Chapter 4

333 6 2
                                    

* continuation*

" Hello.."

Mabilis akong lumingon upang makita kung sino ang nagsabi nun pero wala akong nakita .

Kahit bakas man lang ng nantitrip  eh .. WALA ..

Dahil dun, lalo akong kinilabutan.

Sino ba namang hindi?

Eh mag-isa ko lang dito.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin.

" Psh . Ang ganda ko pa rin kahit natatakot .." bigkas ko sa sarili .

Akmang lalayas na ko sa nakakatakot na studio na ito ng may malakas na pwersang nanghila sa akin at mabilis akong inihampas sa pader.

Parang may kung anong nabali sa aking likuran.

Pinilit kong tumayo ngunit bumagsak lang din naman ako.

Napuruhan yata ako.

Powtek . Masama ito!

Dahil sa sobrang pagpa-panic ko,sinubukan ko ulit na tumayo at pahirapang lumakad.

"Hoy kung sino ka man lumabas ka na ! Leche ka! Hindi magandang biro to! Tignan mo ginawa mo      ha ! Napuruhan ako!  Leche . Sakit ng likod ko!! " pagrereklamo ko.

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon