Episode 7: The Surprising Mafia Group
EditedOct2018
********
[ Ish's PoV ]
Time 6:25 pm
Habang naghahanda ng hapunan ang mga katulong dito sa mansyon, ako naman ay abala sa pag lalaptop. Tinatry kong pasukin ang systems ng Elfame Corporation. Balita ko kasi may transaction na magaganap sa pagitan ng Elfame Mafia at yung tinatawag nilang Hirvana Group mamayang alas otso dun mismo sa Elfame Building.
"Yow Ish! Anong ginagawa mo? Pahiram naman ng lappytoppy mo." Bungad ni Benz pagkalapit tapos ay tumabi ito sakin.
"Busy ako. Wag kang magulo." Sagot ko habang di inaalis ang tingin ko sa laptop.
"Sige na Ish. Maglalaro lang ako ng Dota hehehe." Amp.
"Denelete ko na yung Dota dito. Wag ka ngang storbo. Malapit ko ng mapasok ang system nila."
"Denelete mo?!" Defuta.
"Oo kaya wag mo na akong kulitin dito."
"Ay sige, mag pplant vs zombies nalang ako Ish"
"Tsk. Denelete ko na rin yan"
"ha? Ah sge angry birds nalang"
"Denelete ko na rin yan."
"Flappy Bird nala--"
" Wala narin yan."
"Aish! daya mo naman Ish!" Pagmamaktol niya. Akala ko aalis na siya pero..
"Sige nanga..Solitaire nalang lalaruin ko." Anak ng tokwa to!
"Hindi kaba titigil?! Kita mong may ginagawa ako dito diba?!" Mapapamura nalang ako ng wala sa oras dito eh! Pumuputok talaga yung butchi ko pag may ganitong nangungulit sa'kin. Lalo na pag oras na may ginagawa ako.
Nakita ko namang ngumuso ang hayop. "Ang bad mo, Ish." Sabi pa niya habang nagkukunwari pang umiiyak.
Matadyakan nga!
"Aray naman Ish! Ang sakit nun ah!" Napahimas siya sa pwet niya. Nahulog kasi sa upuan nung tinadyakan ko.
"Guluhin mo pa akong hayop ka, di lang yan ang aabutin mo sa'kin." Pagbabanta ko.
"Oo na, tatahimik naa." Tumabi na ulit siya sa'kin habang tumitingin sa ginagawa ko--at tumahimik nanga siya.
Good. Ngayon makakapag concentrate na ako dito sa ginagawa k--
"Ay ano ba'yan Ish, manghahack kana naman? Inaabaso mo na yang talino mo ha. Bad na'yang ginagawa mo." Bigla na namang usal niya habang umiling iling pa. Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko.
isang ingay pang garapal ka!
"Ish bad yan woy, mabuti pa maglaro nalang tayo ng---" Di na ako nakapag timpi. Agad ko nalang kinasa ang baril na kinuha ko sa likuran ko at agad tinutukan ang bungo niya.
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...