Chapter 14

200 6 6
                                    

>>>Author’s Note<<<

            Eto mahaba na ang update pambawi namin sa isang page na update last last time haha.Salamat po sa patuloy na pagsuporta kahit once in a blue moon ang pagupdate naming hehe. Di bale next week baka medyo mabilis ang update dahil walang pasok haha. AT  NGA PALA

MAGHAKOT  PA  PO  KAYO  NG  READERS! HAHA

JOWK!

Tandaan….

JOKES ARE HALF MEANT WAHHAHAHAHA…..

OH SIYA BASA NA!

WELCOME TO THE WORLD OF DARKNESS AND  MYSTERIES!

Jester’s P.O.V

Kanina pa tapos ang test naming sa Advanced Physics, nagksakit kasi ako kaya may special exam ako. Gabi na pala, 6:30 na. Tingin ko’y wala na ring ibang tao maliban sa akin. Tumakas kasi ako sa guard. Di niya alam na bumalik ako pagkatapos niya akong paalisin kanina. Bakit nga ba ako bumalik? Malapit na kasi ako sa bahay nun sakay ang MOTOR ko ng bigla kong maalala na may binili pala akong palabok para kay Little sis. Ni- ready ko na yun para kung sakali mang magabihan ako, eh hindi siya magalit sa akin at pagsarahan ako ng pinto. May topak pa naman yun.

Nakarating na ako sa parking space sa school at ngayon nga’y nasa harapan na ako ng motor ko. Kukunin ko na sana ang susi ng motor ko sa bulsa ng jacket ko ng—

“Teka! Nasaan na ba yun? alam ko dito lang yun e.” sabi ko habang patuloy ako sa pagkapa sa bulsa ng jacket ko, maging bulsa ng pantalon ko.

“Lagot ako nito kay Honey eh. Tsk.” Sabi ko. Patuloy pa rin ako sa pag- hahanap ng susi ng motor ko. Maging sa ilalim ng motor ko ay tiningnan ko na rin. Baka sakaling nahulog. Teka— at tumayo na nga ako mula sa pagkakaluhod.  Di ko kaya naiwan sa locker room?

“Tsk. Patay!”

“Patay talaga!”, rinig kong sabi ng isang boses galing sa likod ko. Hinarap ko ang nagsalita pero naramdaman ko na lang na may mabigat at matigas na bagay na humpas sa ulo ko. SH*T. at tuluyan na nga akong bumagsak.

“Hoy! Gumising ka na dyan!”, sigaw ng isang boses.

Grabe. Nahihilo ako. Ramdam ko pa rin ang bigat ng paghampas sa ulo ko. Naalog talaga ang utak ko dun. P*TA.

“Hoy! Imulat mo na nga yang mata mo! Pasalamat ka nga’t ginigising ka pa sa huli mong pagsilay sa mundo! Hahahaha.” Lang ya. Bakit ba ang sakit ng katawan ko?

Hahawakan ko sana ang ulo ko sa sobrang sakit pero di ko magawa dahil di ko mahiwalay ang mga kamay ko. Huwag mong sabihing nakatali ako? Pilit kong binuksan ang mga mata ko at nakita kong, totoo nga. Isang napakakapal na lubid ang nakatali sa dalawang kamay ko. Tiningnan ko naman ang mahabang lubid na ito kung nasaan ang kabila nitong dulo at nakita kong nakatali ito sa motor ko.

“Ano bang--” langya talaga.

“Ano bang nangyayari? Bakit ka nandito? Sino ka? Hahaha. Wala na ba akong bagong linyang maririnig para sa mga taong ihahatid ko sa hukay?”, sabi ng taong nakaupo sa upuan na hindi kalayuan sa akin. Balot na balot ito sa kulay itim na damit at may nakasuot pa ditong helmet.

“ano bang pinagsasasabi mo?!” sigaw ko. Pinipigilan ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung paano kaharapin ang ganitong tao at ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung trip lang ba ito o…

“Ayun! Buti naman at hindi ka gaya- gaya ng linya dun sa iba! Hahaha.” Sigaw niya.

“Ano bang balak mo sa akin? Ha?! Bakit di mo tanggalin yang helmet mo?! Huwag kang duwag!!”, pilit kong sigaw.

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon