Chapter 16

167 3 4
                                    

*Author’s note*

Para sa ikasasaya ng lahat at para makabawi na rin.. XD . dalawang chapters na nga! Huwag kayong magtaka kung maraming characters. Batch 2013 nga e. Magtaka kayo kung iisa. Hahaha. PEACE.^3^V . Pero di nga, hayaan niyo na lang, maiintindihan niyo rin. Oh sige na. basahin niyo na. haha.Pakapalan na ng mukha ha? Hatak naman kayo ng fans para maging inspired kami.. XD..Pasensya din sa mga mali.. hehe

ok guys, THE GATE IS NOW OPEN TO THOSE WHO ARE CURIOUS AND WANTED TO SEEK THE TRUTH. IF YOU’RE ONE OF THEM, THEN

WELCOME TO HELL!

Marielle’s P.O.V

Isang linggo nanaman ang dumaan. Walang pasok, at halos ayaw ng bumalik pa ng mga estudyante sa pagpasok sa eskwelahang iyon. III- Newton. Tama.  Ang lahat sa amin ngayon ay binabalaan na. Mukhang iniisa- isa na nga kami..

Sa oval natagpuan ang bangkay niya. Karumal- dumal ang sinapit niya.. Pero sa mga nakita ko.. ang pagkamatay ni Florence.. ang pagkamatay ni Jester.. lahat ito ay hindi gawa ng isang multo. Kagagawan ito ng nilalang na may buto’t laman, ngunit walang puso’t kaluluwa. Tama. Tao nga ang pumapatay. Pero bakit? Anong naging kasalanan namin? Anong naging kasalanan niya?Anong kaugnayn niya kay ate Ellen?at bakit--- Bakit hindi ko siya nagawang tulungan? Masyado akong naging kampante ng malaman kong maayos si Alyssa. Si Jesse naman ay kaagad ding nagpaalam sa aking umuwi sakay ng motor niya. Bakit ba natakot akong pumunta sa school? Bakit ganito kasakit tanggapin ang katotohanang wala na siya?

“Hoy marielle!”

“H- ha?”, pagbabalik ko sa ulirat. Si Theresa pala.

“Haay naku! Tulala ka nanaman!”- Theresa.

“Nagkaganyan lang naman yan simula noong mamatay si Jester eh. Alam niyo na. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.” Sabi ni Alyssa na nag sign of the cross pa. “Aray!” sigaw niya ng binatukan siya ni Theresa.

“Alam mo parang di ka apektado! Ikaw ba ang killer?” seryosong tanong ni Theresa. Baliw talaga.

“Hoy ikaw Theresa wag mo akong simulan sa mga ganyan ha! Dahil alam naman natin na sa ating tatlo, kayong dalawa lang ni Marielle ang may motibo para gawin yun!”, sigaw ni Alyssa.

“Grabe ka naman! Kahit naman nagbreak kami ni Jester, hindi naman dahil yun sa pambababae or whatsoever. Alam mo namang, bigla na lang naming narealize na kalokohan lang ang pinag-gagagawa namin habang kami pa. Mukha nga lang kaming naglalaro e.”,sagot naman ni Theresa.

“Kung hindi ikaw.. edi si…” at nilingon nga nila akong dalawa..

Potres! Mga siraul to ah!

“Hoy! Napagbintangan na ako dati ng ganyan! At hanggang ngayon, sinasabi ko sa inyo. Hindi. Ako. Ang. Pumatay! Magkasama kaya tayo nun Alyssa!”, sigaw ko.

“ Ay oo nga pala. Churi..hehehehe”—Alyssa

“ Atsaka siya nga ang ating manananggol diba? Dahil may super powers siya. Psychic!”, sabi naman ni Theresa.

Yes, nasabi na nga sa kanya ni Alyssa ang tungkol sa kakayahan ko. At bilib na bilib naman siya sa mga nalaman niya. Ang hindi niya alam, halos masakal ako ng guiltness na nakatali sa leeg ko sa tuwing napapanaginipan ko ang mga bagay na tulad nun, at wala man lang akong magawa para pigilan yun.

“Ehem!”

Napalingon naman ako kay Alyssa.

“Ay sorry. Hindi lang kasi talaga mawala sa isip ko.”, sabi ko sa kanya. Natulala nanaman pala ako.

“ Ay hindi naman ako nag- ehem dahil sa pagkatulala mo dyan e!”- Alyssa

“Yun oh”, at nginuso pa ni Theresa ang nasa pinto.

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon