha. Gwapo ang lalake. May kataasan din ito at malaki ang pangangatawan. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko siya nakita.

"Ate Raffie, sakay na. Basang-basa ka na ng ulan. Baka magkasakit ka," anito.

Nang marinig ko ang pamilyar niyang tinig at ang pagtawag niya sa akin ay noon ko siya nakilala.

"Blue?"

Sa halip na sumagot ay nginitian niya lamang ako. "Halika na. Umuwi na tayo at nang makapagpalit ka."

Pero mabilis akong umiling. Malinaw ang sinabi ni Grey na ayaw na niya akong makitang muling tutuntong sa bahay nila.

"Huwag na. Baka magalit pa sa 'yo ang kuya mo. I'll be fine. Iwan mo na lang ako rito." Bahagya pang nanginig ang tinig ko dahil sa lamig na nanunuot sa aking kalamnan.

Kumunot ang noo niya at inalalayan akong tumayo. "Hindi ko na iniintindi ang galit ni kuya. Lagi lang naman talagang galit iyon." Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. "Halika nang umuwi, Ate. Alalang-alala sa 'yo si Manang kaya pinasundan ka niya agad sa akin pagkarating ko sa bahay kanina."

Muli sana akong tatanggi pero natakot ako nang biglang kumulog at kumidlat.

"Halika na ate. Noong isang araw may tinamaan ng kidlat dito," ani Blue sabay hila sa akin.

Muli naman akong napa-aray dahil sa sugat sa mga tuhod ko. Napatingin tuloy doon si Blue.

"Naku, ate. Nasugatan ka pala."

Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako at isakay sa dala nitong sasakyan.

Habang-daan ay tahimik lang kaming dalawa. Maya-maya pa'y binasag na niya ang katahimikan.

"I'm glad that you're back, Ate Raffie," aniya sabay ngiti. "Alam ko, may pag-asa na ring bumalik ang dating Kuya ko. Sobrang miss ko na siya." Sa pagkakataong ito ay hindi na naipagkaila ang kalungkutan sa mga mata niya.

Sasagot pa sana ako ngunit nasa tapat na kami ng bahay nila. At kitang-kita ko doon si Grey na nakahalukipkip habang nakatingin sa amin nang matalim.

"Kuya..." tawag dito ni Blue pero tuloy-tuloy lang na tumalikod si Grey at pumasok sa loob ng bahay.




Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon