Episode 43: Rise and Fall

5.5K 214 64
                                    

Episode 43: Rise and Fall



*********



[ 3rd Person's PoV ]



" K-kuya? " Halos di makagalaw si Virgel sa kinatatayuan niya dahil sa titig na natatanggap niya mula kay Argo. Ang mga titig na yun, ang mga matang 'yun, di siya pwedeng magkamali, siya nga yung nakita niya sa gubat, yung nagligtas sakanya, yung isa sa mga assassin ng ama niya.



Kuya Argo...



Muli naman ibinaling ni Argo ang tingin niya kay Hugo na ngayon ay parang natulala. Tila namanhid ang buong katawan niya dahil sa kakaibang takot na nararamdaman niya.



Biglang naglakad si Argo pababa ng hagdan para puntahan ang kinatatayuan niya. Pinilit naman niyang umatras pero di niya ito magawa. Itinaas niya ang nanginginig niyang kamay na may hawak na baril at itinutok ito sa taong palapit sakanya. " H-huwag kang lumapit! " Mabilis niyang tinignan si Virgel " Umalis kana dito Boss! " Utos niya kay Virgel dahil hindi maganda ang kutob niya sa taong ito.



Muli niyang ibinaling ang tingin kay Argo at nanlaki agad ang mga mata niya dahil nasa tapat na niya ito at matalim na nakatingin sakanya.

Ipuputok na sana niya ang baril na hawak niya pero pagtingin niya dito ay na disassemble na ang lahat ng parte nito. Sa sobrang bilis ng ginawa ni Argo ay di man lang niya ito namalayan.



Mabilis siyang hinawakan ni Argo sa mukha pagkatapos ay itinaas ng walang kahirap hirap. Pinilit niya ang kumawala pero di niya magawa. Diniinan ni Argo ang paghawak nito sa kanyang mukha kaya napasigaw siya sa sobrang sakit.


Bigla namang tumalon si Argo mula sa hagdan bitbit si Hugo, pagkatapos ay malakas niya itong binagsak sa sahig. Medyo mataas ang hagdan na tinalunan nila kaya napakalakas ng pagkakabagsak ni Hugo, ramdam niya pa ang pagdugo ng likod ng ulo niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak niya.



Pinulot ni Argo ang magazine ng baril na hawak ni Hugo kanina pagkatapos ay kumuha siya na isang bala dito. Matapos niya itong kunin ay humarap ulit siya kay Hugo pagkatapos ay itinuro niya ang hawak niya na bala sa direksyon ni Hugo.



Pinilit ni Hugo ang bumangon kahit dumudugo na ang ulo niya, unti unti na siyang nanghihina. Gusto niyang ilayo si Virgel sa taong kaharap niya ngayon. Gusto niyang iligtas ang Boss niya kahit sa huling nalalabi man lang ng buhay niya...pambawi man lang sa tangkang pagtataksil niya.



Tinignan niya si Virgel, pero nagulat siya niya nung makita niya itong tumalon.



wag.....


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon