Episode 34: Catching Bullets
**********
[ Hell's PoV ]
*Flashback*
" Isang ice cream pa nga kuya."
" Antakaw mo talaga. Pang limang ice cream mo na yan ah."
" Eh ano naman? Masarap eh."
Tss, ang sabihin mo ang baboy mo! Di nalang ako nakipagtalo dahil alam kong di papatalo 'tong engot na to.
" Elon, gusto mo? "
" Hehe sige ba."
" Kuya isa pa nga para sakanya."
Umiwas na ako ng tingin dahil nagsimula na naman uminit ang ulo ko.
" Huy " Bigla akong kinulbit ni Elsa kaya kunot noo akong tumingin sakanya. " Ano? "
" Gusto mo din? " Nakangising tanong niya sabay lahad ng ice cream na hawak niya. Umatras pa ako ng konti dahil ang lapit ng mukha niya. Kainis. " Hindi." Matigas na sabi ko sabay iwas ng tingin.
" Eeedi waaag. Oh heto ang sayo Elon. Masarap yan."
" Talaga? Matikman nga..hmmm masarap nga."
" Sabi naman sayo eh."
-____- bwesit
***
" Uy ang ganda oh." Tumigil kami sa isang tindahan na nagbebenta ng mga kwentas, singsing, borloloy at kung ano pa mang walang kwentang mga bagay na yan. " Anong maganda jan? Ang papanget! "
" Anong panget? Maganda kaya. Diba Elon? "
" Hehe oo."
Kumuha siya ng tatlong pares ng kwentas na may nakasulat na Best Friends Forever at ibinigay samin ni Elon ang dalawa. BestFriends Forever? Tss ang corny talaga ng engot na'to kahit kailan. At sa'kin pa talaga binigay yung "Friends" at kay Elon naman yung "Best". Tangna, nananadya ba to? Tss!
"Isuot niyo yan ah." Sabi pa niya sabay ngiti. Bago pa ako matulala sa ngiti niya ay umiwas na agad ako ng tingin. Putik na ngiti yan -__-
" Magkano lahat ale? "
" 150 lang yung tatlo hija."
" Wait lang po, kukun--HALA!! YUNG BAG KO!! " Pagkasigaw ni Elsa niyan ay may biglang bumangga sa may likuran ko kaya muntikan na akong madapa. Bwesit sino yun?!
At tsaka ko lang napansin na bitbit nung nakabangga sa'kin yung sling bag ni Elsa. Gago yun ah! Hahabulin ko na sana ang ungas na yun para kunin ang bag niya pero..
Naunahan na naman ako.
Mabilis na nahabol ni Elon ang magnanakaw at nahuli niya ito sa dun may unahan. Ang weird din nitong Elon na'to eh. Ang lampa lampa tignan dahil sa salamin niya pero pagdating kay Elsa nag iiba siya.
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
AçãoBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...