Episode 22: The Devil's Eye

6.9K 242 37
                                    

Episode 22: The Devil's Eye



********


-Next Day-
*Sunday*


[Virgel's PoV ]


" Woooow "

Halos mapanganga ako sa ganda ng tanawin dito sa pinuntahan naming beach resort.

Puti yung buhangin na parang dun sa boracay. Tapos ang ganda din ng dagat. Parang swimming pool lang sa sobrang linaw. At tsaka...

At tsaka...

Andadaming..

" Daming chicks dito."

Tama yung sinabi ni Ish. Ang dadami nila. T-tapos nakasuot lang sila ng a-ano..

" Boss, ba't ka namumula? Nilalagnat kaba? " Agad akong umiling sa tanong ni Elsa. Namumula ba ako? Eh k-kasi naman...andaming..

Ang inosente kong mga mata!

" Ilagay muna natin 'tong mga gamit natin dun sa may cottage." Utos ni Hugo kaya umiwas na agad ako ng tingin dun sa mga magagandang babae ng nakasuot lang ng ano...

**

Habang naglalakad kami papuntang cottage..

Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaiba. Sa totoo lang kanina ko pa talaga ito nararamdaman. Pero binabalewala ko lang. Baka kasi mali lang yung pakiramdam ko.

Pero para talagang may sumusunod samin kanina pa eh.

Since ako yung pinakahuli saming naglalakad, lumingon ako sa likuran..baka sakaling meron ngang tao. Pero paglingon ko..wala naman.

Itinuloy ko nalang ang paglalakad. Baka guni guni ko lang 'yun.

**

After namin mailagay lahat ng mga gamit at mga pagkain sa cottage, agad nagpalit si Benz ng damit at agad itong ttumakbo papuntang dagat.

" WEEEEEEEEE!! " Rinig pa naming sigaw niya. Pfft. Mukhang ang saya niya ngayon. Sabagay, siya rin naman ang nakaisip ng ideya na ito na magrelax. At siya din ang pumili nitong resort na pinuntahan namin.

" Boss, tara langoy tayo? " Aya ni Ish na naghuhubad narin ng salamin at shirt niya. Ngayon ko lang napansing medyo singkit pala 'tong si Ish. Lumalaki lang yung mga mata niya ng konti kapag nagsusuot siya ng salamin.

" Ah hehehe sige mamaya na ako Ish. Salamat "

" Sige..una na ako sa inyo. " ngumiti pa ito ng malapad samin " Matagal tagal narin akong hindi nakakapunta sa beach. " Dagdag niya pagkatapos ay patalon talon itong tumakbo papunta ring dagat. Pfft. Minsan ko lang makita si Ish na ganun. Tsk sayang, dapat pala kinunan ko siya ng video.

Ngayon ang natira nalang dito sa cottage ay ako si Kael, Elsa, Hell at Hugo.

" Ikaw Kael? Baka gusto mo ng mag swimming. " Tanong ko. Tumawa naman siya ng kaunti tsaka umiling " Mamaya na ako, Boss."

" Magbibihis lang ako." Paalam ni elsa.

May nakita akong chichirya sa lamesa kaya nagtanong ako kay Hugo  " Pwede kumuha ng isa? Hehehe "

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon