Chapter 17: Enough

320 17 17
                                    

(Patrick's POV)

Tahimik lang kami ni Raffie habang-daan. Kanina noong papunta kami sa doktor sa bayan ay iyak lang siya ng iyak. Tinatanong ko naman kung masakit na masakit ba 'yung balikat niya pero panay lang ang iling niya. Kahit habang nilalagyan ng cast 'yung napilay niyang balikat, she just keep on crying na para ba siyang namatayan.

Pero ngayong pabalik na kami sa rancho, basta na lang siya tumigil sa pag-iyak. And truth to be told, kitang-kita ko ang labis na kalungkutan sa kaniyang mga mata. I could see the vast emptiness in her eyes habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Muli ko siyang sinulyapan at bago ko pa napigilan ang sarili ko ay natanong ko na siya. "Raf, okay ka lang?"

Pumikit muna siya nang mariin, na wari bang pinipigilan ang sarili na umiyak bago tumango.

Hindi ko na mapigilan ang akong sarili na mag-alala para sa kaniya kaya nagpasiya akong iparada ang sasakyan ko sa gilid ng daan para makausap siya.

"Raf, tell me. Hindi ako sanay na ganyan ka. Please, sabihin mo sa akin kung anong problema. Nag-aalala na ko sa 'yo niyan e."

Umiling-iling lamang siya. Halatang pinipigilan ang anymang emosyon. Ngunit kitang-kita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata.

"Spill it up, Babe. Sabihin mo kung anong nararamdamam mo ngayon. Huwag mong pigilin 'yan."

I might just have touched some nerves dahil pagkaraan kong sabihin iyon ay humahagulgol siyang yumakap sa akin.

Hindi ko naman alam kung paano siya patatahanin. Kaya niyakap ko na lang siya habang tinatapik ang balikat niya  at hinayaan siyang umiyak nang umiyak.

"Pagod na pagod na ko, Pat. Ayoko na. Ang sakit-sakit na. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya pero sobra-sobra nang parusa 'to," saad niya habang patuloy na lumuluha. Saglit siyang sumigok-sigok na para bang naghahabol ng hininga pero pagkaraan ay muling magpatuloy.

"Sa tuwing hindi niya ako pinapansin, kapag sinisigawan niya ako, kapag tinitingnan niya ako na puno ng galit, may isang bahagi ko ang namamatay. Kapag nakikita ko siyang kasama si Crizelda, selos na selos ako. Gusto kong magwala. Gusto ko silang saktan kaso alam ko namang wala akong karapatan. Pero 'yung nangyari kanina na hindi man lang siya nag-alala kung anuman ang nangyari sa akin tapos mas pinili niya si Crizelda, I felt that a part of me had permanently died. Iniisip ko nga, kung sa akin kaya nangyari 'yun, mag-aalala rin kaya siya? Kahit konting sulyap kaya, bibigyan na rin niya ko? Kung mamamatay na kaya ako ngayon, mapapatawad na niya ko?"

I was shock for a momemt. Alam kong nasasaktan siya sa mga pambabalewalang ginagawa ni Grey sa kaniya. Pero sabi naman niya sa akin noon, kaya pa niya. And I knew her to be a very strong woman. But I realized now how wrong I was. I haven't considered how broken she could be. She is so broken right now that she is now wishing for her own death.

I was loss for words. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kaya niyakap ko na lang siya nang mahigpit para maramdaman niyang may kaibigan pa rin siyang handang sumuporta sa kaniya.

Masyadong lulong ang isip ko sa pag-aalala kay Raffie kaya nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto ng kotse ko at buong pwersa na akong hinahaltak ni Grey palabas. And before I knew it, isang malakas na suntok ang tinnaggap ko.

"Hay*p ka! Traydor! Sinabi ko na sa 'yong layuan mo si Raffie 'di ba?" galit niyang saad. Hindi pa siya nasiyahan doon. Galit niya akong dinaluhong at hinawakan ng mahigpit sa aking kuwelyo.

"I told you to leave her alone!" nagbabaga ang mga matang saad niya sa akin. Hindi naman ako halos makahinga dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Maagap namang lumapit si Raffie sa anin at pilit na inilalayo ang nakadaluhong pa rin sa akin na si Grey.

Pero sa halip na bumitiw ay malakas niyang naitulak si Raffie sanhi para sumadsad ang huli sa lupa.

Napaigik si Raffie sa sakit. Kitang-kita namin na nairukod niya ang braso niyang naka-cast kaya tiyak na masakit ang naging pagbagsak niya. Agad na tumulo ang luha sa mga mata ni Raffie.

Para namang natauhan si Grey at agad na nilapitan ang dalaga pero agad siyang tinabig nito.

"Huwag mo 'kong hawakan!" galit na asik niya kay Grey.

"Raffie, Sorry hindi..."

Pero hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni Grey ang sasabihin dahil agad na nagsalita ang huli.

"Tama na, Grey. Pagod na pagod na 'ko. Kung hindi mo 'ko mapapatawad dahil sa ginawa ko noon, fine. Pero ayoko na Grey. Ayoko na. Kasi ang sakit-sakit na. Suko na 'ko."

And with that, nagmamadaling tumakbo si Raffie palayo. Para namang itinulos ai Grey sa pagkakatayo so Grey. Ngunit mayamaya para siyang natauhan ay hinabol si Raffie.

Another Shot of Pain (Turuan ng Leksyon Babaeng Maton - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon