Chapter 8

233 3 0
                                    

*Author's Note*

                     Pag pasensiyahan na po ang mga typos naiintindihan naman eh... Dapat last week pa to naupdate pero something came up......Sa mga patuloy na sumosuporta sa batch 2013 thank you so much! It's our pleasure to entertain you guys! chos! nosebleed! .....At sa mga hindi pa nagabasa MAGBASA NA KAYO. ^_^

Don't Forget to.....

Vote!!

And Promote!!

Marielle’s POV 

 “Chenalee?” sabi ko sa taong nasa bandang kanan ko. Nakasampa siya sa pader ng isang gusali at nakatingin sa kawalan.

“Oo. Ako. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?? May binabalak ka nanaman bang patayin??” sabi niya sa akin saka niya ako tinapunan ng isang makabuluhang tingin kasama ng kanyang nakakalokong ngiti.

“Ano bang pinagsasabi mo? At ano ba ang problema mo ha?? Bakit ba ako ang pinaghihinalaan mo??” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naiinis ako. Wala akong ginagawang masama.

“Ano nga ba?” umayos siya ng tayo at unti- unting lumapit sa akin habang sinasabi ang mga salitang, “Una, ikaw lang ang nawala ng mamatay siya.”

“Sino?? Si Florence?? Nahimatay ako ng panahong yun, nasa bahay ako.” Walang kaba kong sagot.

“Huh. Yeah right. Isa nanamang palusot para makaalis at ng maisagawa mo ang maitim mong plano. Pagkatapos mong patayin ang kaibigan ko, ngayon naman, ang walang kamuwang muwang na driver ang pinatay mo!!!” sigaw niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko inakalang ganito ang tingin nila sa akin.

“Ganyan ba talag kakitid ang utak mo?? Naimpluwensyahan na ba talag kayo ng ugat na yon at pati pagkamatay ng driver na yon sa akin mo pa isisisi??Hindi ako mamamatay tao.” Yan lang ang nasabi ko.

“Hindi nga ba? Ha? Marielle??.”-- Chen

“Kasama ko siya, si Jesse, siya ang makapagpapatunay na wala akong ginawang kasalanan.” Buong lakas kong sinabi. Hindi na ako matatakot, hanggat kasama ko siya.

“Si Jesse? Hahaha. Oo nga pala. Siya ang ginagamit mo para pagtakpan ang baho mo!! Diba? Isa  lang naman siyang bagay para sayo?? Mag- ingat ka! Pahalagahan mo siya! Dahil oras na makuha ko ang tiwala niya, malamang, ilalaglag ka din niya!”

“Hindi mo na kailangan pang gawin yun, dahil alam ko at alam ni Jesse, na wala kaming ginagawang masama!” sigaw ko. Halos naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko inakalang pati si Jesse ay pinag iisipan na nila ng masama ngayon. Hindi ba nila naisip? Naging magkakaibigan din kami dati.

“Wala nga ba?? Sinasabi ko sayo. Ingatan mo ang mga kakampi mo, lalong-lalo na yang alalay mo. Dahil tinitiyak ko sayo, Mawawala din siya sa tabi mo!” sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita. Umalis na din siya at iniwan ako. Napaisip ako sa mga sinabi niya. Hindi ko man ginagawang alalay si Jesse dahil sa mga pagpatay na ibinibintang lang naman nila sa akin. Pero ginagamit ko nga lang ba siya? Kaya ko nga lang ba siya pinakikisamahan ay dahil siya na lang ang natitira sa akin. Dahil maging sila Theresa at Alyssa na mga kaibigan ko ay nagawa akong iwan?? Am I being unfair?? Dapat ko na nga ba siyang pakawalan??

Ruth’s POV

Haay, Lunes nanaman. Ilang araw na ang lumipas simula ng pinagkalat kong si Marielle ang pumatay kay low class b*tch. Alangan naman ako ang masabihan na killer dahil lang sa inutos ko sa low class b*tch na Flory na yun noh. It’s not my fault kung t*t*nga t*nga ang babaeng yun. Anyway, atleast umayon ang lahat sa plano. Hahahaha. Poor Marielle.

Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon