Chapter 10

207 2 1
                                    

>>AUTHOR'S NOTE<<

              Okay muli kaming nagbabalik para maghatid ng kadiliman at kababalaghan sa inyong mga tahimik na buhay.Maiksi lang ito pero sana matripan niyo. Don't forget to vote, comment or promote!

Matagal din kaming nanahimik kaya muli  WELCOME TO HELL!

SIMULAN NA.....

“MArielle’s pov

“WHAHAHAHAHAHAHAHA TENÍA SEIS MÁS SIN NADA QUE HACER!”at biglang lumakas ang hangin. Nagkatinginan kaming tatlo ng biglang bumagsak ng isa isa ang bawat shelf sa loob ng library.

“AAAAAHHH!!” sabay sabay naming sigaw. Yakap yakap kami ni sir IC habang hawak naman ni jesse ang kamay ko.

Pumapailanlang ang boses niya. Nagsisiliparan ang bawat papeles sa silid at nagulat kami ng biglang bumukas ang pintuan kung saan nananatili ang librarian. Ang LIBRARIAN. Nakaupo sa kanyang upuan, mulat ang mga mata ngunit wala na itong buhay. Laslas ang leeg niya at hawak- hawak naman ng isang imahe( hindi ko maaninag ang mukha ng dahil sa puti nitong damit na may bahid ng mga dugo ay natatamaan ng sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng silid) ang kanyang buhok. Nakatitig ito sa kanya at unti unti nitong hinahawakan at hinuhubog ng kanyang matutulis na mga kuko sa namumutla nitong mga mukha.

“Tama Na!!! Manahimik ka na!!” sigaw ko at tumingin siya sa akin. Ang mga mata niyang mapupula at nanlilisik sa sobrang galit. Nakita ko na ito noon..

“NO PUEDES HUIR DE MÍ!! NO PUEDES HUIR DE LA MUERTE!!”

“wala kaming maintindihan! Wala kaming nalalaman sa sinasabi mo! Gusto lang naming ng tahimik na buhay!!” ako

Matapos kong isigaw ang mga ito unti-unting huminahon ang paligid at nakita kong nakatayo sa aking harapan si ATE ELLEN, pero bakit? Hindi ba’t siya ang babaeng nagsasalita ng ibang lenggwahe kanina? Hindi ko maintindihan ano ang nangyayari. Naramdaman kong tinawag ni Jesse ang aking pangalan na may halong pag-aalala at ang panghihina.

“Wag kang bibitaw” sambit niya habang dahan-dahang hinawakan ang aking mga kamay at kaming tatlo’y nawalan ng malay.

….riiiiiiiiiiiing riiiiiiing riiiiing…

Napabalikwas ako ng gising ng marinig ko ang bell. Teka bell? Luminga –linga ako sa aking paligid at nakita ko sa aking kanan si Jesse na nakaubob sa isang librong hindi ko mawari kung tungkol saan at sa aking kaliwa naman at si Sir IC na tila nananaginip ng masama? Ano ang nangyari? Paano kami napunta rito? Ginising ko silang dalawa.

“Jesse, Sir nagbell na po.” Tawag ko sa kanila

“Ah tara na sa klase.” Malumanay na sabi ni Sir habang tumango lang si Jesse na parang walang nagyari kanina.Nananaginip lang ba ako.

“Sir, Jesse naalala niyo po yun….” hindi ko naituloy ang sinabi ko dahil biglang nagsalita si Sir

“Hindi na natin dapat pag-usapan iyon baka dahil masyado tayong nakikialam kaya’t gingambala nila tayo.

“Pero Sir kailngan lang nila ng kapayapaan, maatim pa ng konsensiya mo  na magpatuloy ang mga patayan dahil takot kang madamay?”

“Pero-“

“Sir, sige wag na nating pag-usapan subalit nais ko paring ituloy ang mga plano”

“Ku-kung  sa-saaama ka a-ako din” nanganagtal na sagot ni Jesse kaya nginitian ko siya

Napabuntong hininga na lang si Sir at

“Sige, ituloy natin hindi ko kayang iwan kayong dalawang bata. Pasensiya na.”

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon