Episode 27: Meeting of the Five Families
********
[ Felix Sy's PoV ]
" Mawalang galang mga ginoo. Pwede ba naming makita ang invitation card niyo? " Limang maskuladong tagabantay agad ang tumambad sa'min pagkaparating namin sa mansyon ng Emnacin Family.
" Felix." Tawag sa'kin ni Boss kaya agad kong ibinigay ang invitation card na hawak ko dun sa mga lalaki.
Matapos nilang makuha yun ay yumuko sila. " Pwede na po kayo pumasok."
" Maraming salamat " Boss.
Pagkapasok namin, di na kami nagulat pa sa dami ng taong nandito sa loob ng mansyon. Pero kung mapapansin mo, mas maraming lalaking guests ang nandito ngayon kaysa sa babae. Dahil syempre, Halos lahat ng nandito ngayon ay kasapi ng iba't ibang Mafia Groups.
" Andaming tao." Komento ni Sebastian na tila naiirita na. " At ang iingay pa." Dagdag niya. Alam niyo naman siya, ayaw niya sa mga ganitong klaseng lugar. Ayaw niya sa maiingay ng lugar.
" Argo, andito ba sila? " Tanong ni Boss.
" Oo."
Sino kaya ang tinutukoy ni Boss? Ang Virgo ba? Tumitingin tingin ako sa paligid para sana hanapin sila, pero iba ang nakita ko.
Andito sila. Sila kaya ang tinutukoy ni Boss?
Walang kupas parin talaga ang ganda ni Mrs. Almira. Kahit may kaedaran na ito ay napakaganda parin. Di ko masisisi si Boss kung baket siya nahulog kay Mrs. Almira.
Ang saklap nga lang dahil hindi naging maganda ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Kagaya ng inaasahan ko, maraming tauhan ang mga Martins. Kasama ni Mrs. Almira ang bago nitong asawa na si Mr. Marcelo Martin. At kagaya ni Boss, may anim rin na sa tingin ko ay mga pinakamalalakas na tauhan niya ang nakapalibot sakanya.
Tinignan ko saglit si Argo. Blanko lang ang ekspresyon niya habang straight na nakatingin kay Mrs. Almira.
Kinakabahan ako dahil baka magwala nalang 'to dito bigla. Si Argo kasi yung tipo ng tao na ayaw na ayaw mong magwala.
Hindi yan kumikilala pag nagwala yan.
" Andito rin pala sila. Mukhang imbetado nga ang limang malalakas na Mafia " Napatingin ako kay Elfred nung magsalita ito. Ang akala ko ang Martin Family ang tinutukoy niya pero sa ibang direksyon pala siya nakatingin. At nung tinignan ko kung saan siya nakatingin..
Ang Alibara Mafia andito rin.
" Ano nga yang pangalan ng Boss nila? " Tanong ko.
" Mr. Gideon Saquin." Trace
Tama. Kasama ni Mr. Saquin sa table nila ang asawa at limang malalakas na tauhan niya. At dalawa sa mga tauhan niya ay kilala ko.
Giovanni Belicoff at Vincent del Varya.
( A/N Sa mga nagbabasa rin ng The Seventh Mafia Boss, gusto ko lang sabihin na ang Alibara Group doon at dito sa storya na'to ay iisa. Featuring lang yung Alibara sa TSMB :))
" Hayop talaga to si Mr. Yusen. Ang daming tauhan." Sabi yan ni Sebastian habang nakatingin rin sa kabilang banda. Tama siya. Ang dami nga nila na nakaupo sa isang mahabang dining table.
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...