>>>AUTHOR'S NOTE<<<
Isang taon na din at sa wakas sinaniban kami ng espiritu ng kasipagan. Hindi ko na pahahabain ang aking talumpati.Magbasa ang nais bumasa.Pasensiya sa mga natagalang mambabasa. Salamat sa mga patuloy na tumatangkilik ng story na ito kahit 2015 na at pang 2013-2014 siya haha.
Jesse's POV
"Bakit hindi mo sabihin? Bakit hinahayaan mong madungisan ang pangalan mo?" sambit ko at tingin sa aking kausap.
"Hindi maari may kasuduan kami.Hangga't hindi ko sinasabi ang totoo hindi niya magagalaw ang kapatid ko!"
"PERO PAANO NAMAN ANG IBANG TAONG NADADAMAY! KALA KO BA GUSTO MONG TULUNGAN KITA! HINDI ITO MATATAPOS HANGGA'T HINDI KA NAGSASALITA! PAANO NILA MALALAMAN NA HINDI IKAW ANG PUMAPATAY!"
"TUMAHIMIK KA! NASASABI MO LANG YAN DAHIL IMBES NA TULUNGAN MO AKO NAPAMAHAL KA SA TAONG KAILANGAN MONG BANTAYAN! NGAYON? GUSTO MONG ISUKO KO ANG KAPATID KO!?" huling sambit niya bago naglaho na parang bula.
Ginulo ko ang aking buhok dala ng inis at galit...galit sa sarili ko! Hindi dapat ganito ang plano.Dapat babantayan ko si Marielle na hindi malaman ang totoo.Pero bakit?
"Dahil mahal mo na siya"
"Argggggggh!!!!!ATE ELLEN! Sabihin mo na ang totoo!"
Sa kabilang banda....
Marielle's POV
May hindi tama s amga nagyayari.Bakit ganon na lamang ang tingin ni Ate ellen noong muntik mamatay si Jesse?! Hindi ba dapat natutuwa siya? Bakit muka siyang nag aalala? Isa pa, mukang gulat si Ms. Aragon noong sinabi kong si Ate ellen iyon.May hindi tama? Kailngan ko itong malaman.Kailangan nang matapos ito!
"Ay, alas-dose na pala dadalawin ko muna si Ate Aby." Isa sa mga rason kung bakit nais kong malutas ang kasong ito ay dahil may pakiramdam akong sangkot ang ate ko rito.Maari narito ang susi ng pag-galing niya.
Habang nasa tricyle nagiisip ako.Maraming haka-haka ng kababalaghan sa MSU. Maari kayang hindi si ate ellen ang namumulto?
"Aish!! Ano ba marielle! Kamukha nga di ba? Nakita ko nga e. Hay."
"Si Kate...siya...siya....si kate"
Napahinto ako.Madalas sabihin iyon ni ate kapag nakikita niya ang picture nla ni Ate Yodelle at Ms. Aragon.Binilisan ko ang aking lakad at dali daling pumunta sa kwarto ng ate ko.Sana may makuha ako sa kanyang ideya kung paano ito nasusulusyunan.
"Ate may tanong ako" sambit pagkapasok na pagkapasok ko pa lang.
"Ano?" sagot niya na hindi manlang ako nililingon at patuloy na gimuguhit sa papel
"Kilala mo ba si Kate!"
Hindi siya sumagot!
"Ate...Sino si Kate?"
"AHHHHHHHHHHHHHHHH! WAG MO NANG ALAMIN!!! WAG!!! AHHHHHHHHH!"
BINABASA MO ANG
Batch 2013-2014:The Secret Unfolds (slow update)
Mystery / ThrillerBehind every person is a SECRET… The future is always connected to the PAST… You never know who is your FRIEND… Because everybody can be your ENEMY... Every event has a REASON… Every person …. Has their OTHER SIDE….