Episode 32: Hostage
******
[ Virgel's PoV ]
" Gagawin ba talaga natin to Kael? "
" Oo Boss. Wag kang matakot."
" Eh hindi naman ako natatakot eh, nahihiya ako."
" Wag kang mahiya Boss, ako bahala sayo."
" Eh kung wag nalang kaya? "
" Hindi na tayo pwedeng umatras, andito na tayo."
" Wag nalang natin tong gawin Kael. Nahihiya ako."
" Pfft. To naman si Boss, kunwari first time." Natatawang asar ni Kael. " Hindi mo naman siguro first time na pumasok sa klase diba Boss? " Dagdag niya pa.
" Oo, pero kasi mahigit isang buwan na tayong hindi pumapasok eh. Nakakahiya naman sa mga classmates natin pag pumasok pa tayo."
" Hindi yan. Excuse naman tayo sabi ni Hugo kaya wag kana mabahala jan. Di tayo pagagalitan ng mga teachers natin. Kaya tara na Boss, late na tayo oh." Napatingin ako sa relong suot ko. Medyo late nanga kami. Pero kasi...T_T
" Sige nanga." Wala na akong nagawa pa kaya sumunod na ako kay Kael. Bahala na. Hindi ko alam kung papayagan paba kaming pumasok sa mga klase namin dahil based sa handbook nitong Apollo High, pag lumampas ng sampu ang bilang ng absences mo, automatic drop kana. Tapos kami mag iisang buwan na. Ayos din. -__-
Sana nga lang ay totoo yung sinabi ni Hugo sa'min na excused kami sa klase kundi..ewan ko nalang.
Pagkapasok agad namin sa room ay napatingin ang lahat sa amin. Base sa mga expresyon ng mga mukha nila, may mga nagulat, nagtaka at yung iba parang wala lang nung makita nila kami.
" Diba sila yung mga transferee? "
" Ang akala ko nag dropped na ang mga yan."
" Akala ko nga din eh."
Tumingin ako sa teacher namin na nagtuturo ngayon at akala ko isang galit na expresyon ang makikita ko sa mukha niya pero nakapagtataka lang dahil ngumiti lang ito sa'min. " Oh maupo na kayong dalawa." Sabi niya pa. Eh? Hindi siya galit?
" Sabi ko naman sayo diba? " Sabi ni Kael habang ngumingisi pa.
Umupo na kaming dalawa ni Kael sa mga upuan namin.
" Hi Virgel." Bati ng katabi ko. Ano nga ulit ang pangalan niya? Ah tama..si Claire. " Ikaw na ba yan? Medyo lumaki ng kaunti yang katawan mo ah."
" H-ha? Lumaki? " Tumingin ako saglit sa braso at katawan ko. " Wala namang nagbago sa katawan ko."
" Anong wala, lumaki ka kaya ng konti. Ganyan ba talaga kapag galing ka sa america? " Natatawang sabi niya." Kumusta pala ang buhay doon? Malamig ba? May snow ba? " Medyo kumunot ang noo ko sa tanong niya. Anong america ang sinasabi niya? Di naman ako nanggaling dun.
Tumikhim ang teacher Gomez kaya nabaling agad ang lahat ng atensyon sakanya.
" Sa mga hindi nakakaalam at nagtataka sa pagbalik nilang dalawa sa klase natin, nais ko lang sabihin sa inyo na last month, Pumunta dito si Mr. Hugo Arsenal para humingi ng permiso sa school na iexcuse silang dalawa dahil may importanteng bagay silang aayusin sa america. " Sabi niya na medyo ikinagulat ko. So yun pala ang inirason na Hugo para ma excuse kami? Na pupunta kami ng america?
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...