Episode 26: Vengeance
******
[ Virgel's PoV ]
"Hugo? T-teka naman..sandali lang" Pagmamakaawa ko dahil sobrang sakit na ng katawan ko. " Na'san ka ba--" Di ko na natapos pa ang sasabihin dahil bigla na naman akong nakatanggap ng isang sipa sa sikmura. Pang sampung beses ko na yun.
Napayuko na ako sa sobrang sakit. Paano ba ako makakalaban nito kung hindi ko nakikita ang kalaban ko? Nakakainis!
Tatayo pa sana ako pero.." Ugh!! " nakatanggap na naman ulit ako ng isang suntok sa mukha ko na nagpatumba ulit sa'kin. " T-teka..paano ba ako makakalaban Hugo? " Tanong ko ulit pero hindi padin siya nagsasalita. Kanina ko pa hindi naririnig ang boses niya. Baket ayaw niya magsalita?
Siguro baka pag nagsalita siya malalaman ko kung na'san ang kinatatayuan niya..
...
.........
Natigilan ako saglit sa naisip ko.
Baka yun nga ang dahilan. Matalino talaga to si---teka..
" Ikalma mo lang ang daloy ng dugo mo, makinig at makiramdam. Ganun lang."
Makinig, makiramdam..
Tama. Tama yun nga!
Tumayo ako ng dahan dahan at sinubukan kong makinig at makiramdam sa paligid. Sobrang tahimik.. ah mali,
mga mahihinang yapak..
May nariring akong mahihinang yapak mula sa kaliwa ko..sa gitna...
Papunta sa kanan...
Naramdaman kong medyo umabante ang hakbang niya kaya umatras ako ng kaunt--
Anak ng!
Napatigil ako sa pag iisip dahil bigla akong nakaramdam ng hangin na humampas sa kanang bahagi ko na para bang may paparating na bagay palapit sa'kin.
Iiwas sana ako pero huli na. Tumilapon ako sa lakas ng sipa na natanggap ko sa mukha.
Nalalasahan ko na ang dugo sa bibig ko. Nakaramdam narin ako ng sobrang sakit sa buong katawan ko. Parang hindi ko kakayanin ang pagsasanay na'to.
Pero malapit na eh. Malipit ko na itong makuha. Nahuli lang ako ng kaunti sa pag ilag kanina.
Tumayo ulit ako..sa pagkakataong ito ay pumikit na ako. Iyon ay para mas mapalakas ko pa ang pandinig at konsentransyon ko.
Nadidinig ko na naman ang mga yapak ng mga paa ni Hugo na tila naghahanap ng tsempo sumugod.
Papunta siya sa kanan...patuloy lang siya sa pag apak hanggang sa umabot siya sa likuran ko. Hindi ako umikot para harapin siya. Instead hinintay ko ang pag apak niya ulit. Tumigil kasi siya sa paglalakad.
Sunod na pinakiramdam ko ay ang hangin. Steady lang ang lahat. Wala pa akong nararamdamang hangin na humahampas sa'kin. Ibig sabihin nun ay hindi pa siya umaatake.
Hanggang kailan niya balak tumayo sa likod ko?
Maya maya lang rin ay nakarinig ulit ako ng pag apak niya kaya inihanda ko ang sarili ko. Sinubukan kong palakasin ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng pagkalma. Naramdam kong medyo umihip ng kaunti ang hangin sa likod ko kaya agad akong umikot para harapin siya..unti unting lumakas ang hangin sa may kaliwang pisngi ko kaya agad kong iniwas ang ulo ko sa kanan.
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
AksiyonBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...