Honeylet’s P.O.V
Antagal naman ni kuya! Sabi niya easy lang daw nya yung test sa physics pero 345576834567890098 years ko na siyang hinihintay dito sa bahay wala pa din siya hanggang ngayon! Wala pa naman sila daddy, may business trip sa Singapore. Tsk. Nabobo na ba si Kuya? O nakalimutan niya lang talaga na takot ako sa dilim?… nanatatakot akong mag- isa? Sisipain ko talaga yun pagdating niya e!
“BROOOOOOOOOOM BROOOOOOOOOOOOOM!”
Ayy teka, motor?? Baka siya na yun! Buti naman at dumating na si Kuya! Haha. Loko yun ah! 8:30 na eh. May dinaanan nanaman yung chix panigurado! Tsk. Di man lang ako naisip oh.. hay. Umuulan pa naman..
Pumunta ako sa sala, kumuha ng paying at lumabas sa bakuran. Naglakad ako papunta sa gate at pinagbuksan ito.
“Hoy kuya san---”
Pero nagulat ako ng ibang tao ang Makita ko,
“Ikaw?? Ba—bakit ka nandito??!” isasara ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang payong niya dito, dahilan para hindi ko maisara.
Bakit ba nandito ka nanaman? Ano ba talaga ang kailangan mo??
Marielle’s P.O.V
Kakauwi ko lang galing school, hinatid ako ni Jesse. Hay, hindi ko inakalang magiging ka- close ko yun. Isipin pang ganito ang sitwasyon para maging ka- close ko siya. Haha. Samantalang dati gusto ko siyang batuhin ng itlog, ibalot sa harina at itusta sa oven, tapos ngayon magkasangga na kami? Tadhana nga naman, bakit ba kasi pareho kaming pinanganak na weird??
Naalala ko nanaman tuloy si sir I.C.. haay..Ibig sabihin dalawa na lang kami ni Jesse ang haharap nito?? Bakit naman ganun si sir? Kung kailan mas kailangan naming ng karamay, dun naman siya maduduwag at mang- iiwan.
“Whaaaaaah! Kakapagod na talaga!!!!” sigaw ko.. problema na nga ang pag- aaral, problema pa rin ang mga kababalaghan na yan!!! makatulog na nga lang.. haay. Hindi ko naman problema to eh. Bakit ba kasi isinumpa pa akong mgakaroon ng ganitong kakayahan! Tsk.
Tinapon ko ang bag ko sa kama.
“Haaay, kahit ngayon lang, hayaan nyo akong magpahinga pwede??!”sigaw ko sa kwarto ko. Ng maramdaman kong namayani ang katahimikan at walang kumontrang masama, o mabuting espirito n paparazzi ko(meaning, di ako tinitigilan at palagi na lang akong sinusundan.). Natahimik ang kagandahan ko. At tuluyan na nga akong natulog sa aking king sized bed.^^
“IKAW???!Demonyo ka! Layuan mo ako!” sigaw ng isang boses. Garalgal ito at halata mong pinipilit na lang nitong magpakatapang kahit na takot na ito.
Parang kanina lang ay nasa kwarto ako ah.. Anong nangyari? Bakit? Bakit nasa----
BINABASA MO ANG
Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)
Mystery / ThrillerBehind every person is a SECRET… The future is always connected to the PAST… You never know who is your FRIEND… Because everybody can be your ENEMY... Every event has a REASON… Every person …. Has their OTHER SIDE….