Chapter 10
-----
"so ano na?" sabay sabay na sigaw nina Ira at Pipay nung nasa kwarto na kami. Tulad ng sinabi ko, dito sila matutulog,sayang nga lang at wala si Angel, ang kj kasi ni Jiian, mawawalan daw sya ng taga luto?! Duhh? Ginawa naman nyang tagaluto kakambal nya,timang din yon eh.
Umupo ako sa kama bago magsalita, halatang excited ang mga gaga dahil kitang kita sa mga mata nila,daig pa ako eh.
"yon na nga,biglang naging kami ng hindi inaasahan,after nung may unang mangyari samin" sabi ko at saka kinain ang pringles na dala namin.
Tumaas ang kilay ni Ira sa sinabi ko, I know isa sya sa magbibigay ng violent reaction.
"gaga ka! Anong pumasok sa isip mo at nagpaganun ka kay Dex?!" - Ira habang kumuha na din ng pringles.
"Hindi ko alam,mahal ko eh,wala naman ako pinag sisihan,its just that.. I dont like the idea na kami,dahil lang may nangyari samin" pag amin ko,alam ko namang sila lang makaka intindi sakin ngayon.
"mahal mo? Mahal ka ba nya? Ingat ingat ka ning,baka mabuntis ka nyan"- Ira. Tahimik na nakikinig lang si Pipay samin na kumakain din ng pringles.
"Oo, yun nga eh,he never said that he loves me,pero lagi nyang sinasabi na Sa kanya lang daw ako, hayst ang hirap ng ganito,one sided love" sabi ko pa, pero nanahimik na si Ira at parang may malalim na iniisip.
"hoy Ira!" untag ko sa kanya.
"for the meantime,yun na lang muna panghawakan mong salita nya, hindi ka naman nya siguro papabayaan,basta when it comes to doing 'IT' konting ingat kung gusto mo maka graduate" seryosong sabi ni Ira sakin.
"oo naman noh! Hindi naman siguro gugustuhin ni Dex na maging maagang ama" sagot ko.
"gumamit ba kayo ng proteksyon?" - si Pipay yan, green minded kasi to eh,nabubuhay ang dugo at kalamnan pag ganito na usapan. Iling na lang sinagot ko.
"OMG! Grabe ka bakla! How does it feels? Ilang beses na may nangyari??" exagerated pang dagdag ni Pipay. I told you,buhay na buhay sya pag ganyan.
"hindi ko alam" nahihiya ko pang sabi,hindi din talaga kasi ako sanay sa mga ganito."at hindi ko na din mabilang" dagdag ko.
Nagulat na lang ako ng sabay nila akong hilahin sa buhok.
"aray! Bakit ba?" -ako.
"bruha ka eh!" si Pipay.
"napapadalas ah?" si Ira.
"hindi ko din alam! Basta pag hinalikan na nya ako nanlalambot na ako,mabilis gumuguho depensa ko, ganun kalakas epekto nya sa akin,ganun ko sya kamahal! Palibhasa hindi pa kayo nagmamahal" sabi ko pa na ikina kunot ng mga noo nila.
"hindi totoo yan" - Ira.
"sinungaling" - Pipay
"ha?" taka kong tanong. May mali ba sa sinabi ko? Ang labo din kausap ng mga gagang to eh!
"nainlove na ako no!" kinikilig na sabi ni Pipay at humiga pa sa kama ko at niyakap ang throw pillow ko.
"kanino naman?" sabay na sabi namin ni Ira.
"kay Bryle" diretsong sagot nito,bigla hinablot ni Ira si Pipay na ikinatawa ko.
"Pakyu ka Effifanio! Walang sulutan!" nanlalaki ang mata ni Ira ng sabihin yan. Tingnan mo nga naman,mukhang sila din ang magkakatuluyan ni Bryle.
"Char lang teh! Ang bayolente mo! Dapat hindi ka sa pep squad eh! Dapat sa taekwando o judo ka eh! Si kevin ang type ko at alam nyo yan!" sabi ni Pipay, pinili ko na lang na wag magreact. Dahil panigurado once na masabi ko sa kanila ang tungkol kay Arvin at Kevin kakalat agad yon. At ayoko naman ng ganun.
Nasa ganun akong pag iisip ng may mag doorbell.
"may inaasahan ka bang bisita?" sabi ni Ira. Tumayo ako at umiling, lumabas na ako ng kwarto at sumunod sila sakin.
Paglabas,nakita ko si Dex sa gate na ngiting ngiti. Ang gwapo talaga ni gago,nakaka inis xD
May dala na naman syang maliit na bag,panigurado dito na naman ito matutulog. Pinatuloy ko sya, pumunta kami sa living room, kina kausap sya ng dalawa habang ako ay naka upo lang at nakikinig.
"kumain kana ba?" tanong ko sa kanya. Buti na lang talaga at wala pa si kuya,kung hindi,deads ako malamang.
"hindi pa eh,gutom na nga ako" sagot ni Dex at umusog pa talaga sa tabi ko at inakbayan ako. Ang bango shit!
Kita ko naman kung pano ngumisi ang dalawang bruha samin, alam ko tumatakbo sa utak nila!
"Honey,antok na kami,una na kami sa taas" paalam nila at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko. Alam ko naman mga iniisip nila.
"mabuti pa nga!" pahabol na sigaw ni Dex sa dalawa,nilingon lang sya ng mga ito at nag dirty finger sign,tumawa lang si Dex. Gawd! Pati pagtawa nya parang napaka perfect!
"tara na,dun tayo sa guest room nyo magkainan" bulong sakin ni Dex na sinundan ng pilyong ngiti. Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko papunta sa aking pisngi. Takte talaga! Nagiging abnormal ang sistema ko pag kasama ko talaga ang lalaking to!
"youre blushing Babe" tukso pa nito. Gggrr!
"tse! Tara na nga inaantok na ako" sabay tayo ko at nagpatiuna na papunta sa living room. Tawa lang ang sinagot ng timang na yon.
Yung totoo? Retarded ba boyfriend ko? >.
A/N ~ Pasensya kung maikli po :( medyo nawawalan ako ng gana eh,may nagbabasa naman pala pero wala talaga comment :| wait nyo na lang po ang next update :)
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~
Ficção Adolescentebasahin nyo na lang xD Side story toh ni Honey at Dex ng Just Believe =) dito naten alamin ang love story nila :'>