YAMD 05

927 37 0
                                    

Chapter 05

----

Monday@St.Adams Univ.

I was walking steadily,not minding the people around me,lutang ang isip ko eh, bakit lagi nagkakaganun kaya? Last friday diba nag over night ang mga bruha samin? Nag over night ulit sila nung saturday, syempre wala si Angel.

Puro Bryle and Kevin ang topic namin,seriously? Crush talaga ni Pipay si Kevin? And hindi ko din pansin na may lihim na pagtingin din pala itong si Ira kay Bryle ah? Such a good keeper!

Syempre bago makarating sa building namin,madadaanan namin ang Engineering department, hindi ko man sinasadya, pero nakita ko ulit si Dex with that girl again! Damn! Wala na! Ititigil ko na talaga pangangarap ko.

Dali dali ako pumunta sa building namin,sakto pagpasok ko sa room wala pang prof at kanya kanyang daldalan mga classmates ko ^^,

Inayos ko gamit ko at inilabas na ang libro para makapag advance reading. Deadma muna sa mga tropa ko, kelangan ko din naman mag aral noh!

Siguro mga 20 minutes na din ako sa pagbabasa ng mapansin kong may humahagikgik sa bandang kanan ko. And nung tingnan ko, it was Arvin! Busy sa kakapindot at humahagikgik? Sinong katext ng baliw na to?

At dahil may pagka tsismosa ang lola nyo, pasimple kong tiningnan kung sino katext nya.

BINGO!

Hindi ko nakita! Biglang dumating ang prof namin! Psh!

Palihim kong kinuha ang phone ko at nagtext.

To: Pipay;Angel;Jiian;Ira

Anung nangyayari kay Arvin? We need to know! Look at him! o.O)

Message Sent!

Lumingon nga ang mga ito kay Arvin,then lumingon sila sakin at tumango bilang pag sang ayon! Hihi Im so clever! XD

Lunch break at sabay sabay na kaming nagpunta sa cafeteria,nandun na sina Dex,Bryle,Brian at Kevin.

Medyo naiilang na ako sa presensya ni Dex at narealize ko din na para na akong tanga na gustong gusto sya ay may girlfriend naman pala, thank god at hindi pa sya nagtetext mula nung hingiin nya number ko.

After kumuha ng pagkain,nagkanya kanya na kaming pwesto ng upo sa hapag, masaya silang nag uusap,pag kinakausap ako sasagot ako, pag kailangan tumawa,makikitawa ako. Nahuhuli ko pa si Dex na nakatingin sakin, iiwas agad ako ng tingin.

Syempre hindi ako nakaligtas sa malakas na pakiramdam ng kambal, I can see them sa gilid ng mga mata ko na nakatingin at nakataas ang kilay.

Oh well,Alam naman na ni Angel yung tungkol kay Dex, pero sa tingin ko nagtataka din sila kung bakit medyo aloof na ako kay Dex hindi tulad nung una.

Ewan ko din sa sarili ko, I know I dont have to act like this dahil in the first place, hindi nya alam na gusto ko sya, second wala ako karapatan mag selos. Pero masisisi nyo ba ako? Ewan basta naguguluhan din ako! Help me :(

Ng uwian na, binanggit ko kina Ira,Pipay,Jiian at Angel ang plano bout Arvin. And guess what? Tumanggi silang samahan akong mag imbistiga! Napaka supportive nilang kaibigan grabe!

Dahil nga Im so clever, ng umalis na si Arvin ay palihim ko syang sinundan. Gosh! Ang bilis lang nya maglakad! Tuloy tuloy hanggang sa labas ng campus!

Maya maya may tumawag kay Arvin sa phone.

"Okay! Sige sa mall tayo magkita sa shakeys"- Arvin.

Oh! Sosyal ng kaibigan ko diba? May ka meet? Pa eyeball eyeball na lang. Sumakay ng jeep si Arvin at sumakay din ako sa sumunod na jeep then I texted kuya na malelate ako ng uwi dahil may pupuntahan lang.

Ng nasa mall na ako,agad akong nagpunta sa shakeys at pumwesto sa hindi ako mapapansin.

Naka upo lang si Arvin at nagtetext, maya maya may lumapit na lalaki sa kanya.

OMG! Si KEVIN!

Literal akong napanganga ng halikan ng smack ni Kevin sa lips si Arvin. Mga walangya,hindi man lang inisip na maraming nakakita sa kanila.

"So, the rumors are true"

napalundag naman ako sa gulat sa nagsalita. Ng lingunin ko si Dex!

"anong ginagawa mo dito?" cold kong tanong sa kanya.

"naka tanggap ako ng text kay Jiian, iimbistigahan mo daw si Arvin" - Dex. At umupo na sa harap ko.

JIIAN! ANG DALDAL MO! Grr!

"ah eh," wala ako maisagot. Bigla ako nakaramdam ng gutom.

"kumain ka na ba?" iling lang sagot ko. "okay,order lang ako" dugtong pa niya pero pinigilan ko sya.

"why?" -Dex

"baka makita ka nung dalawa? Maya na lang tayo kumain pagka alis nila" alangan kong sagot, ngumiti lang sya.

"hindi yan, akong bahala" ani Dex at isinuot ang cap nya at pumunta na sa counter para mag order.

Palihim ko namang tiningnan ang pwesto nina Arvin at Kevin.

Ang galing! Nawala sila bigla!

Si Dex naman ang tiningnan ko na busy sa pag order. Hayst, if he keeps on getting closer and closer to me,baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Hayst! Hindi dapat! Kahit na pangarap ko talaga na maging akin sya at makasama sya. Pero mukhang malabo, andyan ang girlfriend eh :/

"hey! Tulala ka na" nakabalik na pala sya. Inilipag nya ang pagkain then I started eating ng hindi sya kinakausap. Gutom na talaga ako!

"dahan dahan" biro ni Dex sakin at sinagot ko lang sya na gutom ako, bumungisngis lang sya.

"about dun sa nakita natin,ano plano mo?" - Dex

nagkibit balikat ako bago sumagot.

"wala,pabayaan ko na lang,kunyari wala ako alam,pati dapat ikaw, pabayaan nating sila magsabi satin" sagot ko at itinuloy ang pagkain.

"sa bagay tama ka" pag sang ayon ni Dex at saka ngumiti.

Tang ina lang! Parang nanlambot ang tuhod ko sa ngiting yon!

Syempre,hindi ako dapat magpahalata,ako na mag start dumakdak para may mapala naman ako haha!

"uhm Dex, dont you find it odd? May girlfriend ka pero ako kasama mo, baka magalit yon" mahinhin kong sabi hikhik >:D

Parang nagulat naman ito sa sinabi ko,kitang kita sa mukha eh!

"diba sabi ko sayo wala ako girlfriend" sagot nito.

Sinungaling talaga! Sa ganyan nya siguro nauuto mga naging girlfriends nya? Ay! Sorry masyado na ako naghuhusga. Pero dapat ko bang sabihin yung nakita ko?

Para ano pa? May karapatan ka ba? Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

Hayst! Oo nga naman.

"uhm,okay sabi mo eh" nasabi ko na lang. Ayoko na magsalita,baka madulas pa ako.

"you dont believe me,dont you?" - Dex.

Sasagutin ko ba? Hmm.. Hinga ng malalim Honey, go! Kaya mo yan!

ITUTULOY . . .

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon