YAMD Final Chapter

1.2K 41 4
                                    

YOU ARE MY DREAM

Final Chapter

-----

kinabukasan maaga ako pumasok at excited,bakit hindi? Maaga pa lang ay tumawag si Dex para ibalita na tinawagan daw nya ang mga parents ko para hingin ang aking mga kamay, nagulat ako nun kasi hindi ko naman ine-expect na ganun sya kaseryoso dun sa kasal issue. At nung nasa daan na ako papunta sa school sina Mama at Papa naman ang tumawag at sinabing nakausap nga daw nila si Dex at ang parents nito. Uuwi na lang daw sila sa Graduation at engagement party namin. Nabilisan man ako sa pangyayari,wala naman pagsidlan ang kaligayahan ko,nag uumapaw,ang gaan ng pakiramdam ko,para akong lumulutang.

Lahat ng makasalubong ko at bumabati sakin ay ngini ngitian ko ng bongga.

Pagkapasok ko sa room agad ako sinalubong ng mga kurimaw pwera kay Arvin at Jiian na subsob sa pag aaral,psh! Mga grade concious HAHAHA! :D

"hoy hoy! Anong meron? Sobra pagkaka ngiti ah?" - Ira.

"Tama! Nag toot kayo no?" - Pipay

"Mga baliw! Masaya lang ako no" naka ngiti ko pang sabi at umupo na sa chair ko.

"May importante daw announcement maya si Dex,kaya dapat kumpleto tayo,dun tayo samin" ani Angel.

Ano kaya yun? Wala naman nabanggit sakin si Dex ah? Ang adik nun ah? Naglilihim na sa akin.

Maya maya pa ay dumating na ang prof namin para sa next subject.

Dahil high pa ako sa mga nangyari nung Valentines hindi ko magawang maifocus sa lecture ang isipan ko.

Napalingon ako sa katabi kong si Arvin.

Aba? Ano na kaya nangyari sa isang to? Hindi na ako updated sa kanya ah? Pati si Ikhai ay hindi pa din nagpaparamdam. Hay nako sana naman makapili na tong kaibigan namin,hindi naman sinasadya nito na ma inlove sa kapwa lalaki eh. Nakaka awa tuloy :/

"Bakit?" - Arvin

"huh? Anong bakit?" - ako.

"anong huh? Kanina mo pa ako tinitingnan,adik ka ba Honey?" kunot noo na sagot sakin ni Arvin. Hala? Anu sasabihin ko?

"wala naman,kamusta kayo ni Ikhai?" nasabi ko na lang na ganyan.

Ngumiti sya at sumagot.

"ayos naman,kaso napaka over protective na,kahit sa lalaki nagseselos" sagot nito.

"dahil ba sa nangyari nung nag outing tayo?" tanong ko,at tuluyan ng nawala sa lecture ang atensyon ko.

"oo,ganon na nga" - Arvin

"dapat nga ba sya magselos? Especially kay Kevin?" late na ng marealize ko kung ano ang nasabi ko.

"anong ibig mong sabihin?" takang tanong nya sa akin. Hindi na lang ako sumagot. Bahala na sya mag isip kung ano ibig kong sabihin.

Mabilis na lumipas ang oras, sinundo kami nina Kevin,Dex,Brian at Bryle sa room namin. Excited sila sa kung ano man ang announcement ni Dex,kahit naman ako walang idea kung ano yon eh.

"Sandali!!" sigaw ni Pipay na ikinahinto namin sa paglalakad.

"hintayin natin si Prinz!" dugtong pa nito. Napapalatak na lang ang tropa eh HAHAHA!

-----

Nandito na kami ngayon sa bahay ng kambal, as usual sa favorite spot namin sa terrace, nagkekwentuhan na sila at nilalantakan ang mga pagkaing nakahain,puro pang meryenda.

"Pare ano ba yung announcement mo?" hindi makapag hintay na sabi ni Brian habang naka akbay kay Angel. Hmm sila na siguro,Im happy for them ^_^

Hinawakan ni Dex ang kamay ko at ngumiti,sabay sabing

"Guys,after graduation,magpapakasal na kami ni Honey"

Halata namang nagulat ang lahat,mga hindi nakapag react,kinuha ni Dex ang pagkakataon,tumayo at lumuhod sa harap ko.

"Honey,gusto kong malaman mo kung gano kita kamahal,hindi man tayo nagsimula sa maganda,hindi naman ibig sabihin nun ay matatapos tayo sa hindi maganda" ani Dex na punung puno ng damdamin ang mga mata,hindi ko magawang makapag salita,kita ko sa mukha ng tropa ang pagka gulat,amused at tuwa.

"Maaaring hindi tayo dumaan sa ligawan stage at sa kama tayo nagsimula" sabi pa nya at talagang namula ako ng husto at hinampas ko sya sa braso! Hindi na nahiya ang kumag! >.< naghagikgikan pa ang tropa. Ang sama nyo!!

"but seriously,it doesnt matter naman,ang mahalaga ay mahal natin ang isa't isa, mahal kita. At sa harap ng mga kurimaw na to..." aniya at tumigil,may dinukot sa bulsa. Isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Kahit inaasahan ko na ito,iba pa din pala pag nasa sitwasyon ka na. Parang may mga fireworks na nagputukan sa aking dibdib,

"sa harapan ng mga kurimaw na to,tatanggapin mo ba akong maging katuwang sa habang buhay? Will you be my other half? Will you marry me?" madamdamin nyang sabi.

Wala akong maapuhap na salita,sobrang saya ng pakiramdam ko,naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko then bigla niya ako niyakap ng mahigpit.

"YES! Yes Dex I will,kung alam mo lang,you are my dream" sagot ko.

Dinig ko pang nagpalakpakan at naghiyawan ang tropa. Wala na akong mahihiling pa, may mapag mahal akong pamilya at kaibigan,higit sa lahat mahal na mahal ko ang lalaking mahal na mahal din ako, yun lang sapat na para sa akin. Kung ano man ang mga darating pang pagsubok ay sabay at magkasama namin itong haharapin.

FINISHED. . .

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon