Chapter 17

186 4 5
                                    

>>>Author's Note<<<

                        Try niyo pong basahin ung mga story niya. Ung ang kwarto sa may hagdan.That story is ONE of our inspirations. PLEASE, continue supporting our story.^_^

Marelle’s POV

Sabi ni Kiara nagpatawag daw ng meeting si Chen.Ano nanaman kaya ang plano nun? Malamang may binabalak nanaman un.Pero bakit ganun? Parang kinakabahan ako sa gusto niyang gawin. Hindi naman niya siguro kami uutusang pumatay no?

“Marelle!” tawag sa akin ni Star

Ai! Ano ba namang iniisip ko. Oo may pagkaweird si Chen pero hindi naman sapat na basehan un para pagduduhan ko siya.Maka punta na nga sa meeting place para malinawan baka may sasabihin un.

“Dan, Star tara na!” tawag ko sa aking dalawang kaibigan

“Ikaw na nga lang inaantay eh, makayaya ka ha.”  Si Dan talaga kahit kalian tsk

Habang naglalakad kami, may babaeng naglalakad papunta sa amin. Familiar siya.Parang nakita ko na siya, hindi ko lang alam kung saan at kalian pero may kamukha talaga siya.

Nilingon ko ang dalawa kong kasama at mukhang wala silang pakialam sa mundo dahil busy silang sa pagiisip kung ano ang sasabihin ni Chen.

Papalapit…

Siya…

Ng…

Papalapit…

Sa amin…

At unti-unting narerealize ko kung saan ko siya nakita. SIYA NGA UN.

Napatitig ako sa kanya habang siya ay dahan-dahang lumalagpas sa akin.Mukang napansin niya ito ang mariing sinulyapan ang aking mga mata.Bakas na bakas sa akin ang magkagulat  at parang may kung anong nakakakilabot na pakiramdam ang bumalot sa aking katawan.

Pero bakit? Hindi naman siya multo o kung ano man.

Sigurado akong tao siya at SIYA ang nasa litratong iyon.

“Marelle, nagtataka na talaga ako sayo.Lagi kang tulala.Ikaw yung pumapatay no?” pagbibiro ni Star

“Ha?! Star! Hindi magandang biro yan ha.Wag mo na ulit yan sasabihin.”may haong inis na sumbat ko

“Sorry L”

End of POV

Someone’s POV

Naninibago ako sa muli kong pagbalik sa paaralang ito.Ilan taon na rin ang nakalipas ng huli akong makatutuntong sa MSU.Hindi naging maganda ang pamamalagi ko sa paaralang ito.Maraming hindi magandang nangyari sa akin.

Sa amin…

Hindi ko na sana gusto pang tumuntong muli dito subalit ilang taon din akong nanahimik at tila may isang presensiyang tumatawag sa akin upang muling balikan ito.Hindi dahil sa gusto ko kundi KAILANGAN.

Sa aking paglalakad ay may nakasalubong akong tatalong babae at ang isa sa kanila ay hindi ko gusto ang pagtitig sa akin. Ang ganoong tingin.Alam na alam ko iyon. Kilala kaya ako ng isang ito? Ngunit paano? Nararamdaman kong may nalalaman siya tungkol sa akin.

Sa paglagpas ko sa kanya ay nasulyapan ko ang pagpapago ng kanyang epresyon.

GULAT

Mukang biglang niyang naisip kung sino ako. Pero wala akong panahon upang alamin ang nalalaman niya.Isa lang ang ipinunta ko rito. Un ay ang…

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon