YAMD 15

801 30 1
                                    

Chapter 15

-----

Pagkatapos ng Valentines date namin ni Dex ay dinala nya ako sa bahay nila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasi sabi nya ipapakilala na nya ako sa parents nya, at kung sakali ito ang unang pagkakataon talaga na makikilala ko sila.

"Dex,kinakabahan ako,baka ayaw nila sa akin?" sabi ko kay Dex ng tumigil ang kotse nya sa tapat ng isang mansion.

Hinawakan nya ang kamay ko,ngumiti at saka sinabing.

"You worry to much babe, wag ka kabahan,Im sure they will like you" aniya sabay halik sa akin, nauna syang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako. Napaka gentleman talaga ng mahal ko :D

Inutusan ni Dex ang driver nila na nag aabang na ipasok sa garahe ang kotse nya, pumasok kami sa loob ng bahay at sinalubong ng katulong.

"Sir hinihintay po kayo nina Senyor at Senyora sa may living room" anito at tinungo na nga namin ang living room,lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko,ngunit ng pisilin ni Dex ang kamay ko na hawak nya ay nakaramdam ako ng relief.

Ng lumapit kami ay tutok ang tingin sa amin ng mga magulang nya, pakiramdam ko para akong ginigisa,samantalang si Dex ay cool na cool lang. Pano nya nagagawa yun?

"Mom,Dad, si Honey, girlfriend ko" masayang bati ni Dex, nagmuwestra ang Daddy nya na maupo kami,hawak pa din ni Dex ang kamay ko.

"Goodevening po" alangang bati ko.

"Goodevening din ija" sabay na sagot sakin ng mga ito.

"You must be Honey Joice Alegre,ang babaeng tagapagmana ng mga Alegre"- Daddy ni Dex.

"Opo"

"I know youre Parents pati ang kuya mo,minsan na namin silang nakasama sa isang bussiness gathering" patuloy ng Daddy ni Dex samantalang tahimik na nakikinig lamang ang Mommy nito, nung tingnan ko ang mommy ni Dex ay naka ngiti ito sakin kaya naman sinuklian ko din ng matamis na ngiti,dahilan para mawala ang uneasy kong nararamdaman.

"And mabait sila,tulad mo" sabi pa nito na ikinangiti ko "so kamusta ang Valentines day? Nagpropose na ba ang anak ko?" dagdag pa nitong biro at alam ko na namula ako, then narinig kong humagikgik ang mommy nya.

Waaahh! Nakakahiya! >.<

"Dad!" saway ni Dex.

"Oh bakit Dexter? Boto naman kami ng Mommy mo para kay Honey, dun din naman patungo yun hindi ba Love?" anito at bumaling sa asawa.

"Tama Daddy mo anak,nasa inyo na ang pagpayag namin, oh well I have to call youre parents ija para mapag usapan ang kasal" pag sang ayon pa nito. Jusme! Nakakaloka mga parents ni Dex! Hindi ako makapag salita nagtawanan pa mga ito huhu!

"Mom,Dad inuunahan nyo ako,but I guess tama kayo, after graduation na lang po siguro" - Dex.

Napalingon ako kay Dex ng wala sa oras, tingnan mo tong hunghang na to! Hindi pa nga nagpopropose nakisakay na sa planong kasal, kaloka!

-----

Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay kasama si Dex, inihatid kasi nya ako, at mukhang wala pa din naman si kuya Nathan.

"Ikaw baliw ka ah? Kasal na agad wala pa ngang propose" sabi ko sa kanya habang nakatayo kami sa harap ng gate.

"Ganon talaga babe,bakit ayaw mo ba? Tama naman sina Dad,dun din punta natin, lalo na at madalas tayo mag ganun,baka mabuntis pa kita" sagot nito sakin.

Nanlaki bigla mata ko at naihampas ko sa kanya yung pouch ko.

"Anung mag ganon? Waahh! Hindi ka na nahiya!" sabi ko ng ganyan,alam ko pulang pula na ako dahil sa hiya,at ang impakto humagikgik lang, grr!

"totoo naman ah? Maganda na yung handa" naka ngisi pang sagot nito. Sa inis at hiya ko ay tinalikuran ko sya at akma na akong papasok sa loob ng gate ng hawakan nya kamay ko at iharap nya ako.

Wrong move,dahil pagharap ko labi nya ang sumalubong sa labi ko. Halos matanggal na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito. Nakakaasar dahil kahit ilang beses ko ng maramdaman ito ay hindi pa din ako masanay sanay.

"See you tom sa school babe,goodnight and dream of me" ani Dex ng maghiwalay ang mga labi namin at dumiretso na sya sa kotse nya at pinaharurot ito palayo.

Napangiti at napahawak na lang ako sa aking labi.

Haaayy! Napaka perfect na Valentines day for me ^__^

With that thought masaya akong pumasok sa loob ng bahay.

A/N ~ Sabi ko short story to at hanggang chapter 15 lang,but I changed my mind, subukan ko pa itong palawakin at pahabain, sana po suportahan nyo ako :))

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon