Chapter 5: Glare

342 15 10
                                    

(Raffie's POV)

"Grey..." Ito lamang ang tangi kong nabanggit nang magtama ang aming paningin.

Saglit na bumakas ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. Ngunit inisip kong imahinasyon lamang ang lahat dahil agad din iyong nawala at napalitan ng tingin na singlamig ng yelo.

"Anong ginagawa mo rito?" aniya sa tinig na kasing-lamig nang paraan ng pagkakatingin niya sa akin.

Para naman akong itinulos sa aking kinatatayuan. Waring naumid ang aking dila at hindi ko magawang ibuka ang aking bibig upang magsalita. Ang tanging nagawa ko lamang ay tingnan siya.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ngayon ang lalakeng mahal ngunit nasaktan ko naman ng sobra. Halatang-halata ang malaking pagbabago sa kaniya.  He is as still as charming as  he is before with his prominent jaw and kissable lips. Mas lumaki rin ang kaniyang katawan na kitang-kita sa tight fitting shirt and faded jeans na suot niya ngayon.

But gone was the lopsided and boyish grin that he would always give me everytime that he is near. Nakakunot ang kaniyang noo at halos magsalubong na ang kilay. With the cold and intent glare that he gives me right now, hindi ko maiwasang kabahan. His eyes are like throwing ice daggers that I could joy helped but shiver down from my spine. His aura is emitting dark and danger na para bang gusto kong tumakbo palayo. Though I reminded myself that the man infront of me is still 'my Grey'. I know that he would not harm me in anyway.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang pinag-ekis ang mga braso.

"I just wanted us to talk," I timidly said. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya sa sinabi ko at lalong tumalim ang mga mata niya. Ang kaninang tiwalang nararamdaman ko na hindi niya ako magagawang saktan ay unti-unti nang nawawala. Ang sama-sama ng tingin na ibinibigay niya sa akin na para bang kakainin ako ng buhay.

"Talk?" He sarcastically laughed. "Well, Ms. Hidalgo. Hindi ko gustong ma-dissapoint ka. Pero hindi ba sobrang late na masyado para sa hinihingi mong pag-uusap? To be more specific, you're five years late." Pagkasabi nito ay agad siyang tumalikod.

I frantically dropped my bag and followed him. Halos tumakbo na ako just to close our distance. Without even thinking ay iniharang ko ang aking kamay sa pinto bago pa niya iyon naisara. I could not helped but gasped dahil masakit ang pagkakaipit ng pinto.

Agad niyang niluwagan ang pagkakabukas nito and seeing my swollen hands ay isang malakas na mura ang pinakawalan niya.

"Damn! Ang tanga mo naman! What made you do that?"

"I really just wanted us to talk," saad ko sabay kagat nang mariin sa aking labi para maiwasan kong dumaing dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko lang alam kung alin ang mas masakit, ang maipit sa pinto o ang tanggapin ang galit ng taong mahal ko?

Nagmumura pa rin na lumabas siya ng kwarto. Gusto ko sana siya uling habulin pero masakit talaga ang kamay ko. Maya-maya naman ay bumalik na siya na may dalang planggana na may yelo saka bimpo.

Walang kibo na kinuha niya ang kamay kong naipit saka marahang dinampian ng bimpo na may yelo. I tried to say a protest at sinabing ako na lang ang gagawa noon pero tiningnan lang niya ako nang matalim. Kaya hindi na lang ako kumibo at tiningnan na lang siya habang pinagpapala ang nasaktan kong kamay. Buhos na buhos dito ang atensiyon niya kaya malaya ko siyang napagmasdan.

Hindi ko alam kung gaano niya katagal ginawa iyon o kung gaano katagal akong nakatitig sa kaniya. Naramdaman ko na lang na tumigil na siya sa ginagawa nang ilapag niya ang bimpo sa planggana.

"Okay na 'yung kamay mo. Makakaalis ka na," he said coldy.

"Grey, please..." Gusto ko nang umiyak. Bakit ba ayaw niya 'kong pakinggan? "Kahit sandali lang... Kahit ilang minuto lang, hayaan mo akong magpaliwanag."

Pero hindi nagbago ang madilim ma ekspresyon sa kaniyang mukha. "Umalis ka na. Wala namang magbabago kahit magpaliwanang ka pa. Hindi lugar ang rancho ko para mag-entertain ng mga spoiled brat at walang magawang tagapagmana."

Agad kong hinawakan ang braso niya bago pa siya uli makatalikod. "Grey, hindi naman sa gano'n..." Ngunit hindi ko na natapos pa ang anumang sasabihin ko dahil agad niya akong sinansala.

"Bitaw," he said in a dangerous tone. Pero nanatili akong nakahawak sa kaniya. Kung gusto niya akong murahin, okay lang. Kubg gusto niya 'kong saktan, okay rin. Pero hinding-hindi na ako bibitaw sa kaniya katulad nang ginawa ko noon.

"Hindi ko alam kung bakit bumalik ka pa. Ang kapal ng mukha mong bumalik matapos mo akong iwan sa gitna ng ulan na halos patay na dahil sa pambubugbog ng mga tauhan ng tatay mo!" aniya sa mataas na tinig. Pain and hatred are visible in his voice.

Napasigok ako sa aking narinig. Para akong sinampal sa mga sinabi niya. Kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nasusuklam sa akin ngayon.

Ngunit nagulat ako nang muli siyang magsalita. Aside from the pain and hatred, another emotion had stirred in his voice.

"But if you wanted a piece of me..." saglit siyang tumigil at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Pwede naman kitang pagbigyan," aniya sabay kabig sa beywang ko upang magkalapit kami at bago pa ako nakapagsalita ay madiin na niya akong hinahalikan.

Ramdam na ramdam ko ang lahat ng galit niya sa paraan nang paghalik niya sa akin. Mariin iyon at mapagparusa. Tinangka kong iiwas ang aking labi at lumayo ngunit lalo lang hinigpitan ni Grey ang pagkakayakap sa akin. Pakiramdam ko'y

nadurog na ang aking mga labi at halos malasahan ko na ang dugo mula rito.

Ngunit maya-maya'y naging masuyo na ang kaniyang mga halik. I wanted to cry because of happiness. Ganito ang halik ni Grey noong hindi pa nangyayari ang bagay na iyon.

Ngunit bago pa ako nakatugon dito ay bigla niya iyong pinutol at para bang napapasong lumayo siya sa akin.

"Wala ka ng lugar sa buhay ko kaya mas mabuti pang bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo." And with that, he quickly left, leaving me dumbfounded. Dinig na dinig ko pa nang malakas niyang tawagin si Manang.

"Manang! Makakaalis na ang bisita natin. Pakihatid na siya sa labas at siguraduhin ninyo na hinding-hindi na siya makakatuntong pa sa bahay ko."

Ang kaninang mga luha na pinipigilan ko ay unti-unting nag-unahang paagos mula sa mga mata ko.

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon