Chapter 4.
--
"Yow! Girls!" bati samin ni Bryle then tumingin kay Pipay.
"Im one of them,so dont give that look" taas ang kanang kilay ni Pipay ng banggitin yan, nag smile lang at peace sign si Bryle then itinuon na nya ang atensyon kay Dex, busy nga lang ito kakapindot sa cellphone. Kaasar lang! :/
"tara sa cafeteria" yaya ni Brian at sumunod na kami dito,habang naglalakad palihim kong sinusulyapan si Dex.
Sino kaya katext nun? Hayst.
Ng marating namin ang cafeteria,agad kaming bumili ng makakain, then nag start na din kumain.
"Napadaan ba sa building nyo si Kevin?" umpisa ni Dex,syempre nagpasikat ako.Ako ang sumagot haha!
"hindi eh,bakit? Si Arvin nga din biglang nawala eh"
"ang weird ng dalawang yon,hindi talaga pwedeng magsama laging may gyera" si Dex.
"malamang,3 years na silang ganyan eh, kaya imposibleng pagsamahin" ako ulit hihi! Hindi ko muna hahayaan ang kahit sino na mag interrupt samin,tutal kaming dalawa na lang talaga ang nag uusap dahil tahimik na kumakain ang mga kasama namin haha!
Sasagot na sana si Dex ng may biglang sumingit samin, napaka good timing nya infairness!
"Hey Honey,Ira and Pips" anito at nilingon namin. It was Prinz Altamerano, ang escort ng room namin, he was one of the craziest guy na nakilala ko, walang papantay sa kabaliwan nya!
"oh,anong meron?" - Pipay
kumindat muna ito kay Pipay bago sumagot.
Haha! See? Walang pinapatawad,ni hindi man lang inisip na may iba kaming kasama? Umismid lang ang baklang Pipay,sa lahat ata ng gwapo kay Prinz lang sya hindi nagkagusto. Nakakapagtaka.
"nakita ko si Arvin kasama si Kevin kanina paalis nagmamadali, may affair ba ang dalawang yon?" - Prinz
Lahat kami nanlaki ang mga mata at literal na napa nganga sa sinabi nito. Hindi namin naisip yung ganung posibilidad,though medyo may napapansin nga sya.
"Sigurado ka ba dyan bro? San mo nakita?" sabi ni Brian ng makabawi siguro sa pagka shock.
"Oo naman bro! Sa parking,parang ang sweet nga eh" kampanteng sagot ni Prinz, wala siguro sya idea na pinag isip nya kami lalo ng bongga.
Sakto naman dumating ang kambal,si Jiian at Angel at niyaya na din namin kumain, nagpaalam na din si Prinz, pupunta na daw sya sa classroom.
--
wew! Pagod na pagod kaming dalawa ni Ira matapos ang practice ng sayaw, nag start na kasi kami para naman may mapagka abalahan na din, tutal ito na ang last year namin sa Pep squad.
Matapos kami maligo at makapagpalit ay lumabas na kami ng gym para maka uwi na. Hindi din namin mahagilap si Pipay lalo na si Arvin! Hay nako!
Syempre kwentuhang wagas kami ni Ira habang naglalakad, then pagliko namin papunta sa gate may napansin ako bigla at napahinto ako.
"diba si Dex yon?" turo ko kay Ira, nasa may bandang dulo ng parking iyon, may kahalikan itong babae. Medyo nakaramdam ako ng ibayong selos at inis. Pero ano bang karapatan ko diba? Wala naman.
"oo nga noh? Tss! Akala ko pa naman his different" - Ira.
"tara na!" dugtong pa nito at hinablot pa ako at naglakad na kami hanggang makalabas sa gate ng campus.
"girl,mauna na ako ah? Text me when youre home" ani Ira ng makasakay sa jeep, tango lang ang tugon ko kasi hindi pa din mawala sa isip ko yung nakita kanina.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~
Teen Fictionbasahin nyo na lang xD Side story toh ni Honey at Dex ng Just Believe =) dito naten alamin ang love story nila :'>