Kinabukasan…
IC’S POV
Habang naghahanda ako sa pagpasok sa MSU ay isang karumal dumal na balita ang aking napanood sa tv.
“Isang estudyante ang natagpuang PATAY sa loob ng DANCE STUDIO ng kanilang eskwelahan, napag alamang ang babaeng ito ay nagngangalang Florence Mendoza. Nakita si Mendoza na duguan at lasug-lasog ang katawan na ayon sa imbistigasyon ay maaring ito ay walang awang hinampas ng isang matigas na bagay ng paulit-ulit hanggang ito’y tuluyan na ngang malagutan ng hininga. Ayon pa sa mga pulis ay may isang lumang LOCKET na natagpuang hawak ni Mendoza ang tanging ebidensiyang nakita nila. Ayon sa Board of Directors ng nasabing paaralan ay magkakaroon ngayon ng pagsususpinde ng klase para sa patuloy na imbestigasyon ng mga pulis at kapanatagan ng loob ng mga magulang. Ito si Ron Dominguez nag-uulat!”
Biglang nabalutan ng pagkagulat at pagkatakot ang buong katawan ko. Dahil ang babae sa balita ay isa sa aking mga estudyante sa III - Newton…
Nagmadali akong nagbihis para pumunta sa school at makibalita...
Nang makasalubong ako ng aking tiyahin na isang manghuhula…si tita Melinda.
“Oh… IC san ka pupunta?” tanong ni tiya.
“Sa school po tiya Mel… n-nasa b-balita p-o yung estud-dyante k-o n-a- m-atay d-daw po” nanginginig na sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa sa mga estudyante kong tinuturuan araw-araw ay patay na at karumal-dumal pa ang kinahinantnan nito.
“IC bumalik ka agad. HUHULAAN kita hindi maganda ang pakiramdam ko sa aura mo, parang may nais gumambala saiyo ….mag-iingat ka …”makahulugang sambit ni tiya na naging dahilan ng pagkadagdag ng kaba sa aking dibdib.
Habang tinatahak ko ang daan patungong paaralan,naramdaman kong parang lalamunin ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero parang sa pakiramdam ko ay may kinalaman ang babaeng nagpakita sa akin sa 2nd floor ukol sa mga pangyayaring ito…
Pero ano nga ba yun??
Bakit niya gagawin yun kay Florence??
Ano ang misteryong bumabalot sa MSU??.
End of POV
Marielle’s POV
Nakaramdam ako ng takot, kaba at halo-halong emosyon ngayon. Matapos kong mapanuod ang BREAKING NEWS sa TV tungkol sa pagkamatay ng isang hindi lang schoolmate pero kaklase ko pa na natagpuan sa karumal-dumal na sitwasyon sa loob ng Dance Studio…
<<<FLASHBACK<<<
“ Yan ang napapala ng mga madaldal na tulad mo..” sabi ng isang pamilyar na boses…
Tinaas niya ang ulo ng isang babae at nagtama ang kanilang mga mata.
“Oh ano? Laro pa tayo?” muling pagsasalita ng babaeng may hawak sa ulo ng isa…
“Pakawalan mo na ako please”
Binitawan niya ang ulo nito at pumunta sa may gilid.
Pagkabalik niya ay may dala siyang baseball bat at lubid.
“Anong gagawin mo?” pag-uusisa naman ng isa…
Ngunit parang wala namang narinig ang isang babae na mayhawak na BAT at pumunta muli sa likuran nito .
Binuhat niya ang kaawa –awang babae at inupo sa isang silya .Tinalian niya ang mga kamay at paa gamit ang lubid . Pilit itong kumakawala ngunit napakahigpit ng pagkakatali sa kanaya.
“Please. Tigilan mo na ito..”pagmamaka-awa nito…
“ Maawa ka saakin..”dagdag pa nito…
BINABASA MO ANG
Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)
Mystery / ThrillerBehind every person is a SECRET… The future is always connected to the PAST… You never know who is your FRIEND… Because everybody can be your ENEMY... Every event has a REASON… Every person …. Has their OTHER SIDE….