Episode 10: The Head Boss
EditedOct2018
********
[ Virgel's PoV ]
"Damihan mo pa ang pagsubo Bossing!"
"Masusuka na ako Benz maawa ka" Naiiyak na ako dito eh. "Pakiusap tama na..ayoko na." Kumakain kasi kami ngayon, at since si Benz daw ang naka assigned sa mga kakainin ko araw-araw, eh heto siya ngayon, pinipilit padin akong pakainin kahit kanina pa ako busog.
"Hindi pwede Bossing! Dapat damihan mo pa ang pagkain para lumaki at lumakas ka kagaya ko heheh. Oh heto karne, maraming proteins yan kaya kainin mo na Bossing."
"Ayoko naaaa." Parang ano mang oras ay masusuka na talaga ako dito sa kabusugan.
"Sige na Bo-"
"Hoy engot! Papatayin mo ba si Boss?! Kita mong busog na busog na siya, diba?! " Suway ni Elsa kay Benz kaya tumigil ito saglit sa pangungulit. Haaay buti anjan si Elsa.
" Eh kasi.."
"Wag kang OA, Benz. Nauubusan kana ba ng araw? Busog na si Boss kaya wag mo na siyang pilitin. May susunod pa." Singit naman ni Ish kaya tuluyan ng napakamot sa ulo si Benz.
"Sige na ngaa, mamaya nalang ulit Bossing ah." Aniya kaya tumango nalang ako.
"Punta lang muna ako sa garden ah. Magpapahangin lang ako."
"Sige Boss." Payag ni Ish kaya tumayo na ako at lumabas. Kailangan ko ng sariwang hangin.
Okay na kami ni Ish. Di na siya galit sa'kin. Pumayag na nga din pala sila na maging Boss ulit nila ako. Sabi pa nila, gagawin daw nila ang lahat para lumakas ako.
Nalaman narin pala nila kung gaano ka delikado ang isang katauhan ko. Kinwento ko kasi sa kanila yung panaginip ko at mukhang naniwala naman sila sa'kin. Kaya plano talaga nila na palakasin ako para di na ako umabot sa puntong makontrol na naman ako ng isang katauhan ko.
Agad kong inalis sa utak ko nung bigla ko na namang maalala ang ngisi nito sa panaginip ko. Nakakakilabot.
At siya nga pala, si Kael, kasapi na siya ng Virgo ngayon.
Ako ang nagsali sakanya since hindi na siya myembro ng Fuego Mafia. Nung una ayaw pa ni Hugo dahil wala daw siyang tiwala kay Kael pero di nagtagal napilit ko rin naman siya hehe. At heto nanga siya, nakaupo sa may upuan dito sa garden. Kanina pa ata siya nandito
" Kael! " Masayang tawag ko tapos ay lumapit ako sakanya. Ewan, natutuwa lang kasi talaga ako dahil wala na kami sa magkabilang panig. Kasama ko na rin siya mismo dito sa pamilyang 'to kaya labis akong natutuwa roon.
"Boss." Kung ano namang ikinasaya ko, ay siya namang ikinatamlay niya. Pansin ko lang na medyo tahimik na siya nitong mga nakaraang araw. Di tulad dati na laging nakangiti at masigla pa sakin.
"May problema ka ba, Kael?" Di ko na napigilang magtanong. Ngumiti lang siya tapos tumingin ulit sa mga nag gagandahang mga bulaklak sa harapan namin
"Ba't sinali mo ko agad dito sa pamilya mo?"
"Bakit? Ayaw mo ba dito?"
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...