Chapter 2

517 11 8
                                    

Nabalitaan ng buong III- Newton ang kabulastugang ginawa ni Ruth at Rona ngunit wala ni isang nagtangkang kalabanin ang dalawa dahil alam nila ang kayang gawin ng mga ito.Maliban…

“Hoy ugat! Ano nanamang ginawa mo ? Wala namang ginawa sau si sir ah !” bulyaw ni Marielle kay Ruth.

Tanging siya lamang ang kakayang labanan  sila Ruth dahil maimpluwensiya din ang mga magulang niya.

Nakangiting nilingon ni Ruth si Marielle ngunit sa loob loob niya ay sinasakal na niya ito sa galit.

 “Omg! Marielle are you that stupid na hindi mo man lang  maipronounce ng maayos ang name ko?? uhhh sooooo bobo!”

“f.y.i.wag mo akong baliktarin RUTH ikaw nga ang puro bagsak ang grade ! By the way bakit mo nga ginawa yun? Alam mo ba na dahil sa mga kagagahan mo ilang English teachers na ang sumuko sa atin. Hindi ka ba nagsasawa na every year iba teacher natin?!” banat naman nito.’Sa isip-isip niya’y kaya lamang hindi natatanggal si Ruth sa sectiong iyon ay dahil sa daddy niya.

“oh come on Marielle, umaalis sila coz they are not suited for our curriculum they are soooo BOBO! You know what?  Sir Ian is soo funny kahapon! Ewww! He looks so gay takot na takot sa haunted floor na yun ! Wala namang kakaiba! If you only saw his expression matatawa ka talaga! whhahahahahaha ..Nakanganga lang sya at nanginginig habang nakatitig sa kawalan all the time!! Stupid teacher whahaha!” sambit ni Ruth habang naglalakad paalis

Napailing na lamang si Marielle habang pinagmamasdan ang umaalis na si Ruth.

Marielle’s POV

Nakakainis talaga yang Ruth na yan. Masyado siyang demonyita!

Kawawa naman yung mga teachers..

Pinapahirapan niya na lang lahat para mag quit!.

Paano na lang kung kelangan talaga nila ng trabaho?

…tsk…tsk…tsk….

May araw din siya!

 --

“Marielle!”

Nilingon ko ang tumatawag sakin  at nakita ko sila Theresa at Alyssa na kumakaway habang naglalakad papalapit sakin. Nginitian ko naman sila.

“hi guys!” bati ko

“bat pinatulan mo nanaman yung impaktang yun?Alam mo namang never na magtitino yung mga ganong klaseng maligno eh!” bulalas ni Theresa

“wala lang, kasi naman dinala nila si sir dun sa haunted floor yung…. dressing room. Kung anu anu pinaggagawa napagalitan tuloy si sir ng dean. Mamaya iba nanaman teacher natin…..sawang sawa….na ako…..ang hirap…ng ganito” pabulong  kong sabi.

“ha? Binubulong bulong mo dyan??”pag uusisa ni Alyssa.

.Nabalik naman ako sa katinuan

“ah ehhh hehe wala …wala… tara lunch na tayo”

SA CANTEEN

English na ang next class namin …..

wag naman sana…

uhhh ..nevermind!

Kakain nalang kami at kakalimutan ko na ang mga bagay bagay na hindi ko naman dapat pakialamanan.

“waaaaaah! Kakain na ako.. kakain na sa wakas! I love foods talaga..so awesome.. whahaha” mukhang tangang sabi ni Theresa habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahelera sa kanyang mesa na wari’y naman ay may piyesta.

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon