YAMD 02

1.6K 44 0
                                    

Chapter II.

Syempre kinabukasan,maaga ako pumasok hahaha! Mas inspired ako ngayon kasi naman nasa isang tropahan na lang kami! Lalo na kahapon nung pauwi tinabihan nya pa ako sa paglalakad, uber kilig talaga! :DD

Pagkapasok ko sa classroom ay swerte naman na wala pa ang Prof,nakita naman agad ako nina Ira at Pipay kaya lapitan agad ang mga bruha.

"oh anong meron at sobra ka kung makangiti?" umpisa ni Ira.

"syempre masaya yan teh,makakasama na nya crush nya" sagot ni Pipay, lalo naman lumawak ang pagkaka ngiti nya dahil dito.

"Si Dex ba ang crush mo ning?" - Ira.

Syempre ng marinig ang pangalan ng iniibig ay nagliwanag lalo ang mukha nya at nagningning ang kanyang mga mata.

"correction.Hindi lang crush,iniirog!" bara ko sa kanila. Hay Dex sana gusto mo din ako >.<

"kawalang gana ah,nabaliw na tong isang ito, ito namang si Arvin kakadating lang hindi na maipinta ang mukha" rinig ko pang dada ni Ira. Hindi ko na lang inintindi dahil nga inspired ako diba?

Totoo nga bagong dating lang ang hunghang na si Arvin, kasunod ang Prof namin. Sa totoo lang napaka gwapo ni Arvin, medyo naging crush ko din ito nung high school, medyo lang naman, pano ba naman kasi napaka babaero ng gago! Si Arvin ang perfect example ng Matalinong Naughty na Hottie. Hindi ko nga akalain magiging tropa ko yan eh!

Nako malamang nakita na naman ni Arvin si Kevin hahaha! Hindi ko masisisi ang kaibigan ko, mula first year lagi na syang pinagtitripan ni Kevin, kahit siguro ako magiging badtrip lagi nun hoho! X)

Bago magsimula ang lecture ni prof ay may pinakilala samin ito,mga transferee, parehong mukhang galing sa mayamang pamilya, napag alaman naming kambal pala ito at ang mga magulang ay parehong lalake.

Pwede pala yon?

Ng matapos magpakilala ang bago naming mga kaklase ay umupo ang kambal sa tabi ni Arvin, I know inggit ang mga kaklase namin haha! Mamaya makikipag close agad ako sa dalawa XD

"Bakla, may mga new students na want mag try out sa Pep squad,wag ka mawawala mamaya ah" ani Ira habang naglalakad sila papuntang cafeteria.

"ayon! Buti pinaalala mo,sige sabay na lang tayo" sagot nya.

Pagkapasok namin sa cafeteria ay nagniningning agad ang aking mga mata, nandun na din ang grupo nina Dex. Agad kaming pumila at kumuha ng pagkain, syempre dun kami sa lamesa nila umupo.

"ang tagal nyo naman" ani Dex na sakin nakatingin. My Gawd! Huwag kang ganyan baka himatayin ako :/

"ano kasi,may mga bago kaming kaklase,mga transferee,kambal, ininterogate pa ni prof kaya natagalan" sagot ko at sinimulan ko na ang pagkain, ayaw ko muna sya tingnan baka hindi ako makakain ng maayos at sa tingin pa lang sa kanya eh baka mabusog nako.

Dami mong alam! Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

"ganun ba?" - Dex

-yup- ako. Hihi kelangan magtipid.

"mamaya papakilala namin kayo sa kanila,mukha naman silang mabait. Nakaka intriga lang parehong lalaki ang mga magulang nila" singit ni Pipay, kahit kailan talaga walang preno bibig ng baklang to!

"sige teh! Itsismis mo kagad para ma expel ka dito sa school" bara ni Ira kay Pipay, napahagikgik na lang ako.

"Hindi naman imposible yon" singit din ni Kevin, nagtaasan lahat ng kilay namin sa narinig.

"what do you mean bro?"- si Bryle yan na sa pagkaka alam ko eh type si Ira. Galing ko nuh? Hahaha ganun talaga! =_=

"I mean hindi imposible yung same sex relationship, may ganyan talaga" sagot ni Kevin na nakita ko pang palihim na sumulyap kay Arvin,ng tingnan ko si Arvin nag iwas naman ito ng tingin.

Teka nga? Anong meron?

"sabagay.Kalat din sila sa campus, at may katibayan tayo dyan" naka ngising pag sang ayon ni Brian ay inginuso si Pipay na busy sa pagkain. Nagkatawanan na lang kami.

Sa grupo ni Dex,si Brian ang pinakamakulit at madaldal,kumbaga sa grupo namin si Pipay ang katapat nya, ang kewl diba? Hahaha!

Syempre at habang nangyayari ang lahat ng ito ay pasimple kong tinitingnan si Dex. Shit lang bawat anggulo ang gwapo nya,kahit sa pagsubo ng pagkain at pag nguya ang gwapo ng gago! I cant help it! Kelangan ko ng kumilos bago mahuli ang lahat! Hindi nya ako masyadong kinakausap pero sakin sya dumidikit,dun pa lang may puntos na ako haha! So kelangan ko ng gumawa ng paraan!.

Ng matapos ang klase namin para sa araw na iyon ay nagpakilala kami sa kambal, mabaet naman pala talaga ang mga ito, at inalok namin kung gusto maki tropa, at pumayag ang mga ito.

Kaya ng dumating sina Dex para sunduin kami ay pinakilala namin sila sa bawat isa, agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

"Honey,pwede bang makuha ang number mo?" mahinang wika ni Dex ng tumabi sakin. Halos maglulundag naman ang puso ko.

YES! This is it!

ITUTULOY . . .

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon