Episode 42: Crossing Paths
**********
[ Ish's PoV ]
" Bilisan mo nga jan Benz! "
" Eh ikaw kaya magdala nito Ish? "
" Aba't! Sumasagot kana?! "
*pout* " Tulungan mo kasi akong dalhin 'tong mga pinamili na'tin."
" Si Kael nga hindi nagrereklamo tapos ikaw jan, tadjakan kita eh."
*pout* Benz
" Hahahaha " Kael
Andito nga pala kami ngayon sa isang supermarket. At kung maitatanong niyo kung anong ginagawa namin dito, kaarawan kasi ngayon ni Hugo at naisipan namin na maghanda ng isang konting pagsasalo mamaya. Yung isang simpleng pagsasalo lang. Di naman kasi namin 'to ginagawa dati pag may kaarawan ang isa sa mga myembro ng Virgo, pero dahil nitong mga nakaraang araw ay mukhang stress na stress si Hugo sa trabaho, eh naisipan namin na gawin to. Isang araw lang naman.
Kinuha ko ang dalawang malalaking de lata ng Todays para sa fruit salad at inilagay ko ito sa pushcart na hawak ni Benz.
" Tama na Ish." *Pout*
" Tahimik."
Habang abala ako sa paghahanap para sa ibang ingredients ay meron kaming nakasalubong na sa tingin ko ay magkasintahan. Ang sweet sweet kasi nila habang naglalakad. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan. Buti pa 'tong ungas nakahanap na. -__-
" Teka, diba si Jack yun? " Takhang sabi ni Kael
" Hala tama, Hey Hitler! " Tawag ni Benz dun sa lalaki na may kasamang babae. Lumapit naman silang dalawang sa'min.
" Oh kayo pala yan." Nakangiting ganti nung lalaki.
" Cute parin ng bigote mo ah." Benz
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...